Mas nadagdagan lang ang kaba ko nang malamang two days and one night ang gaganaping meet up. Hindi lang 'yon dahil sa beach pa ang venue. Wala akong ideya kung ano ang mayroon sa beach bukod sa dagat dahil hindi pa naman ako nakakapunta roon pero nakakakaba ang tunog, alam kong puro expensive ang nandoon. "Hindi ba pwedeng isang araw na lang? O isang gabi?" Nakangusong tanong ko kay Cavin. Nagkibit-balikat siya. "Hindi ko alam doon." "Try mo kayang itanong..." "I will call him." Aniya at may mga pinindot sa cellphone. Maya-maya pa, tumigil na ang pag-ring, hudyat na nasagot na 'yong tawag. "Yo, Vin!" Mapaglarong boses, hindi ko pa man nakikita pero nai-imagine ko na ang nakangisi at mayabang na ekspresyon sa mukha nito. Vin ang sinabi niya, 'yon ba ang tawag niya kay Cavin? "Y

