"H-Honey!" Maiyak-iyak na banggit ko pagkapasok niya ng bahay. Yumuko ako, kagat-kagat ang ibabang labi ko. "H-Hey, you surprised me!" Rinig ko ang paghinga niya nang malalim, nagulat ko siya sa ginawa ko. "What's the matter? Why are you bowing your head?" "Sorry..." Mahinang banggit ko. "For?" Naglakad siya papasok, papunta sa sofa. Sinundan ko siya ng tingin. Binaba niya ang bag niya at saka tinanggal ang necktie niya. "I..." Napalunok ako, hindi ko madire-diretso ang pagsasalita. "Hmm?" Bumaling siya sa akin. "I—" hindi ko na napigilan, bumugso na ang luha mula sa mata ko. "S-Sorry, sorry!" Paulit-ulit na paghingi ko ng tawad. Nanginginig ang mga kamay ko habang himihikbi. "W-Wait... uh, ano... ano bang nangyari?" Lumapit siya sa akin, natataranta. Hinawakan niya ang magka

