"Your cousin?" May halong gulat na pagtatanong ko. This is somehow fast... Even though tatay niya ang main point kung bakit namin 'to ginagawa, tiyak na may iba pa ring taong sasapaw kahit na hindi naman dapat. Isa na roon sina Crisel at Ka Manuel. Since kakatapos lang nila, kakagawa lang namin ng solusyon para mapaniwala sila, 'di ko inisip na may susunod na naman. Sino bang niloko ko? Trabaho ito, walang pahi-pahinga. Kailangan kong maging alisto sa lahat ng panahon, hangga't hindi natatapos ang kontrata namin. Tumango siya, nasa pagkain ang tingin. "Yes, he's like a childhood friend to me." "So, sabay kayong lumaki?" "Uh, no..." Nailing siya. "Parehas kami ng school na pinasukan noong elementary hanggang high school. Kaklase ko siya lagi noon. Though noong college, nagkahiwal

