“Sophia!” sigaw ng kapit-bahay ni Sophia. Naabutan siya nitong nag-aabang sa elevator ng kanilang apartment building. Rose came up to her. Pa-cute itong kumausap sa kanya, “Tulungan mo naman ako sa assignment ko. Ang hirap eh.”
“Sure, ihatid mo sa bahay mamaya” tugon niya rito. Pagbukas ng elevator ay sabay silang pumasok. She pressed the button for the third floor.
“Same price?” masiglang tanong ni Rose. Lumiwanag ang mukha nito nang malamang papayag siya na tulungan ito.
“Same price!” nakangising sagot ni Sophia. Ganoon lang kasimple ang kalakaran at may bago na naman siyang raket. Puwede na iyon pandagdag sa ipapadala niyang pera para sa kanyang nanay sa probinsiya.
“Thank you! Dadaan ako mamaya sa inyo ah,” saad nito. Tumango siya bago magpaalam kay Rose nang bumaba ito sa second floor.
Sophia got off the elevator when it reached her floor. Nag-unat siya ng mga braso habang naglalakad sa hallway papunta sa kanyang apartment. Mag-aalas diyes na ng gabi at kagagaling lamang niya mula sa kanyang part-time job bilang waitress sa isang fastfood restaurant. Pagod siya pero may mga projects pa siyang kailangang tapusin dahil deadline na ng mga iyon sa makalawa.
Binuksan ni Sophia ang pinto ng apartment. Madilim sa loob kaya hinanap niya ang switch sa gilid ng pintuan para buksan ang ilaw. She went inside and looked around the house. Walang ipinagbago sa loob niyon. The small kitchen and living room were the same as it was when she left early this morning. Ibig sabihin, hindi umuwi ang roommate niya kaninang umaga o baka natutulog pa ito na parang mantika sa kwarto nito ng mga oras na iyon.
Nagtanggal ng sapatos si Sophia. Pagkatapos ay inilapag niya ang mga bitbit na gamit sa carpeted na sahig. Sinulyapan niya ang pinto ng ka-roommate bago tinungo ang kanyang sariling silid. She wondered if Margie is still in her room. Minsan sa isang linggo lang kasi sila nagkikita dahil tulog ito sa umaga at umaalis naman ito sa gabi.
Margie owns the apartment. Ayon dito ay college student rin ang ka-roommate pero hindi naman niya ito nakikitang pumapasok sa university. Ni wala nga siyang gaanong alam tungkol kay Margie dahil hindi sila gaanong close nito.
Nagbihis si Sophia ng damit pambahay at kinuha ang laptop mula sa bag. Dinala niya ito sa lamesa ng kusina dahil doon niya gagawin ang kanyang schoolworks. Pumwesto siya sa upuan at sinimulan ang mga gawain.
Mayamaya ay bumukas ang pinto ng kwarto ng ka-roommate ni Sophia. Nakita niyang lumabas ang bagong gising na si Margie at magulo pa ang buhok nito.
“Morning,” bati ni Margie sa kanya. Dumiretso ito sa counter ng kitchen para magtimpla ng kape.
“Evening,” pagko-correct na bati ni Sophia rito. Binalewala lang siya ni Margie at ipinagpatuloy nito ang pagtitimpla ng kape.
Pagkatapos ay dinala ni Margie ang kape nito sa lamesa at umupo sa tapat niya. Abala si Sophia sa pagtitipa sa kanyang laptop nang marinig niyang parang nabubulunan si Margie. Huminto siya sa ginagawa at tiningnan ang ka-roommate. Margie was choking on her coffee.
“Ayos ka lang?” agad na tanong ni Sophia nang makita ang sitwasyon nito. Margie was having a mess of coffee on her face. There were spills of drink on the table too. Kumuha siya ng bimpo upang ibigay iyon kay Margie. Nagpunas naman ito ng bibig.
“How did that get here?!” gulat na tanong nito kay Sophia. Binalewala nito ang natapong kape sa lamesa dahil nasa sahig ang atensyon ni Margie. Pinandidilatan nito ang magkapares na sapatos na inilapag ni Sophia sa sahig kanina. Her roommate's eyes were bulging with shock when she saw the white wedge heels on the floor.
“Ah, ito?” tinungo ni Sophia ang sandalyas at pinulot ang mga iyon. She motioned the shoes towards her roommate, “Diba sa’yo ‘to? Nakita ko malapit sa trashcan sa ‘baba. Baka na-misplace mo lang kaya inakyat ko na rito.”
“Anong misplaced? Sophia, walang tangang magmi-misplace ng gamit sa basurahan,” nandidiring saad ni Margie. Tumingin ito sa kanya, “Atsaka, basurera ka ba? Why are you picking up trashes from people?”
“Talagang itatapon mo na ‘to? Sayang naman,” she simply said. Sinuri ni Sophia ang wedge heels. Walang kasira-sira at mukhang matibay pa ang kagamitang iyon.
“What are you doing?” tanong ng ka-roommate. Tinaasan siya ng kilay ni Margie nang isukat niya ang sandalayas sa harap nito. Sophia was surprised when the shoes fitted her.
“Pareho pala tayo ng shoes size. Are you a size seven, Margie?” manghang tanong niya rito. Nagpalakad-lakad siya sa maliit na espasyo ng kanilang apartment.
“I'm a size eight but I can fit to a seven if I want to,” saad nito habang nandidiri paring tinitingnan ang sandalayas na suot niya.
“Bagay ba?” nakangising tanong ni Sophia nang humarap sa ka-roommate.
“Puwede ba, if you want it, then just take it. Sa’yo na iyan,” aligagang saad ni Margie. Halata sa mukha nito na hindi ito komportableng nakikita ang naturang sandalyas.
“Sigurado ka?” magiliw na sabi ni Sophia habang hindi pa rin tumitigil sa pagkahumaling tungkol sa wedge heels na sukat na sukat sa paa niya.
“Oo nga, Just get it off my sight,” pakling saad nito.
“Thank you!” tuwang pasalamat niya kay Margie. Hinubad niya ang sapatos at marahan na dinala ang mga iyon sa kanyang kuwarto. Hindi siya nagsisi na kinuha niya ito mula sa basurahan. Hindi na niya kailangang bumili pa ng magarang sapatos tuwing may darating na okasyon dahil may bago na siyang gagamitin. Tumingin ulit siya sa wedge heels bago isara ang cabinet, These are just perfect.
Pagbalik niya sa kusina ay nakita niya si Margie na galing sa front door ng kanilang apartment. May dala itong folder.
“Kumatok iyong babae mula sa second floor. Para daw sayo iyan,” sabi nito pagkaabot sa kanya ng folder. Then, Margie went back to her seat to finish her redone cup of coffee.
“Oo nga pala, tatapusin ko pa pala itong galing kay Rose,” tinanggap niya ang folder. Umupo ulit siya sa kanyang puwesto upang bumalik sa kanyang ginagawa. Inuna niyang atupagin ang mga homework ng kapit-bahay na si Rose.
“Are you doing her papers?” tanong ni Margie sa kanya nang mapansin nito kung ano ang ginagawa niya. Nakita kasi siya nitong
sinasagutan ang mga papel na dala ni Rose.
“Yep,” walang atubiling sagot ni Sophia.
“Ibang klase ka rin kumayod ah,” Margie smiled wryly.
“Kulang pa kasi ang ipapadala kong pera para kay Nanay sa probinsiya,” buntong-hiningang sabi niya. Gusto na nga niyang matulog na pero hindi pa puwede dahil ngayon lang siya magkakaroon ng oras para gumawa ng mga school works. Busy kasi siya sa umaga sa eskwelahan at sa kanyang part-time job. Kung hindi naman siya magpapadala ng pera ay baka kung anu-anong masasakit na salita na naman ang matatanggap niya mula sa kanyang ina. Bumaling siya kay Margie, “Mabuti ka pa, suportado ka financially ng mga magulang mo. Nabibili mo ang kahit anong gusto mo.”
Nakikita kasi niya minsan si Margie na inihahatid ng magarang kotse. Pati na ang mga paperbag ng mamahaling brands sa basurahan ay indikasyon na maraming perang ginagastos ang ka-roommate niya.
“Ano bang sinasabi mong suportado ng magulang? Patay na ang mga magulang ko,” kalmang saad ni Margie. Sumipsip ito ng kape.
“Hala, sorry” simpatyang sabi niya. Pero naguluhan si Sophia sa sagot nito. Kung wala itong mga magulang, saan nito nakukuha ang mga perang ibinibili nito ng luxury brands?
“You don’t need to be sorry. At para sabihin ko na rin sa'yo, I make my own money,” proud na saad nito. Tumitig ito sa kanya, “Gusto mo bang malaman kung saan ko nakukuha ang pera ko?”
Tumango siya bilang tugon rito. Napatigil si Sophia sa kanyang ginagawa at itinuon ang atensyon kay Margie. Curious siya kung paano ito nakakuha ng limpak-limpak na pera at namumuhay na ayon sa gusto nito.
“I am a sugar baby.”
Ano daw? Asukal na ano?, tanong ng isip ni Sophia.
“A- what?”
“I have a sugar daddy,” Margie answered directly.
Natulala si Sophia sa sinabi nito.
“Come on, don't tell me wala kang ideya kung ano ang sugar daddy?” Margie almost laughed when she saw the reaction on Sophia’s face.
“Of course, I have! I-I have,” naiilang na tugon ni Sophia. Ibinalik niya ang pansin sa laptop.
“Now, you're judging me,” hindi makapaniwalang sabi ni Margie sa kanya.
Huminga ng malalim si Sophia. Dahan-dahan niyang isinara ang laptop at ibinaling ang buong atensyon kay Margie. Sabi niya, “I'm sorry if I looked like I'm judging you.”
“It's fine. I'm used to it. I get that a lot but who cares, anyway?” walang pakeng saad ni Margie. Binalingan nito ang lumalamig na kape. She stared at her coffee, “Nakakatawa lang kasi kung sino pa ang mga humuhusga sa’kin ay iyon pang mga walang napatunayan sa buhay.”
Tinamaan si Sophia sa mga sinabi nito. She was guilty when she judged Margie without knowing her first. Tinanong niya ito, “Bakit mo naisipang maghanap ng sugar daddy?”
“Why not? It's easy money,” kibit-balikat na sagot ni Margie.
“Pero hindi ba katawan ang puhunan mo sa trabahong iyan?” tanong ni Sophia. She didn’t mean to offend her.
“See? This is why people should be properly oriented about what our job really is,” manghang saad nito. Margie felt like she needed to prove something to her. Humarap ito sa katapat, “Sophia, ang mga sugar babies ay hindi pokpok.”
“Hindi ko sinasabing-”
“Most people think having a sugar daddy means I'm selling my body to an old rich man but it's not actually that,” hindi pinatapos ni Margie si Sophia sa nais niyang sabihin dahil agad itong nagpaliwanag. Dagdag pa nito, “I'm merely offering services to them like companionship, or if they need someone to talk to, or if they need someone to go to parties with. These billionaires love spending money. They're just paying me for what I can give them. At saka puwede mo namang sabihin na hindi kasama ang s*x sa mga services na ino-offer mo. You just need to be concise about it. Sophia, anyone can go into this business as discreetly as you want it to be.”
“I… I must have misunderstood you, then,” paumanhing sabi ni Sophia. Ipinaliwanag rin niya ang naging reaksiyon niya kanina, "I have nothing against your job, Margie. Hindi lang kasi pangkaraniwang ang trabaho mo kaya most of the time ay maraming misconception ang mga tao tungkol sa trabaho na iyan."
“That's true. They stereotype us as whores,” saad ni Margie na nandidiri sa mapanghusgang mga tao.
“So, iyan pala ang pinagkukukunan mo ng pera kaya nakakabili ka ng mga mamahaling bagay…” Sophia understands now. Wala namang mali sa trabaho nito. Humahanga nga siya sa ka-roommate dahil sa tapang nitong pumasok sa industriyang iyon.
“Well, I can’t say I’m a multi-millionaire yet pero nabibili ko naman ang mga bagay na gusto ko,” pagmamalaking saad ni Margie. Sabi pa nito, “You know, sometimes it takes guts para maging madiskarte sa buhay. Aanhin mo ang pagiging hard-working kung maliit lang naman ang nakukuha mo mula sa pinaglalaanan ng sipag mo?”
Pagkatapos nitong sabihin iyon ay tumayo si Margie mula sa lamesa. Inilagay nito ang empty cup sa hugasan at dumiretso papasok sa silid nito. Napa-isip si Sophia nang maiwan siya nitong mag-isa sa kusina. Napagtanto niyang kahit ilang part-time pa ang kunin niyang trabaho, kakarampot parin ang kanyang kinikita kung ikokompara sa perang natatanggap ni Margie sa raket nito.
Natigil si Sophia sa pagmumuni-muni nang tumunog ang kanyang smartphone.
“Hello?” sagot niya sa tawag.
“Anak! Kumusta ka diyan sa siyudad?” bati ng kanyang nanay mula sa kabilang linya.
“Okay lang po,” sagot niya rito. Kumunot ang noo ni Sophia nang marinig sa background ang pamilyar na ingay na nagmumula sa paglalaro ng mga bloke. Sigurado siyang nasa majongan ang kanyang ina. Kinompronta niya ito, “Nagmamajong na naman po ba kayo, nay?”
“Eh ano pa bang gusto mong gawin ko dito? Mamatay sa pagkaboryo?” sarkastikong saad ng kanyang ina.
“Bakit po ba kayo napatawag?” Pag-iiba ng tanong ni Sophia. Binalewala na lang niya ang attitude ng ina dahil pagod na siyang makipag-away rito.
“Iyong bayarin ni junior sa eskwelahan, huwag mong kalimutan. Deadline na iyon sa makalawa,” paalala ng ina sa kanya.
“Hindi pa po sapat iyong pera ko, nay. Ipapadala ko na lang po ito sa inyo, dagdagan niyo na lang,” saad niya.
“O sige, ipadala mo na lang kung magkano man iyang pera mo diyan. Ibibili na lang namin iyan ng pang-ulam bukas,” pilit nito.
“Nay naman, para po ito sa bayarin ni junior sa eskwelahan,” nanlulumong saad ni Sophia. Mukhang sisimutin na naman ng nanay
niya ang kanyang pera.
“Edi magpadala ka na lang ulit sa mismong araw ng deadline. Grabe ka naman, Sophia! Maayos na maayos ang buhay mo diyan sa siyudad habang kami dito, walang makain. Umayos ka dahil hindi kita pinalaking ganyan,” mahabang litanya nito.
Nanigas si Sophia sa kanyang kinauupuan dahil sa galit. Kung alam lang ng kanyang ina ang paghihirap niya upang matustusan lang ang pang-araw-araw niya sa siyudad. Pinipigilan ni Sophia na awayin ang sariling ina dahil nais parin niyang magtira ng kahit katiting na respeto para rito. Kinalma niya ang sarili, Huminga ka ng malalim Sophia dahil nanay mo parin iyan.
“Sa araw ng deadline na lang po ako magpapadala,” sagot niya at hindi na hinintay pa ang sumunod na sinabi nito. Pinatay ni Sophia ang tawag at ibinaba ang smartphone. Bumuntong-hininga si Sophia. Bahagya siyang nagulat nang makita si Margie na nakatayo sa pinto ng silid nito. Naka-suot ito ng roba at papunta sa bathroom. Sigurado si Sophia na narinig ni Margie ang pag-uusap nila ng kanyang ina.
“Are you okay? Nanay mo ba iyon?” curious na tanong ni Margie. Nakita kasi siya nitong nagtitimpi ng kanyang galit.
“Oo,” ikling sagot ni Sophia.
“Sabihin mo lang kung kailangan mo ng pera, pahihiramin kita,” simpatyang alok nito sa kanya.
“Salamat pero huwag na lang. Wala rin naman akong ipambabayad kung sakaling mangungutang pa ako sa'yo,” aniya. Dadagdag lang sa mga problema niya kung magkakaroon pa ng utang si Sophia sa ibang tao.
“Baka gusto mo ng sugar daddy?” biro ni Margie sa kanya. Sinabayan pa nito iyon ng tawa bago ito dumiretso sa banyo.
Sophia snorted at Margie's joke. As desperate as she may seem, mukhang hindi rin naman niya kaya ang trabaho ni Margie. Wala siyang skills sa pagpapaganda, lalo na ang pag-entertain ng mga bilyonaryong matataas ang standards sa babae. She can't imagine herself looking sophisticated and alluring like Margie. Baka magmukha lang siyang chipepay na callgirl.
Later that night, Sophia kept staring at the ceiling of her bedroom. Kalahating oras na siyang nakahiga sa kanyang kama pero hindi parin siya makatulog. Parang bang may kung anong bagay ang bumabagabag sa kanya. Inabot niya ang smartphone sa nightstand nang makitang may tumatawag roon.
“Hello, Nay? Di ba sabi ko na sa susunod na araw na ako magpapadala-”
“Sophia! Sophia! Si Junjun!” sigaw ng kanyang nanay sa kabilang linya. Rinig niya ang pag-iyak nito.
“Po? Ano pong meron kay Junjun, Nay?” napabalikwas ng bangon si Sophia mula sa kinahihigaan.
“Nabangga ng sasakyan!” humahagulgol ang kanyang ina.
“Po?! Ano po ba kasi ang nangyari? Kumusta na po siya ngayon?” kinakabahang tanong ni Sophia.
“Nasa ospital kami ngayon. Nasa labas kami ng operating room dahil kasalukuyang inooperahan ang kapatid mo,” pilit na paliwanag nito sa pagitan ng mga hikbi.
“Nay, uuwi po ako diyan,” mangiyak-ngiyak na saad ni Sophia.
“Anong uuwi ang sinasabi mo?! Ni wala nga tayong pera pambayad dito sa ospital tapos gagastos kapa papunta rito?!” sigaw ng nanay niya sa kanya. Nawala bigla ang hagulgol nito, “Imbes na magsayang ka ng pera sa pamasahe, ipadala mo na lang iyan para sa pambayad ng ospital ni Junjun.”
“Pero nay, gusto ko pong makita si Junior. Kapatid ko parin siya,” pagmamakawa niya sa ina.
“Bakit ba hindi mo maintindihan, Sophia? Ang tigas ng ulo mo! Ang sabi ko, sayang ang pera. Magpadala ka na lang bukas para igagastos sa pangagailangan ni Junior dito sa ospital. Huwag kang mag-alala diyan, i-video call mo na lang ang kapatid mo kapag gumaling na,” mahabang litanya ng kanyang nanay. Pagkatapos niyon ay agad nitong pinatay ang tawag sa phone.
Ibang klase talaga ang nanay niya. Hindi nito inisip ang sakit na idinulot sa kanya ng balitang naaksidente ang kaisa-isa niyang kapatid. Sa halip ay inuna pa nito ang paghingi sa kanya ng pera. Minsan iniisip niya kung anak ba talaga ang turing nito sa kanya o cash register lang na pipindotin sa tuwing nangangailangan ng pera.
Sophia went out of her room because she was so upset. Dumiretso siya sa kusina at tiningnan ang laman ng refrigerator. Nakita niya ang mga nakalinyang can ng beer sa loob na pagmamay-ari ni Margie. Nagdalawang-isip muna siya bago tuluyang kumuha ng isang can ng Red Horse. Maiintindihan naman siguro ng ka-roommate kung iisa lang ang kukunin niya. She opened the can and drink to her heart's content. Mapait iyon pero malamig sa lalamunan. The alcohol brought a refreshing feeling that only she can understand at the moment.
Tumungo siya sa sala at umupo sa sofa. She turned on the television pero wala roon ang isip ni Sophia dahil inis na inis parin siya sa kanyang ina. Mothers are supposed to be the one taking care of their children. Pero mukhang binuhay lamang siya ng kanyang ina para pagkakitaan paglaki niya. Anong akala nito, isa siyang piggy bank na lumuluwa ng pera? Mabait naman siyang anak ah. Walang bisyo, nag-aaral ng mabuti, kumakayod parin kahit pagod na. Pero bakit ganon? Kung hingan siya ng pera ng nanay niya ay parang hindi siya anak nito? Napabuntong hininga na lang si Sophia at ipinagpatuloy ang paglagok ng beer.
Kinabukasan ay naalimpungatan si Sophia dahil sa sunod-sunod na tunog ng notification mula sa kanyang smartphone. Pero bago pa siya tuluyang dumilat ay agad siyang napahawak sa kanyang ulo dahil sa sobrang sakit. Para bang ilang libong martilyo ang pumupukpok sa kanyang ulo ngayon. How much did she drink last night to suffer such a hang-over like this?
Kinapa niya ang aparato sa nightstand at tiningnan ang rason kung bakit nagkakagulo ang kanyang phone. Muntik nang lumuwa ang mga mata ni Sophia nang mabasa ang nilalaman ng mga notifications na iyon.
C*mtopapi69: Are you free today? I have a party on my yacht.
DaddySaves99: What time will I pick you up for tonight's date? I can bring my limo!
Yesbabe56urgh: Call me, sweetheart. Let's talk about that Louis Vuitton bag you want. xoxo
Those and a lot more messages are spamming her notification bar. Hindi pamilyar sa kanya kung saang application iyon nanggaling. So, she clicked one message. She was immediately directed to the said application on her phone. Hindi makapaniwala si Sophia nang lumabas sa screen ang pangalan ng application na naka-install sa kanyang smartphone.
Welcome to SugarDaddy.Com, iyon mismo ang mga letrang nakatatak sa kanyang screen.
What had she done overnight? Did she just set up an account on a Sugar Daddy App?