Sophia knocked heavily on her roommate's door. Wala siyang pakialam kung mabubulabog man niya ang mahimbing na pagtulog ni Margie. She needed to talk to her. Sophia remembered a little bit of what happened last night at naaalala niya ang pagsali ni Margie sa kanyang pag-inom kagabi…
“Ohw? Marghret! Shan kha galeng ah?” Sophia tried to focus on the figure she saw entering the apartment.
“Kainis naman iyong matandang iyon! Hindi ako sinipot!” inis na ibinagsak ni Margie ang sarili sa tabi ni Sophia. Inagaw nito ang can ng red horse at inisang lagok ang natirang laman ng beer.
“Eeey Mharge! Inowmfa! Inowmfa! Inowmfa!” cheer niya sa ka-roommate.
Mayamaya ay hindi nila namalayan na nagkalat na pala ang mga empty cans ng beer sa coffee table. Siya naman ang chini-cheer nito sa paglagok ng beer. Nakataas ang kamay na sumisigaw si Margie, “Sopyah! Sopyah! Sopyah!”
Pagkatapos ng mga kaganapang iyon ay blangko na lahat sa memorya ni Sophia. Only Margie knows what really happened after she was highly intoxicated with alcohol last night.
“What do you want?” nayayamot na bungad ni Margie pagbukas nito ng pinto.
“Anong nangyari kagabi? Bakit ako nagkaroon ng account sa app na 'to?” ipinakita niya rito ang sandamakmak na notification mula sa kanyang smarphone.
“Oh my god, Sophia! You ruined my sleep just for that?” Margie rolled her eyes. Umatras ito upang bumalik sa kama at humiga ulit.
“Anong gagawin ko rito? Paano ko ba 'to ma-delete?” tanong niya. Sumunod siya rito sa loob ng silid. Sinipa niya ang nagkalat na mga paperbags ng luxury brands at boxes ng sapatos sa daanan. Umupo siya sa gilid ng kama para pigilan ang ka-roommate sa pagtulog ulit nito.
“Puwede mo namang i-delete iyan. Iyon nga lang, aabutin ng 30 days bago ma-fully delete ang account mo,” antok na tugon ni Margie. Nakahiga ito sa kama patalikod sa kay Sophia.
“What? 30 days?” she asked shockingly.
“Or just enjoy it. Nag-enjoy ka rin naman noong ginawa mo iyan kagabi eh,” tugon nito na nagpaalala kay Sophia ng totoong nangyari…
“Thell mhe Sopyah, Vhaket ka va naglalhashing ah? Nu vhang froblhema mow?” tanong ni Margie kay Sophia. Katatapos lang nilang sumabay kumanta sa isang kpop video sa youtube na hindi rin naman nila naintindihan.
“Yhong nhanhay koshing tnghin shaken e khash dheshpensher,” saad ni Sophia. Natawa rin siya sa sinabi niya.
Hindi rin napigilan ni Margie na sumabay sa tawa niya. She said in between laughs, “Ha! Yhong lhang frovhlemah mo? Eeshi! Mhay sholshyon akoh jhan!”
“Eeey … Awlawm khongnang sholshyon!” saad ni Sophia na hindi nawawala ang ngisi.
“Awno?” tanong ni Margie. Tumatawa parin ito nang walang dahilan.
Umusad si Sophia papalapit kay Margie. Kinamay niya ito upang lumapit ng kaunti ang babae sa kanya. Pilit namang inilapit ni Margie ang tenga nito sa ka-roommate kahit pasuray-suray na ang ulo nito. Bulong ni Sophia rito, “Bhegyhang mowkohng Shugah Dhadddeeey!”
Humagikgik silang dalawa na parang kinikiliti.
“Awkeng nhang fhong mho! Inshthol natehng yang oramishmo!” determinadong utos ni Margie kay Sophia.
Mayamaya ay nakangisi na ang dalawang babae habang nakatuon ang pansin sa screen ng smartphone ni Sophia. Hawak ito ni Margie at naghihintay sila na matapos ang pagda-download ng nasabing application.
Downloading…
Installing…
Natuwa ang dalawa nang matapos ang installation. Margie clicked the screen to open the app.
Welcome to SugarDaddy.Com
This is the app version of the website; choose what category would you like to proceed…
Enter as Sugar Daddy / Enter as Sugar Baby
Pinindut ni Margie ang kategorya ng Sugar Baby
Please provide a username…
“Ushernehm dhaw, Sopyah,” baling ni Margie sa katabi.
“Hnnn gushto kho yowng farang vharbi. Shuga Flum Frences mhanga ganown,” ngising saad ni Sophia. Nagtype naman si Margie sa keyboard.
SuuugaaFlam…
Sogaarphlum…
Shugarplam…
“Nuuu vha shfeleng naang shugaphlaam?” nalilitong tanong ni Margie.
“Kenanga yang! Kho na mhug tathayf,” inagaw ni Sophia ang phone at nagtipa sa keyboard.
ShoogaFlum22…
“Yang vhang shfeleng naang shugaphlaam?” tanong ni Margie na siningkit ang mata para makita ang binabasa.
“Yef!” Sophia answered lousily.
“Aaah! Okhi! Vhaket mhay 22?” tanong parin nito.
“Cosh Aym twengti too!” nakangising saad ni Sophia na nag peace sign pa.
“Ah… Naysh naysh!” sang-ayon naman ng lasing na si Margie. Ipinagpatuloy nito ang pagset-up ng profile.
Gender… Female.
What are you looking for in a sugar daddy?
“O! Nu dhaw tayf mhong Shooga Dhadhey,” tanong ni Margie na tinutukoy ang nag pop-up sa screen.
“Hnnndi kho lam. Vashta yowng magshosholb shamnga frowvlhema kho!” sigaw ni Sophia. May determinasyon pa sa kanyang mukha. Nagtype si Margie sa smartphone na hawak.
Somone who caan bemy knihgt in shning armr with a niiice car.
Masayang tumawa silang dalawa dahil nagustuhan ni Sophia ang inilagay ni Margie sa description. She clicked done on the screen.
Awesome! You are now ready to find a Sugar Daddy!
Nag-click parin ng next si Margie at napunta sila sa homescreen ng nasabing application.
Explore the app to attract more men to your profile!
Margie tapped once again the OKAY button to remove the welcoming phrase. Nagtinginan silang dalawa nang matapos ang proseso. Bigla silang napasigaw at sumayaw dahil sa tuwa.
Napabalik sa ulirat si Sophia pagkatapos maalala ang lahat ng iyon. Kinapa niya ang phone at tiningnan ulit ang kanyang account sa nasabing application. Then, she saw her own face on ShoogaFlum22's profile. She was absolutely drunk as seen on the photo. Kumunot ang kanyang noo kung bakit 'catch me if you can' ang nakalagay sa kanyang bio. Napailing na lang si Sophia. She's never going to drink alcohol ever again.
“Ang daming nagmimessage sa’kin, anong gagawin ko rito?” usisa pa ni Sophia kay Margie na nakatalikod parin sa kama.
“Edi replayan mo. Or uninstall it, I don't care,” Margie replied, annoyed by Sophia’s constant badgering. Tumayo ito para itaboy
si Sophia papalabas ng silid. Margie said before locking the door in front of Sophia’s face, “Now, don’t bother me anymore 'cause I’m going back to sleep.”
Trenta minutos nang namamalagi si Sophia sa library pero wala parin siyang nasisimulang research. Paano ba naman kasi, inaatupag niya ang pagbabasa ng mga messages sa SugarDaddy App at pagii-stalk sa mga profile ng mga lalaki na nagsisend sa kanya ng kung anu-ano. It’s been a week since she got drunk with Margie and foolishly installed the said app. Ibig sabihin, isang linggo na rin siyang naghahanap ng pera pambayad sa pagpapa-ospital ng kanyang kapatid. Pero sa kasamaang palad ay hindi umaayon sa kanya ang panahon. That's why she's in front of her phone right now, scrolling through a bunch of prospects where she can get her money.
Namangha at natuwa si Sophia sa mga natuklasan habang ini-explore ang naturang app. Isa rin pala itong normal na social media application. May home screen kung saan nagpopost ang mga sugar babies ng kahit ano. Itinatag rin ng mga ito ang ilang usernames na hula niya ay sugar daddy ng mga ito. Iyon nga lang, hindi basta-basta malalaman kung sino ang mga sugar daddy dahil unclickable ang kanilang mga usernames. She learned that she can't view a sugar daddy's profile unless that username sent her a message. Kaya pala ang daming gumagamit na billionaires sa app na 'to. Nakasisiguro silang secured ang kanilang privacy.
Napansin rin ni Sophia ang edad at itsura ng mga lalaki sa app na iyon. She scrolled on her messages to open one.
Hey, beautiful. Do you wanna have fun in my hotel room tonight?
Ngumiwi ang mukha ni Sophia. Ang laswa naman ng approach ng isang 'to. She clicked his username and stalked his profile. Medyo may katandaan na rin ang itsura nito pero marami itong tags mula sa iba't ibang sugar babies.
Duh, Sophia. Kaya nga sugar daddy ang tawag diba? They're supposed to be old and rich, sabad ng isip niya.
She immediately closed the app. Pinagalitan niya ang sarili dahil sa dami ng oras na nasayang niya sa kakascroll ng app na iyon. She
better put her phone down before she replies any of the messages on her account. Agad na inatupag ni Sophia ang pagri-research na siya namang dapat maging dahilan kung bakit nandon siya sa library.
Mayamaya ay nagvibrate ang kanyang phone. Tumatawag ang kanyang ina kaya lumabas si Sophia mula sa library. Sinagot niya ito nang makalabas siya ng building, “Hello, Nay.”
“Ano nang balita Sophia? Sinisingil na kami ng ospital rito,” bungad ng nanay niya sa telepono.
“Isang libo lang po itong naipon ko mula sa part-time,” pagod na saad ni Sophia. Tinanong niya ito tungkol sa kalagayan ng kapatid niya, “Kumusta po ba si Junjun, Nay?”
“Nasa recovery na si Junjun pero ang problemahin natin ay ang gastusin rito. Anong gagawin namin ngayon? Hindi makakalabas ng ospital ang kapatid mo kapag hindi tayo nagbayad,” paliwanag ng nanay niya.
“Eh nasaan po ba kasi si Manong Vicente? Baka may pambayad po siya sa ospital?” tanong niya na tinutukoy ang ama ni Junjun. Hindi naman sa nagrereklamo siya sa pagpapadala ng pera para sa kanyang kapatid, gusto lang naman niyang may katulong sa mga bayarin. Pero mukhang wala siyang maasahan mula sa live-in partner ng kanyang ina.
“Nandon kina aling Ising, nagbabakasakaling manalo sa tong-its,” pahayag nito.
“At may oras pa talaga siya para magsugal, Nay? Wala ba siyang pakialam sa anak niya?” kunot-noong tanong ni Sophia.
“Anong gusto mong gawin ko, Sophia? Iwan 'tong kapatid mo rito sa ospital?! Wala rin naman akong mapapala kung susugurin ko
ang lalaking iyon!” nagsimula nang tumaas ang boses ng kanyang nanay dahil pinuna na naman niya ang sugarol na asawa nito. Pero hindi parin napigilan ang kanyang ina sa totoong pakay nito kay Sophia. Sabi nito, “Iyong tungkol sa bayarin ng ospital, dumating na iyong billing. Higit kumulang forty thousand pesos ang halaga.”
“Forty Thousand?!” lumaki ang mga mata ni Sophia dahil sa gulat. Mabuti na lang at walang tao sa dakong iyon dahil baka pinagtitinginan na siya. Nanlulumong sabi niya, “Saan naman ako kukuha ng ganon kalaking halaga, Nay? Estudyante pa lang po ako.”
“Bakit kasi may pa-aral-aral ka pang nalalaman diyan sa siyudad?! Kung pagkatapos ng highschool ay pumasok ka na lang sana na saleslady sa mall dito sa karatig bayan, 'di sana ay baka naka-utang pa tayo ngayon kay konsehal!” litanya ng kanyang ina.
Heto na naman tayo, pagod na saad ni Sophia sa sarili. Hindi na lang niya pinatulan ang ina dahil hindi rin naman nito maiintindihan kung bakit siya nag-aaral ng kolehiyo. Elementary lang kasi ang natapos nito kaya malaking bagay na para rito ang pagtatrabaho bilang saleslady sa mall.
“Kung wala kang pera diyan, humanap ka na lang ng AFAM! Alam mo iyong anak ni Aling Ising? Nakapagpaayos ng bahay dahil nakapag-asawa ng foreigner. Ayon, binigyan pa ng pang-puhunan ang matanda para sa tindahan niya,” her mother continued to nag her.
Hinayaan na lang ni Sophia ang pagtatalak ng ina. Nagsimula siyang maglakad palabas ng university. Uuwi na lang siya sa apartment dahil wala na rin naman siyang mapapala sa library. Sinira na ng kanyang ina ang araw niya.
“Kung ayaw mo ng foreigner, mag-asawa ka ng matandang mayamang madaling mamatay. Iyon, panigurado mamanahan ka ng limpak limpak na pera kapag nadedo na iyon,” rinig parin ni Sophia ang boses ng ina mula sa phone habang naglalakd siya sa gilid ng kalye.
“Nay, ako na po ang maghahanap ng paraan para sa pambayad ng pagpapaospital ni Junjun. Sige po, mag-ingat po kayo,” pinal na sabi ni Sophia bago pinatay ang tawag. Bumuntong-hininga siya at ibinulsa ang smartphone. Nagpatuloy siya sa paglalakad patungong apartment.
When she arrived in front of the building, Sophia heard the tone of notification coming from her phone. Kinuha niya ito at tiningnan kung ano ang notipikasyon na iyon. It was a message from the SugardDaddy.com App. She clicked on it to open the message.
Darkshadow17: I have an offer you can't resist.
Natigilan si Sophia sa paglalakad. Iba kasi ang tono ng message na iyon kumpara sa karaniwang malalanding alok na natatanggap niya. She clicked the user’s profile to see who was behind it. She was surprised to see a photo of a younger man. Sumagi
sa isip niya, O baka edited lang ang picture na ‘to?
Mukhang bago pa ang profile ng user dahil wala pa iyong kahit isang tag mula sa ibang sugar babies.
“Sophia!” gulat na tawag ng isang kapitbahay na nakasunod pala sa kanya. Nasindak si Sophia kaya nawala saglit sa isip niya ang ginagawa. Nabalewala niya ang phone dahil kinausap siya ng kapitbahay habang sakay ng elevator.
Pagdating sa loob ng kanyang apartment ay agad na inilapag ni Sophia ang mga gamit sa sahig at umupo sa sofa. Kinuha niya ulit ang phone at binuksan ang application. She was staring at the message when she received a new one from him.
Darkshadow17: I need a sugar baby for business purposes.
Interesting offer, komento ng isip ni Sophia. Puwede bang maging plain business lang ang pagiging sugar baby? Ilang sandaling tinitigan ni Sophia ang message na iyon. Ilang ulit rin siyang nagpabalik-balik sa profile nito para usisain kung totoo ba ang picture na ginamit ng user. His photo seemed decent. Maayos at hindi rin malaswa ang approach nito. Sophia was an inch away from typing a reply. If she entertains him now, what could possibly go wrong?
Ang malaking factor rin para i-entertain ni Sophia ang message na iyon ay dahil sa pangagailangan niya ng pera ngayon. Right now, she's in the verge of desperation and is willing to risk anything just for money. Paano kung ang pagiging isang sugar baby ang magiging sagot sa mga problema niya? What if she grab it just this one time? Anas ng isip niya, Ngayon lang naman. Kapag nakompleto ko na ang pambayad sa ospital ni Junjun ay hindi ko na bubuksan ulit ang app na ito.
Sophia inhaled for air. She nervously typed on her phone.
ShoogaFlum22: How does it work?
Darkshadow17: Typing…
Kabado si Sophia habang hinihintay ang reply nito.
Darkshadow17: Meet me tonight at Café Dela Rosa, 8 pm. We'll discuss it over dinner.
That was weird, anas ng isip niya. She thought he was going to flirt a little and get to know her better to see if he was going to like her. Pero mas pinili ng lalaking makipagkita agad sa kanya. Nagkibit balikat nalang si Sophia. What difference will it make? Wala rin naman siyang choice kundi ang makipag-meet sa lalaki dahil ito lang ang nakikita niyang tanging pag-asa niya ngayon.
ShoogaFlum22: Okay, I'll be there.
She sent the message after typing it. Bago niya isara ang conversation ay may message na nag-pop up ulit mula rito.
Darkshadow17: I'll see you, then. Dress up for me, sugarbabe.
Sh*t! mura ng kanyang isip. Biglang nagpanic si Sophia dahil hindi pala siya ready sa mga ganitong meet-up. She's never been to a date, for goodness sake! Agad siyang kumilos upang tawagan si Margie dahil experto ito tungkol sa mga bagay na iyon. She needed to transform into a sexy, beautiful, young woman that a rich man can't resist. She has no choice but to do all of these if she wants to impresss and seduce her soon-to-be sugar daddy!