PHILIPPE Habang nakatingin sa mga anak kong naglalaro sa garden ay hindi ko mapigilang maalala ang nangyari kanina. We looked at each other, and I saw the same look she used to give me when we were together. I believe she still loves me, but she may be scared of falling in love again. Naki-join si Alessandra sa mga anak namin sa pakikipaghabulan. Inalis niya ang suot na sapatos at tumakbo nang habulin siya ng bunso namin. Hindi ko mapigilang mapangiti sa nakikita kong kasiyahan ng mga anak ko habang kasama nila ang kanilang ina. Sobra ang pagsisisi ko sa nagawa kong mali. Gusto kong ituwid ngunit mahirap makuha ang pagtitiwala sa akin ni Alessandra. Ngunit hindi ako sumusuko. Alam ko at naniniwala akong makukuha ko ang tiwalang sinira ko. “Daddy! Come and join us!” Sigaw ni Sandro.

