ALESSANDRA Habang kumakain ay hindi ko magawang tumingin ng derecho kay Philippe. Hindi man niya alam kung ano ang nasa isipan ko ay nahihiya ako. “Do you like the food?” Tanong niya. Napaangat ako ng tingin at nagkatitigan kaming dalawa. “Okay naman, masarap. . .” Sagot ko at saka binalik ang tingin ko sa plato ko. Hindi ko alam kung bakit nahihiya ako. Dahil ba nag-isip ako ng kahalayan habang gising at hindi naman ako nananaginip. Gusto kong matawa para sa sarili ko. “Salamat naman at nagustuhan mo.” Pasasalamat niya. “By the way, I plan to go to Baguio next week, baka gusto mong sumama.” Paanyaya niya. “Hindi ko alam kung may pasok ako sa weekend.” Aniya. “I’ll talk to Tristan para hindi ka niya papasukin sa weekend. Gusto ng mga bata na kasama ka. Para naman ma-enjoy nila ang

