ALESSANDRA “Mommy, nag-away po ba kayo ni Daddy?” Tanong ng anak kong si Lessandro. Nagtataka ko siyang tiningnan. Obvious ba ang hindi namin pagpapansinan? Gusto kong matawa dahil bakit magtatanong ang anak ko kung hindi obvious ang away naming dalawa. “Bakit mo naman naitanong anak?” Tanong ko kahit alam ko naman na ang sagot. Nagbuntonghininga ako. Ngumuso ang anak ko at nagsalita. “Hindi kasi kayo nagpapansinan?” Ilang sandaling nakatingin lang ako sa anak ko. Hindi ko alam kung ano’ng paliwanag ang sasabihin ko sa kanya. Bahala na. “Hindi naman kami nag-away ng Daddy mo. May hindi lang kami pagkakaunawaan, pero hindi naman ganoon kalala.” Paniniguro ko sa kanya. Ayokong mag-isip nang kung ano ang anak ko. Magmula kasi magkasagutan kami ay hindi ko siya kinakausap. Sumama ang

