EPISODE 46

1438 Words

PHILIPPE Tuwang-tuwa ang mga anak ko ng sabihin kong may out of town kaming pamilya. Naisip ko ito noong nakaraang araw. Sa dami ng hindi magandang nangyari sa pamilya namin ay deserve naming mag-unwind at magkaroon ng oras sa pamilya namin. “Maganda na meron tayong activity. Para naman may bonding moment pa rin tayo ng mga bata,” sabi ni Alessandra. “Yeah. At saka para naman makapag-enjoy ang mga anak natin. Hindi na lang puro aral at palaging nasa bahay. Nagpapasalamat nga ako dahil maluwag ang schedule ko nitong week kaya naisip ko ring magbakasyon tayo kahit ilang araw lang. Gusto kong maging masaya ang mga anak natin at syempre ang aming reyna,” sabi ko at saka napatitig kay Alessandra. Napaiiling lang siya habang nakangiti. “Sasama ba sila Henry at Carmen?” Tanong niya sa akin.

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD