ALESSANDRA Pagkatapos kong maihatid ang mga bata ay nagpunta ako sa opisina ni Philippe. Hindi ko na siya ginising dahil sobrang sarap ng tulog niya. Gusto kong magpahinga muna si Philippe at ako muna ang mag-take over sa opisina niya kahit isang araw lang. “Good morning, ma’am Alessandra,” bati sa akin ni Joebelle. Nagtatakang bati niya sa akin. “Ako muna ang boss mo ngayon. Tulog pa si Philippe,” sabi ko. Natawa si Joebelle. “Mukha po yata napagod si Sir Philippe kagabi,” biro niya na parang may ibig sabihin. Natawa ako lang ako at hindi na nagkomento. Baka kung saan pa kami makapunta. “Papasok na ako sa office. By the way wala bang meeting si Philippe ngayon?” tanong ko. Ngumiti siya at umiling. Nang makaupo sa swivel chair ni Philippe ay agad kong kinuha ang papel na nasa iba

