ALESSANDRA Hindi ko nagawang makatakas dahil tinali nila ang kamay ko at piniringan nila ako. Nilagyan nila ng tape ang bibig ko kaya hindi ako makasigaw. Tanging pagluha na lang ang nagawa ko. Panay ang dasal ko na iligtas kami ng diyos - na magkaroon ng isang himalang makatakas ako rito kahit napakaliit ng tyansa. Nagpumiglas ako nang buhatin ako ng isang lalaki at hindi ko alam kung saang lugar ako dinala. Pagsara na lang ng pinto ang narinig ko at wala na akong narinig na yabag. Kailangan kong makatakas dito. Hindi maaring umiyak lang ako at walang gagawin. Dahil sa pagod na sa kaiiyak ay nakatulog ako. Nagising ako nang marinig ang pagbukas ng pinto. “Gising na pala ang reyna,” sabi ng babaeng pamilyar ang boses. Hindi ako nagkakamali siya si Stephanie. Sino pa nga ba ang gagaw

