ALESSANDRA Nagising ako nang may naramdamang lamig na hanging dumampi sa balat ko. Sa nanlalabong mga mata ay nakita ko ang lalaking nakatayo sa tapat ko. May hawak na folder at may sinusulat. “Sino ka?” garalgal ang boses kong tanong sa lalaki. Napatingin siya sa akin. “Thanks god you’re awake now,” sabi ng lalaki. Napangiti siya. May kinuhang bagay sa bulsa ng suot niyang puting gown. Nasilaw ako nang umilaw ang hawak niya. Tiningnan niya ang mata ko at nang matapos ay napapikit ako. “Nasaan ako?” tanong ko. Ang akala ko ay mamamatay na ako. Nagpapasalamat ako dahil binigyan niya pa ako ng isa pang pagkakataong mabuhay para sa mga anak ko at sa asawa ko. “Kumusta ang pinagbubuntis ko?” tanong ko sa tingin ko ay doktor. Mukhang natigilan ang doktor at hindi nakasagot sa tanong

