ALESSANDRA Yumakap ako nang makita ko si Tristan. Kita ko ang concern sa kanyang mga mata. “I am so sorry for your loss. I am so sorry dahil wala ako rito, sana nailigtas kita kay Stephanie.” Aniya habang nakayakap sa akin nang mahigpit. Naiiyak ako sa tuwing naalala ang nangyari sa akin. Hindi ko maiwasang manghinayang sa kambal. Sana malapit ko na silang isilang, ngunit hindi na mangyayari pa. Naghiwalay kami sa pagkakayakap. “Okay na ako although nandoon pa rin ang kalungkutan ko dahil sa pagkawala ng kambal.” Malungkot na sabi ko. Ginagap niya ang kamay ko. “Sobrang nalulungkot ako sa pagkawala ng baby niyo ni Philippe.” Aniya at saka tinitigan niya ako nang may simpatya. Napangiti ako. Mahirap matanggap, ngunit kailangan kong gawin para sa mga anak kong nandito pa. “Kailanga

