PHILIPPE Napahinto ako sa pagtipa sa laptop ko nang pumasok ang sekretarya ko. Binababa ko ang salamin ko sa mata. “Bakit?” Tanong ko habang kunot ang noo ko. “Sir Philippe, nasa labas po si Sir Tristan. Gusto raw po kayong makausap,” sabi ng sekretarya ko. Parang alam ko na kung para saan ang pinunta niya rito. “Papasukin mo siya.” Utos ko. Tumango naman siya. Ilang sandali lang ay pumasok si Tristan. “Hindi na ako magpapaligoyligoy pa, gusto kitang kausapin tungkol kay Stephanie.” Aniya. Sinenyasan ko siyang umupo. “What about her?” Tanong ko at nagbuntonghininga. “Hinihiling kong iurong mo ang kaso laban kay Stephanie. Alam kong kalabisan ang hinihiling ko sa iyo. At alam ko ring malaki ang kasalanan niya kay Alessandra ngunit. . .” Pinahinto ko siya sa pagsasalita. “I am

