ALESSANDRA “We need to have a vacation. Tungkol sa nangyari sa atin last month that was terrifying for me. I already filed a case against them. Madadagdagan pa ang kaso ni Stephanie,” sabi ni Philippe. Totoo naman ang sinabi niya na terrifying ang nangyari sa aming dalawa ni Philippe. Deserve ni Stephanie ang karagdagang kaso dahil sumobra na siya sa ginawa niya sa pamilya ko. “She will pay for what she did to you. Imagine gumawa siya ng ganoong krimen para lang siraan ka sa akin? I almost believe it.” Napailing ako. Desperada ang babaeng iyon para maagaw niya si Philippe at sirain ang pamilya namin. “Kahit sino naman makakakita ng video ay maniniwala rin. Magaling ang acting ng babaeng iyon. She’s crazy,” sabi ko at napailing. Totoong baliw ang babaeng iyon. Hindi siya magtatagumpay.

