PHILIPPE Napabangon ako. Napahawak ako sa ulo ko nang makaramdam ng pagkirot sa sintindo ko. Napatingin ako sa paligid. Kumunot ang noo ko sa pagtataka nang mapansing hindi pamilyar ang silid na kinaroroonan ko. Hindi ito ang silid ko. Anong nangyari? Ang natatandaan ko ay kausap ko si Mr. Robles at nagpasya kaming sa kapihan kami mag-usap. Napahawak ako sa ulo ko upang alalahanin pa ang iba. Ang huli kong natatandaan ay habang nag-uusap kami ni Mr. Robles ay nanlabo ang mata ko. Narinig ko pa ang boses ni Mr. Robles nang humingi siya ng tulong. Wala na akong maalala sa sumunod na pangyayari dahil nawalan na ako ng malay tao. “Gising ka na pala, Philippe. Dinalhan kita ng pagkain mo. I’m sure gutom ka na dahil sa pagod. You know what I had a good time. I miss doing it with you.” Kumuno

