PHILIPPE Dahil hindi nagre-reply si Alessandra sa message ko ay maaga akong umuwi. Nabanggit ng sekretarya kong nagpunta sa opisina ko si Alessandra dala ang tanghalian ko sana. Nagsisi ako dahil sumama ako kay Calixta. Sana pala tumanggi na lang ako dahil darating ang asawa ko. Alam kong masama ang loob niya sa ginawa ko. Pagkadating sa bahay ay walang tao akong nadatnan. Nagtaka ako dahil dapat nandito na sila alas singko palang ng hapon. Sinubukan kong tawagan ang number ni Alessandra ngunit hindi niya sinasagot. Tinawagan ko ang numero ni Samantha ngunit naka-off. Nagpameywang ako at napasuklay sa buhok ko. Galit nga si Alessandra sa akin. Ang laki kong gago! Sino’ng hindi magagalit sa ginawa ko? Hindi ako nagpaalam sa kanya na lalabas. Nagpasya na lang akong magluto ng hapunan

