ALESSANDRA Nagluto ako ng tanghalian ni Philippe. Pinagluto ko siya ng paborito niyang ulam. Napangiti ako habang napasulyap sa lagayan ng baon ni Philippe. “Magandang tanghali, Joebelle!” Bati ko nang tumapat sa table niya. Napangiti siya sa akin at napatingin sa hawak kong paper bag. “Hi, ma’am Alessandra. Wala po si sir Philippe sa office niya,” sabi niya. Nagulat ako dahil wala namang sinabi si Philippe na aalis siya. Nagpaluto pa nga siya ng tanghalian tapos aalis naman pala. Hindi ko maiwasang makaramdam ng tampo. “Sino ang kasama niya?” Tanong ko. Mukhang natigilan si Joebelle sa tanong ko. Nagtataka ko siyang tiningnan. “Hindi ko po kilala ang babae. Pero mukhang close naman sila ma’am dahil nagkakatawanan pa kanina habang paalis.” Kuwento niya. Nangunot ang noo ko sa s

