PHILIPPE Habang mahimbing na natutulog si Alessandra ako naman ay gising at nakatitig lang sa magandang mukha ng asawa ko. Ramdam ko ang pag-aalala niya kahit wala siyang sinasabi sa akin. Alam kong may tinatago siya sa akin. Siguro kaya ganoon ay ayaw niya lang mag-alala ako at baka makaapekto sa pagpapaopera ko sa america. Napakaswerte ko dahil nagkaroon ako ng asawang maunawain at napakabait. Hinaplos ko ang mamulamulang pisngi ni Alessandra. Hindi ko mapigilang mapangiti sa taglay na kagandahan ng asawa ko. Nagpapasalamat ako dahil siya ang minahal ko at hindi ang ibang babae na ang gusto ay ang katayuan ko sa buhay. Si Alessandra ay hindi niya ako minahal dahil gwapo ako dahil iyon ang nararamdaman niya para sa akin. Bumaba ang ulo ko ang kinintalan ng halik ang mapupulang labi

