EPISODE 66

1102 Words

ALESSANDRA Nang makauwi si Philippe ay napapatingin siya sa akin na tila ba nakikita niyang may problema akong iniisip. Nginitian ko siya upang hindi niya mapansing meron nga akong iniisip na problema. “Bakit mo ako tinitigan? May problema ba?” Tanong ko. “Ako ang dapat magtanong niyan sa iyo. May problema ka ba?” Balik tanong niya sa akin. Nginitian ko siya. “Wala namang problema. Baka pagod lang ako kaya ganito ako, tahimik.” Pagsisinungaling ko. Ayokong magulo ang isip niya kapag sinabi ko sa kanya ang nalaman ko. Mas mabuti nang wala siyang ibang iniisip kung hindi ang magpagaling pagkatapos niyang maoperahan sa amerika. “I am so sorry kung hindi kita natutulungan sa gawaing bahay. Hayaan mo kapag weekend ako na ang gagawa dito sa bahay. Uupo ka lang at panonoorin mo lang ako,” s

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD