ALESSANDRA Dinalaw ko si Henry sa opisina niya nang maihatid ang mga anak ko. “Mabuti nakadalaw ka sa akin. Mukhang nakalimutan mo na ako,” sabi niya na may pagtatampo. Niyakap ko siya. I really miss my bestfriend. “Sorry na kung hindi ako nakakadalaw sa iyo. Alam mo namang busy ako sa pag-aasikaso sa mga anak ko,” sabi ko at saka lumayo sa kanya. Naupo ako sa sofa na nasa isang tabi. Tumabi nang upo si Henry sa akin. “Bakit dumalaw ka sa akin?” Tanong niya na parang may dahilan talaga ako kaya dinalaw ko siya. Sa totoo lang meron naman. Gusto ko lang sabihin sa kanya ang takot ko sa magiging operasyon ni Philippe. “Next month na ang operation ni Philippe at hindi ako makakasama. Ayaw niyang nandoon ako at baka raw mas lalo lang siyang mag-aalala sa akin.” Kuwento ko. Inakbayan a

