ALESSANDRA “Mommy, kailan uuwi si Daddy?” tanong ni Samantha. Natigilan ako sa tanong niya. Pilit akong ngumiti upang hindi niya mahalatang ang bigat ng dinadala ng puso ko. Hindi ako makapaniwalang hindi kami naalala ni Philippe. Hindi ko alam kung ano ang ipaliliwanag sa mga anak ko tungkol sa kalagayan ng kanilang ama. “Hindi ko pa alam, anak. Kapag nag-message si Tito Henry ninyo sasabihin ko sa inyo,” sabi ko. “I miss Daddy na po,” sabi naman ni Alessan at niyakap ako. Nahihiwa ang puso ko sa tuwing sinasabi ng mga anak ko kung paano nila nami-miss ang kanilang ama. Wala naman akong magawa para maibsan ang kanilang kalungkutan. Ang magagawa ko lang ay i-comfort sila upang hindi sila nalulungkot. Hinaplos ko ang pisngi ng bunso ko. Habang nagluluto ng hapunan ay bigla akong nakar

