ALESSANDRA Isang linggo magmula nang dumating si Philippe sa Pilipinas. Isang linggong pinipilit ako ng mga anak kong makita nila ang kanilang ama. Sinasabi ko na lang hindi pa pwedeng makita nila ang kanilang ama. Sinasabi ko na lang hindi pa pwedeng makita nila ang kanilang ama. “Pasensya ka na hija kung hindi maganda ang pakikitungo ni Philippe sa iyo. Sa totoo lang pinipigilan ko ang sarili kong batukan ang anak kong iyon,” sabi ni Mommy. Nginitian ko siya. Although nahihirapan din ako sa ugali ng asawa ko ay nilalawakan ko na lang ang pasensya ko. “Okay lang po iyon Mommy. Intindihin na lang natin ang sitwasyon niya kahit minsan nakakasakit,” sabi ko. Wala namang magagawa kung hindi magtiis muna sa sitwasyon. “Mom, pwede ko bang mahiram ang sekretarya ko?” Napalingon kam

