PHILIPPE Pinuntahan ko ang panganay kong kambal na sina Leandro at Lessandro upang kausapin. Isang linggo magmula nang umalis ang pamilya ko sa bahay. Nalulungkot akong wala sila. Ngayon ko lang napagtantong mas mahalaga ang pamilya ko kaysa ang kaligayahang hinahanap ko sa ibang tao. Sobra ang pagsisisi ko dahil sa nagawa ko sa kanila. “Anak.” Tawag ko sa kanila nang makita ko sila sa gym na pinupuntahan nila tuwing weekend. Naghahanda ang dalawa paalis na ng gym. Mabuti na lang naabutan ko sila. Napalingon ang dalawa na pasakay sa sasakyan nila. Sumama ang mukha ni Leandro nang makita niya ako. Si Lessandro naman ay nakatingin lang sa akin at hindi lumapit. Naiintindihan ko ang galit nila sa akin. Sinaktan ko ang kanilang ina. Si Leandro ang tipo ng anak na kapag galit ay dala-da

