Prologue
Tila lasang kalawang na ang dugong dumadaloy sa lalamunan ng dalaga. Nalulunok niya ang sariling dugo at kahit ayaw niya itong mapunta sa kanyang bituka wala na siyang magawa. Sabi ng nanay Shelly niya noon, masama ang kalawang sa katawan ng tao kaya dapat iwasan ito kundi magiging dahilan ito ng impeksyon o iba pang mas malalang sakit. Gusto niyang matawa, hindi naman kasi kalawang ang nilulunok niya kundi ang sarili niyang dugo. Dumudugo ang bunganga niya sa lakas ng pagsuntok ng mga lalaking ngayo'y nakatunghay lamang sa kanya.
Anong gagawin niya para maiwasan ang mga ito? Isa lamang siyang maliit na tao. Hindi pa nga siya umabot ng five feet five na target niya at ngayon parang feeling niya hindi na nga siya makakain ng mga paborito ng pagkain na nagpapatangkad sa kanya. At mamimiss niya na rin ang mga paborito niyang drama at libro. Pati ang halakahak ng pamilya niya.
Ano ba ang laban niya sa mga bumubugbog sa kanya na mga naglalakihang kalalakihan na sanay sa labanan?
Eto't araw-araw parang punching bag ang turing sa kanya ng nagpakilala sa kanya na biological father na si Mikael Ivanov. Marami pa siyang tanong sa ama-amahan niya. Isa na rito ay kung bakit pang Russian ang pangalan niya, sa tingin pa lang mukhang pinoy naman.
Pilit niyang pinoprotektahan ang kanyang mukha at dibidib sa bawat suntok at sipa ng mga tauhan ng ama-amahan niya. Araw-araw tini-training siya para lumaban at mag-depensa pero talagang nanghihina na ang katawan at utak niya. Pang anim na araw na niya rito sa training ground ni Mikael.
Sinisigurado naman ni Mikael na hindi critical ang mga sugat at bugbog niya para may lakas pa siyang tumayo kinabukasan.
Isang sipa ang tumama sa kanyang tiyan na nagpaungol sa kanya. Parang nakikilala niya na ang huling sumipa sa kanya dahil sa bawat suntok, sipa at sapak na natanggap niya ay nagrerehistro sa kanyang utak ang mukha ng mga tauhan ni Mikael. At halos kabisado niya na ang kakayanan ng mga ito.
Ramdam niyang nagmamanhid na ang mga ugat at balat niya. Pati na rin ata ang utak niya.
"That's enough. Bring her to her room." At ayon, dinampot na naman siya ng tauhan ng ama-amahan niya. Binuhat siya sa magkabilang braso at hinatak patungo sa gray room niya. Para sa dalaga, hindi ito isang kwarto kundi isang bilangguan. Dito siya kinukulong ni Mikael kapag wala siyang training o di kaya sa tuwing matapos nilang kumain. Oo, sinasabay siyang kumain ng ama-amahan niya ng silang dalawa lang. Ngunit hindi ito tumitingin sa kanya habang kumakain at wala rin silang imikan.
Manhid na ang katawan niya sa bugbog. Manhid na rin ang utak niya sa mga mura ni Mikael. Isang luha ang tumulo sa kanyang mata habang nakabaluktot ang kanyang maliit na katawan sa kulay-abo na higaan. At parang pinapaalala sa kanya na isa lamang siyang mahinang babae ng tuloy-tuloy na may sumunod pang mga luha ang dumaloy sa kanyang duguang mukha. Napatawa siya ng pagak habang nakatitig sa makinang na tansong hawakan ng pinto. Ito lamang ang kaisa-isang bagay na nag-iiba ang kulay sa bilangguan niya.
Lumakas ang kanyang halakhak ng ilang ilang segundo at rinig ito ng mga bantay sa labas ng kanyang silid. Nagtataka ang mga ito sa inakto ng dalaga ngunit walang kumilos upang suriin ang dalaga. Saka lamang nagsikilos ang mga ito ng bigla na lang tumahimik at wala ng imik ang dalaga.
******
Walong taon ang lumipas
Kriing! kriing!
Kinuha niya ang cellphone sa ibabaw ng kanyang bedside table. Isang tao lang naman ang pwedeng tumawag sa kanya sa ganitong oras. Sinagot niya ng lalaki ang tawag at ibinulsa ang kanang kamay habang nakatanaw sa mga naglalakihang gusaling katapat ng gusali niya.
"Baby?" Bungad niya ngunit wala siyang nakuhang agarang tugon. Humigpit ang hawak niya sa teleponong hawak.
"He hurt you again..." Namamagaw ang boses niya. Nag-aalala siya para sa kausap at wala siyang magawa para rito. Marahas na niluwagan niya ang kanyang neck tie at bumuga ng marahas na hininga.
"I'm so sorry, baby. I'm useless." Frustrated na bigkas ng lalaki.
"They can't hurt me again. They can't. I'm going home... to do business." Lumaki ang mga mata ng lalaki sa narinig. Dumating na rin ang panahon na pinangamba niya.