Third Person POV
Kahit masakit ang buong katawan ng inhinyero ay pilit pa rin nitong imulat ang mugtong mga mata at sinubukang talasan ang pandinig upang alamin kung anong mga nangyayari.
Nasubukan na ni Mr. Ferrer ang magmakaawa sa mga tauhan ng dating kaibigan, naisipan niyang hindi naman masama kung minsan ay ibaba ang kanyang pride para mabuhay. Hindi niya na mabilang kung ilang beses siyang nagmakaawa habang ginugulpi ni Jimmy at ng mga tauhan nito.
Naalala ng inhinyero ang kanyang mag-ina. Gusto niyang protektahan ang mga ito hangga’t sa kanyang huling hininga. Ngunit sa mga oras na iyon ay nawawalan na si Mr. Ferrer ng pag-asa. Hindi man lang siya nakahingi ng patawad sa mag-ina o di kaya ay magpaalam man lang. Dahil sa takot niyang madamay ang mga ito. Dahil hindi titigil ang Senador hangga’t hindi siguradong wala na siyang buhay.
"Patience, tandang Paco. Patience. Susunduin ka rin ng kamatayan mo."
Ang huling sabi ni Jimmy bago nito sinenyasan ang mga tauhan para damputin ang inhinyero.
Parang bigas na binitbit si Mr. Ferrer ng dalawang lalaki ng inalis nila ito sa maliit na silid na pinagtaguan.
Bugbog ang buong katawan nito at halos hindi na maibuka ang mga mata. Nahihilo at halos di ko na makita ang dinaanan namin.
Maraming tao sa iskwater na iyon pero wala ni isa sa kanila ang nag-abalang tulungan ang gulping inhinyero. Takot ang mga itong madamay. Ang iba naman ay wala lang pakialam. At ang iba nama’y manghang-mangha sa senaryo. Tila nanonood ang mga ito ng kinagigiliwang Ang Probinsyano.
Naramdaman ni Mr. Ferrer ang paghinto ng mga lalaki at ang pagbukas ng pintuan ng isang sasakyan.
Itinulak ang inhinyero papasok roon at bumukas naman ang kabilang pintuan ngunit bago pa man may tumabi sa kanyang inupuan ay bigla na lang sumarado ang mga pinto ng sasakyan. Narinig pa ng may edad na inhinyero ang tunog ng lock.
Di makaupo ng maayos dahil sa pagiwang at bilis ng takbo ng sasakyan si Mr. Ferrer.
Sa mga sandaling iyon ay nabuhayan ito ng kaunting pag-asa kahit na hindi nito alam ang mga nangyayari sa paligid.
"Mr. Ferrer!" narinig nito ang tawag ng isang tao mula sa harapan. Kahit na nahihirapan ang mga mata aninagin ang loob ng sasakyan ay sinikap ito ng inhinyero. Baritono ang boses ng drayber ngunit hindi nito maaninaw ang itsura ng drayber dahil pulos itim lamang ang kanyang nakikita sa tulong ng kanyang black-eye.
Nakakasilaw ang ilaw sa loob ng kotse at lalong humahapdi ang mga mata ni Mr. Ferrer. Sa kabila niyon ay nakaramdam ito ng konting tapang at lakas.
"Your family is waiting at the ship. You have to leave. Alam na ni Mrs. Ferrer ang pupuntahan nyo. But, I need your help now."
Hindi masyadong naririnig ni Mr. Ferrer ang drayber dahil sa bilis at ingay ng takbo ng sasakyan pero may kutob siyang nandito ito para tumulong sa kanya.
Napakalalim ng boses ng drayber. Nagtataka man ang inhinyero sa mga sinasabi ng lalaki at sa di nakakapaniwalang mga pangyayari na meron pa rin palang handang tumulong sa kanya, ay gusto niyang paniwalaan ito. Gusto nitong sumugal dahil baka nga ang estrangherong ito ang magliligtas sa kanya
"I’m not helping you. I’m just after your nemesis."
Mas bumilis ang pintig ng puso ng inhinyero ng mas lalong tumulin ang takbo ng sasakyan at sa dami ng mga nakakatakot na overtake na gawa ng estrangherong may hawak ng manibela.
"Anong maitutulong ko?" pinilit ni Mr. Ferrer na umupo ng maayos ngunit hindi ito nagtagumpay.
"There’s a man beneath your seat. Iupo mo ang taong yan sa pwesto mo."
Nanlaki ang mga mata ng inhinyero sa narinig. May tao sa ilalim ng upuan? Kinapa ito ng inhinyero at nanginig ito ng meron nga itong nahawakan.
Hindi kaya isa itong patibong?
Bigla binalutan ng takot ang may-edad na inhinyero.
"Kung pangingibawan ka ng takot mo ngayon ay mahihirapan akong iligtas ka. I can bring you to your friend. Your choice. " Tiningnan ni Mr. Ferrer ang estranghero at nakita niyang naka maskara ito. Pero ramdam nito ang kaseryosohan sa tono ng estranghero.
Nanginginig ang mga kamay na pilit hinihila ni Mr. Ferrer ang taong nasa ilalim ng upuan.
"Teka lang, mabigat ang isang ‘to." Nag-skwat ang inhinyero sa sahig at pilit na hinila ang taong nakasiksik sa ilalim ng upuan.
Wala itong bahid ng dugo ngunit...
"Move faster!"
Ano pa nga ba ang kinatatakutan ng inhinyero?
Susundin ba nito ang estranghero o di kaya'y ipaubaya na lamang nito ang kamatayan sa dating kaibigan?
Naisip nito ang mag-ina. Ang sabi ng estranghero ay nag-aantay ang mga ito sa barko.
Pero, teka?
"Paano ako makakasiguro sayo?" Baka isa na naman itong frame up ng mga kalaban at mas madidiin pa ito dahil dito.
"I’m not asking for your trust. Ang gusto ko lang ay umalis muna kayo sa lugar na ito. Sisingilin ko ang kapalit sa tamang panahon. At sa huling tanong mo..."
Nahinto ang inhinyero sa paghuhubad ng huminto ang estranghero sa pagsasalita at nag overtake sa dalawang sasakyan sa unahan.
Naka-buntot pa rin ang dalawang sasakyan. Tsk!
***
Halos kalahating oras ang lumipas, at ngayon ay marami ng humahabol sa sinasakyan ni Mr. Ferrer. Mga patrol cars at mga bikers. Nakabuntot pa rin ang sinasakyan nina Jimmy na ngayon ay medyo naging kampante na ang pakiramdam ng dumating ang kanilang mga riders.
Pumasok ang itim na kotse sa riles ng tren kaya napahinto ang mga sasakyang nakasunod. Sinusuri ang sitwasyon. Nagtataka naman ang iba at nag-alinlangan na sumunod.
Maya-maya ay narinig nila ang isang salpukan at ang tunog ng pagkagupo ng isang sasakyan ng masagasaan ito ng rumaragasang tren.
"I’m here for the horde...of mice."
***
HIS
Natatarantang nagsitakbuhan ang mga tao palabas ng train station. Pilit ring sumiksik ni PLT Brillantes sa rumaragasang mga tao. Nasindak ang mga ito sa pangyayari kaya’t ang iba ay nagkakabanggaan na lang.
Nakasunod ang mga tauhan ni PLT Brillantes at agad nilang tinungo ang madilim na bahagi ng istasyon kung saan nadurog ang isang itim na kotse.
"Damn!"
Halos di sila makapaniwala sa nakitang sitwasyon. Pulos debris ang nagkakalat sa riles ang ang ibang parte ng nagupok na sasakyan napapaliguan ng dugo. Nagkakalat ang laman at bituka ng isang tao. Napaduwal ang isa sa mga tauhan ni PLT Brillantes dahil sa gutay-gutay na katawan na sumabit sa riles.
***
Third Person POV
"Wala pa ring nakuhang karagdagang impormasyon ang pulisya sa nangyaring aksidente sa SLEX Train Station kanina. Ngayon ay iniimbestigahan na ito ng mga pulisya na pinapangunahan ng Taguig City Police." Habang patuloy sa pagsasalita ang naturang broadcaster sa TV ay may nabasag na baso sa kamay ng isang lalaki.
"Kasama sa nagupok na kotseng itim ay ang dalawang lalaki na hanggang ngayon ay kinikilala pa ng awtoridad."
Takot ang mababakas sa mukha ni Jimmy at ng mga kasamahan nito. Kinakabahan ang mga ito sa maaaring gawin ng kanilang amo at pinipilit ng mga ito na hindi magpahalata.
Halos mapatalon si Jimmy ng biglang bumukas ang pintuan at pumasok ang dalawang nagsitangkarang lalaki na pulos nakaitim at nakasalamin.
"Boss, wala na po ang pamilyang Ferrer sa kanila at walang makapagsabi kung kailan sila umalis doon at saan...."
"Bang!"
Putok ng baril ang nagpahinto sa nagsasalitang tauhan ng Senador. Nilingon ni Jimmy ang mga tauhan at isa sa mga ito ang bumagsak. Inaasahan niya na ito pero potek hindi niya inaasahang manginig ang kalamnan sa kaba. Muntik na itong napaihi sa kinatatayuan.
***
HIS
Hindi pa rin maalis-alis sa isip ng tinyente ang mga nangyari nitong nakaraan.
Dalawa ang sakay sa kotseng iyon at alam kong sinadya iyon ng sinuman.
Pero sino ang gumawa?
Natakot ang mga mamamayan dahil iniisip nilang isa na naman ito sa mga kagagawan ng mga terorista. Napabuntong hininga ang binata. Naisip niyang umuwi dahil halos tatlong araw na siyang walang tulog. Maliban kasi sa aksidente sa istasyon ng tren kahapon ay may inaasikaso pa siyang isang kaso.
*****
Napangiti si Alex ng mapalapit na ito sa gate ng kanilang lumang bahay. Bukas na ang ilaw sa kusina at lumabas doon ang ama at pinagbukas siya ng gate. Iginarahe ng binata ang sasakyan at lumabas.
"Good morning, pa!"
"Magandang umaga, anak!" Tinapik ito ng ama sa balikat at iginaya siyang pumasok ng bahay.
"Hay naku ang gwapo kong anak ay puyat na naman!" Natawa ang binata sa bati ng ina at sinalubong ito ng mainit na yakap.
"Good morning, ma!" Kumalas ng konti sa pagkakayakap ang ina at hinawakan ang binata sa magkabilang pisngi at sinuri ang kanyang mga mata. Pinalaki ng binata ang mga mata at nginitian ng malaki ang ina. Natawa si Alex ng kurutin siya ng ina sa pisngi. Hinigpitan nito ang yakap sa ina habang nakangiti naman ang amang nagmamasid sa kanila.
Namiss ng binata ang mga magulang.
Buti na lang at bakasyon nila ngayon. Ilang araw na ring naroon ang mga magulang sa bahay, kaya nga lang ay ngayon lamang nakauwi ang binata.
"Buti na lamang po at mahaba ang bakasyon niyo rito sa'tin." Nakaupo na sila sa hapag-kainan at binigyan ang binata ng gatas ng ina. Anito’y para makatulog ang anak. Nakikita ng ginang ang pagod sa mga mata ng anak.
Alex prefers coffee though. But, Mother knows best daw; sabi nila. Katabi ng binata ang ama at nasa tapat naman nito ang ina. Ganito ang setup nila sa hapag-kainan simula pa noong bata pa si Alex. Katabi niya ang ama at si Alessandra naman ang katabi ng ina.
"Alam mo ba anak na umuwi na ang anak ni sir Lennox." Natigil sa paghigop ang binata sa narinig. Umuwi na si Lynx?
Namiss ko ang gagong yun ah!
"Ang bait niya talagang bata dahil pinag-bakasyon niya kami ng dalawang linggo. Syempre tuwang-tuwa kami ng papa mo kahit umuuwi naman kami rito linggo-linggo." Napangiti ang binata.
Simula kasi ng lumipat sina Lynx sa ibang bansa ay ipinagkatiwala na ng mga ito ang malaking bahay sa mag-asawang Brillantes.
"Ang bait nga na bata. Mana sa ina pati ang ganda pero nakakaawa lamang at parang dala na ang mundo. Hindi na marunong ngumiti at hindi umiimik. Para bang lagi itong umiiwas." Sa bawat salitang binigkas ng ama ay feeling ng binata na hindi na siya nahinga. Lumalakas ang kutob at pag-asa niya.
"Si Lynx po ba ang tinutukoy niyo, ma?" Sa wakas ay nakapagsalita rin ang binata.
"Gusto niyang tawagin siyang Alexis, anak. Hindi ko nga maintindihan ang batang yon eh hindi naman iyon ang pangalan na ibinigay sa kanya ng mga magulang niya." Malungkot na wika ng ina.
“May hinala ako na dahil iyon sa mga nangyari sa kanya noong dalawampu’t tatlong taon. Nakakaawang bata.” Wika ng ama.
***
HER
01:30 pm same day.
Perfect!
Awesome!
Kickass!
Best Player!
Kickass!
Perfect!
Awesome!
Tagaktak ang pawis ng dalaga ngunit mas lalo pa itong ginanahan sa pagwo-workout. May isa na namang kalaban ang lumabas sa malaking screen kaya't sunud-sunod niya itong sinuntok at binigyan ng roundhouse kick.
Excellent!
Naglaho ito at sumunod ang tatlong kalaban na projected ng screen. She defended, flipped and attacked until the game ended.
"And the winner is......!"
Pinatay ni Alexis ang audio gamit ang remote at napalitan ng larawan ng isang kabundukan ang screen. Ilang segundo itong tinitigan ng dalaga. She breathed deeply.
“I need a bath.”
Alexis works on her computer when her eyes catch something on the large screen. She shifts her gaze to the digital clock beside it. 2:02 it says. She looks back at the screen where the red dot is going. She clicks on the keyboard and the locator navigates the location where it is heading to.
"Glorietta." She murmurs.
***
Twenty minutes later ay nasa loob na ng Glorietta ang dalaga. She is wearing a knee length grayish sexy dress and red stilettos that matches her red lipstick. She smiles sweetly and the security guards let her enter pronto.
She continues to walk while getting attention from every individual who glances her way. Her fake curly hair bounces as she continues giving her fake smiles and winks to every man na natutulala. The mole that she put on her lower left cheek makes her conscious but she disregards the feeling since she is also on a heavy make up.
In her peripheral vision, sandaling nawala ang atensyon sa kanya ng mga naroroon dahil sa mga dumating. Hindi niya ginawang lingunin ang mga paparating instead she continuously walks sensuously.
'It's time for the Raven to play."