***
Ilang araw ang dumaan at nahuli na rin si Mallari dahil sa mga illegal na businesses nito at pagiging kasabwat ni Chu at Mondragon. Lumabas rin ang testigo na si Pacito Ferrer. Wala na ring pag-asang makalaya si Mondragon sa iba pang mga kaso na kinakaharap nito at nanatili itong nakakakulong. Hindi rin nangyaring makapunta ang mga abogadong tanging pag-asa nito dahil sa nangyari kay Chu.
Sa ilang araw na lumipas, hindi na nakita ng binata ang dalagang hanap-hanap. Hindi rin umuuwi ng bahay ang dalaga.
Sinigurado naman ni Ryo na naibunyag lahat ng krimen ng negosyante at tatlong mga pulitiko sa publiko bago ito lumipad papuntang New York. Hinatid ito ng dalaga sa NAIA.
Pagkatapos nitong maihatid sa airport si Ryo ay binagtas ng dalaga ang bukirin papunta sa dating tahanan. Namiss niya ang bukid at ang pamilya niya. Nabigla ang Nanay Shelly niya ng makita siyang naglalakad patungo sa munting bahay nila. Muntik na rin siyang hindi makilala ng Tatay Sente niya at ng mga kapatid. Pero hindi matawaran ang saya ng mga ito ng makitang nakabalik siya.
Isang linggo ang lumipas ng makatanggap ang dalaga ng tawag mula sa kuya Lynx niya na naging dahilan ng pagbalik niya sa Maynila.
"Shan, si dad..." malungkot na bungad nito sa kabilang linya.
***
Sa loob ng interrogation room ng Taguig City of Police.
Nakaupo ang dalaga ng pa sosyal. Makapal ang make up nito at magulo ang mahabang buhok.
"Pangalan?" bored na tanong ng interrogator.
"Cammi Lennox." sagot ng dalaga na ngumunguya ng bubble gum.
"Full name? Age?"
"Officer, kung akala n'yo ay isa akong basag-ulo ay mali kayo." She smirked. Napaupo naman ng tuwid ang interrogator.
"Hindi ako ang nagsimula ng gulo. Siya ang unang nangbasag ng bote sa harapan ko, and it just happened na marunong ako sa self defense. Haiist kitang-kita sa mukha n'yo na akala n'yo na isa akong spoiled brat ako at basag-ulo. Pasensya na't wala ring pupunta ritong mayaman na kamag-anak para tubusin ako. At wala rin akong pang-tip para sayo." Napatayo ang interrogator at napahampas ito sa mesa sa winika ng dalaga.
Nahuli nila itong nakipagbuno sa isang lasing sa kilalang bar pati ang mga bouncer na naroon ay nalupig nito.
***
Sa opisina ng Cybercrime Department
Ramos' POV
Parang si Ms. Alexis talaga 'yong nakita ko kagabi eh. Makapal lang at masyadong sexy ang suot nito pero kilala ko ang hubog ng katawan nito eh.
Nakasalubong ko sila sa labas kagabi at kahit na nakayuko ang babae tingin ko ay si Ms. Alexis talaga yun.
Para masigurado, silipin ko nga sa interrogation room.
Palabas na ako ng pumasok din si Chief. Sumaludo ako rito.
"Ah Chief, hindi ko na nakikita si Ms. Alexis ah... bumalik na ba s'ya sa abroad?" Biglang umiwas ng tingin si chief na ipinagtaka ko. Ilang linggo narin nitong iniiwasan mapag-usapan ang dalaga.
"Bakit mo naman natanong yan, Ramos?" pumunta ito sa sariling istasyon.
"Wala chief, may nakita kasi akong babae kagabi na bitbit ng dalawang patrolman. Mukhang lasing pero tingin ko si Ms. Alexis talaga 'yun eh...sisilipin ko nga sana sa interrogation room. Nakasaksak daw yun sa bar kaya sigurado ako nasa interro...chief?" Huh? Ayun si chief nagmamadaling lumabas.
May iba talaga kay chief ngayon eh...palaging tulala simula nung mapuntahan namin ang mansyon ni Mr. Chu.
Hindi pa rin namin nahuli si Raven hanggang ngayon at bigla naman itong nawala higit isang linggo na ang dumaan.
Nakita ko si Chief sa Observer room. Sabi ko na nga ba at hinahanap rin nito si Ms. Alexis eh!Nanatili kaming nakatayo roon at nakikinig sa conversation ng dalawang taong nasa loob ng interrogation room.
"Chief..."
"Hindi siya si Alexis." Iyon lang at umalis na ito. Tinitigan ko ang babaeng nasa loob, kamukha talaga ni Ms. Alexis eh.
***
Someone's POV
Pagkatapos ng interogasyon ay ipinasok ang dalaga sa selda. Naupo ito sa maliit na kama at ipinikit ang mga mata. Nanatili itong ganoon ang pwesto ng may narinig itong mga habag.
"You just disappeared na parang bula at ngayon heto..." rinig niyang wika ng binata. Namiss niya ang tinig nito.
"Shan...why are you like this? Ano na naman ang plano mo?" dahan-dahan niyang minulat ang mga mata at nilingon ang binata na nakatayo sa labas. Namiss n'yang makita ang anyo nito.
"I got drunk last night and beaten an asshole." gusto niyang abutin at hawakan ang binata.
"Sabi mo pag mahuli mo ko ulit hindi mo na ko pakakawalan, hindi ba? Andito na ako ngayon, at pwedeng dito na rin ako mamamatay." She smiled bitterly. The man didn't want to hear the latter.
"Why? Bakit ka naglasing at nambugbog?" Hindi sumagot ang dalaga.
"Lex... kung hindi nangyari ang nangyari eighteen years ago, ngayon siguro...pinakasalan na kita." wika ng dalaga na nagpahinto sa susunod pa sanang sasabihin ng binata.
"Bakit? Kailangan mo na rin naman ng mapapangasawa ah... I'm sure yun din ang gusto ni Nanay Lisa at Mang Caloy. Kung ayaw mong magpakasal sa'kin siguro partner mo rin ako bilang matapang na pulis." biro ng dalaga bago muling pumikit.
Nilapitan ng guwardiya ang binata hudyat na kailangan na nitong umalis. Alex left the cell with heavy steps at dinig iyon ng dalaga.
Ng gabing iyon ay kumilos si Raven. Itinali nito ang mahabang buhok. May dinukot itong elastic sa dibdib at isinuot sa kamay. Hindi siya pwedeng mag-iwan ng fingerprints sa tatrabahuin niya. Gamit ang hairpin ay nabuksan nito ang lock ng selda. Dahan-dahan nitong nilapitan ang guwardiya sa may pintuan na natutulog. She took another pin on her hair at tinusok iyon sa leeg ng guwardiya. Kailangan niya iyon para sa umaga na ang gising nito. Iniiwasan niya ang mga CCTV at kailangan niya pang lumiko sa west wing kung saan may isa pang bantay. Isa sa advantage para kay Raven ay ang kakulangan ng CCTV cameras dito sa kulungan. May isa pang guwardiya na rumoronda. Inantay nya itong makadaan saka parang pusa na tinungo ang west wing. Ang suot nitong damit ay napaka-flexible kaya hindi ito nahirapang kumilos. Gamit ang susing nakuha sa guwardiya, binuksan nito ang isang selda. Maganda ang selda ng senador. Tanging mayayaman lang ang nilalagay rito at may special treatment. He's laying on his stomach na mas magpapadali sa trabaho ni Raven.
"You're still living a luxury life even in jail." Naramdaman ng senador na may tao sa paligid at bigla itong nagising. But before he could move, she's already holding him down with his mouth and nose covered with his blanket. He struggled to breathe.
"Ninong, say hi to Calderon in hell." Diniinan ni Raven ang kumot at bahagyang itinaas ang ulo ng senador habang ang tuhod ng dalaga ay nasa batok nito. Nagpupumiglas ang matanda bago ito naubusan ng hininga.
"I'm done." Walang buhay ang mga mata ng dalaga ng bigkasin ito.
Kinabukasan ay natagpuang patay si Senator Mondragon sa selda nito sa Taguig City of Police. Nakadapa lamang ito sa maliit na kama at tila himbing na natutulog.