Episode 9

1029 Words
"Di mo na ako kailangang ihatid."  "Nope. I insist." Pagdidiin ko. Binuksan ko ang passenger's seat pero nanatili lang siyang nakatayo. Kapagdaka'y umalis ito sa harap ko at umikot papuntang driver's seat. Napakamot ako sa ulo dahil sa katigasan nito. Sinundan ko ito at hinila papuntang passenger's side. Binuksan ko ulit ang pinto at pinapasok sya dito. "Put on your seatbelt." I asked while looking at her face staring at me shocked. Napadako ang aking mga mata sa mapupulang labi nito and to her eyes. "What are you doing?" She asked softly. "I want to kiss you." I said it out loud. Nasampal ko ang sarili mentally. "Do you want to die?" *** The next day ay sumama naman ito sa akin papasok ng opisina. Wala raw itong magawa sa bahay kaya gusto nitong sumama pero minsan lang naman ako nitong kinakausap at kadalasan ay di sumasagot sa mga tanong. "Sanchez, mas mabuti na yung may humahabol na aso kesa wala." Humagalpak na naman ang tawanan sa loob ng opisinang iyon habang nagbibiruan sina Sanchez at Diaz.  "Ang mabuti pa ay magsimula na tayong kumilos, gentlemen." Sabi ko kapagdaka dahil mukhang may tao namang di natutuwa sa biruan. Nanatili itong poker face habang nakaupo. Pumasok kami sa conference room para sa pagpupulong. "Ramos, ipagpatuloy and pagmamatyag sa lugar na nakuhanan ng mga litrato." "Aye, captain!" Ramos "Salvador, alam mo na ang iyong gagawin." Tumango ito. "Alexis, may lakad kami kaya di na kita maihahatid." Agad kong kinausap si Alexis na naiwan sa opisina pagkalabas namin ng conference room. "Di ba ako pwedeng sumama kay Dave o di kaya sayo?" anito na nagpabigla sa lahat. "Alexis, may operasyon kami at delikado. Umuwi ka na hmm?" Hinawakan ko sya sa magkabilang balikat. Sinalubong nito ang aking mga mata. "Damn!" I cussed silently ng nagpa-cute ito. "I promise, I will never cause trouble."  "Hindi pwede." Warning ko. "Dave, ikaw, pwede ba akong sumama sayo? Poprotektahan mo naman ako di ba?" I can't believe I'm hearing this. "Aba pag ako talagang poprotektahan talaga kita, ma'am. Di ko hahayaang..." Pinutol ko na ang pagdadaldal nito. *** Alexis' POV Tinungo namin ang isang may kalakihang bahay ng pamilya Sta. Cruz. May mangilan-ngilang halaman na tila hindi nadidiligan ang balkonahe nito. Sa loob ay isang kabaong na pinaulonan ng isang malaking litrato, mga bulaklak at mga kandila. May mangilan-ngilang tao rin na nakikilamay sa pumanaw na Jeremy Sta. Cruz.  Base sa litrato, matangkad ito at may mabagsik na mukha. Kinakausap ni Brillantes ang ginang Sta. Cruz at ayon rito kahit na pira-piraso ang katawan ng asawa ay nakikilala parin nito ang damit at identification Cards na kasama ring nagupok ng tren. Itinatanggi rin nitong masama ang asawa nito at ayo'y hindi nito magawang gumawa ng ikapapahamak ng iba. I smirked but pretended to not hear anything while observing the surroundings behind my sunglasses. Assholes would be roaming in this area para magmatyag. Matapos kausapin ni Brillantes ang ginang ay bumalik na kami sa sasakyan. "How was it?" Tanong ko kapagdaka na agad nagpalingon dito. "Aba't first time itong ikaw ang unang kumausap sa akin ah! Anong nakain mo?" Ngumiti ito ng malapad na nagpa-init na naman ng ulo ko. "Forget it." I scoffed. Tumawa ito ng mahina saka bumuntinghinga. "Kailangan pa ng madugong imbistigasyon ang kasong ito. Walang makakapagtukoy kung nasaan na ang pamilya ng isang biktima ng train accident. Yung nasa kabaong ay ang driver ng sasakyang pumasok sa train rail at may isa pang sakay ito na ayon sa imbestigasyon ay witness ito ng isang krimeng ginawa ng isang politician. Sino yu? Hindi pa namin alam." Ngumiti ito pagkatapos. I looked outside the window. "Masaya ako at interesado ka parin sa mga ganitong bagay." Rinig kong wika nito *** Sunod naming pinuntahan ay isang eskwater. Masyadong masikip ang mga eskinita rito, maingay ang paligid, may mga benta sa tabi-tabi, may mga batang naglalaro at may mga taong nag-iinuman. Lingon likod si Brillantes na tila sinisigurong sumusunod ako. Sinenyasan ko itong dumiretso sa paglalakad. Umakyat kami sa pangatlong palapag ng isang upahang bahay. "Dito nakatira si Lucy, asawa ni Drake Villaruel." Ika nito. Maraming tao sa balkonahe nitong palapag at ang karamiha'y nakatitig sa hita ko. Huminto kami sa Room B at kinatok nya ito. Lumabas ang babaeng nakasando at short na manipis at walang bra. Pinakita ni Brillantes ang kanyang badge at kinausap ito. Ayon sa babae hindi na nito nakikita ang kinakasamang si Villaruel at wala na itong pake kung ano man ang masamang mangyari rito. Looking at her from the distance ay alam kong may tinatago ito at nababasa rin ito ni Brillantes. "Lucy, sino yan?" Tinig ng isang lalaki sa loob. Kinausap ito ng babae. Lumabas ito at hinarap si Brillantes. May katabaan ang katawan nito at may mahabang balbas. Naka boxers shorts lang ito at pawisan. Kumapit sa braso nito si Lucy habang ito'y nakatitig kay Alex. Nagpakilala ang lalaki bilang Gabriel at bagong kinakasama ng babae. Natapos ang pakikipag-usap ni Brillantes sa dalawa ay agad na kaming umalis. Ng nasa hagdan na kami ay hinigit nito ang aking braso. "Napaka-ikli ng shorts mo, pinagpipiyestahan ka ng mga tao."  Bakit ba ang hilig nitong manghigit? Hinubad nito ang suot na jacket at ipinulupot sa aking bewang. Nahigit ko ang aking hininga ng di ko mapigilang manigas dahil sa lapit nito sa akin. "Pwede bang wag ka ng gumamit ng shorts pag lumabas ka sa susuonod?" Ika nito saka naunang humakbang pababa ng hagdan. "Cute!" I exclaimed mentally and smiled. "Ayaw mo pa bang bumaba?" Pasuplado nitong sabi pagkalingon. Hinarap ko ito ng naka poker face. *** Ramos' POV "Aray! Bakit ka ba nambabatok Tandang Sanchez?" "Ulol! Baka iisipin ng mga tao kinikilig ka sa kagwapuhan ko! Kanina ka pa jan nangingiti na parang asong ulol!" Napatulala ako sa sinabi ni Tanda. Di naman sya ang iniisip ko ah kundi si Ms. Alexis. "Nasa trabaho tayo, bata." Pagpa-paalala ni Tanda. Agad namang bumalik ang kaseryosohan ko. Andito kami sa lokasyon kung saan maaaring nakuha ang mga litrato ng isang ilegal na laboratory. Nakasuot pang sibilyan naman kami kaya mukha lang kaming napapadaan dito sa lugar habang panaka-naka akong kumukuha ng litrato.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD