CHAPTER 19

2712 Words
Luminga linga sa paligid si Julie Anne. The morning sun felt great on her skin. Hindi kasi ganun kainit at maganda ang panahon. Hindi nakakasunog ng balat ang araw at hindi rin maalinsangan. Bahagyang lumilipad pa ang nakatali niyang buhok. She was wearing a stylish sleeveless turtle neck sweater and jeans. Yung totoo ay gusto lang niya itago ang mga marka ni Elmo sa kanyang leeg. Paano akala ata nito tila siya buffet at talaga naman pinapak ang leeg niya. Siyempre gumanti siya at pinapak din ang leeg ng lalaki. Haay ang landi niyo Julie Anne. "Baklaaaaaaaaa!!!!!" Natigil ang pagmumuni muni niya nang marinug ang boses ng pinakamatalik na kaibigan. Akala mo e ngayon pa lang siya nakauwi mula America na lumapit sa kanya si Maqui at talagang nakabuka pa ang mga braso na lumapit sa kanya at yinakap siya sa pwesto niyang nakaupo sa may cafe. Mabuti na lang talaga at napili niya sa labas umupo. Para hindi masyado kulog ang pagkakasigaw ni Maqui. "Missed you too Maq." Sabi ni Julie habang yinayakap pabalik ang pinakamatalik na kaibigan. Busy din naman kasi sila sa mga sari-sarili nilang buhay. "Bes blooming ka. Nadiligan ka?" Nanlaki ang mata ni Julie at napalinga linga sa paligid may isang babaeng kaunti lang siguro ang ibinata sa kanila na napatangin sa sinabi ni Maqui pero kaagad din naman nag iwas ng tingin nang makita na nakita siya ni Julie. At humarap naman ang huli pabalik kay Maq. "Bes beep beep naman!" "Te kahit hindi ko naman kasi isigaw alam naman na ng tao na nagTagstagan na kayo." Maqui said with a glint in her eye. "What bakit?" Nagaalala na tanong ni Julie at talaga namang napahawak pa sa kanyang leeg. Naka turtle neck na nga siya at lahat?! "WAHAHAHA I was fishing! And I caught a big one!" Tawa pa ni Maqui dahil nagwagi siya sa kanyang plano. Inis na tiningnan ni Julie ang kaibigan. Akala pa naman niya na nakikita na talaga ang mga hickey na binigay sa kanya ni Elmo. "Bakit, may marka ka ba? Pasilip!" "Baliw!" Tumawa ulit si Maqui at nangiinis na tiningnan muli si Julie. There was that signature glint on her eye that always scared to Julie. Pakiramdam niya kasi nakatingin siya sa muhka ng demonyo na laging may binabalak na masama. "Ano nanaman?" Inis na sabi ni Julie. "In fairness bes kahit nagtagal ka sa states marunong ka pa rin magTagalog kahit tangina conyo pa rin. Pero pasilip nga kasi!" "Wala naman!" "Wushu!" Asar pa ni Maqui. "Tender na ba si pempem?" "Oh my god." Napaface palm si Julie Anne at napailing iling. Hayop talaga itong kaibigan niya na ito. "Bakit? Di ko naman minamalisya ang jowabels mo, pero muhka siyang dako--" "MAQUI!" "Shhh, quiet ka lang bes eskandalosa ka talaga." "Argh." Julie shook her head as she looked at her best friend. Muli ay natawa nanaman si Maqui peor bahagyang sumeryoso ang muhka. "Pero ano bes, nakapagusap na kayo? Maniniwala na ba talaga ang sangkatauhan sa forever nang dahil sa inyo?" At dahil sa tanong na iyon ng kaibigan ay hindj kaagad nakasagot si Julie Anne. Dahil ano nga ba ang isasagot niya? E siya mismo hindi naman alam kung ano ang kasagutan. "Omg. Bakit tahimik ka syet lang." Parang naeeskandalo na sabi ni Maqui. "You mean to tell me na nagTagstagan na kayo tapos wala kayong label? Ay beshycake ang tawag don unacceptable!" "H-hindi pa naman ako nagtatanong eh." Tila nahihirapan na sabi ni Julie Anne. Luminga linga pa siya sa paligid na para bang iniiwasan ang kausapin si Maqui. "O kailan mo tatanungin te? Kapag buntis ka na?" Nawiwindang pa rin na sabi ni Maqui. Julie shook her head. Hindi niya ineexpect na ganito magiging usapan nila ni Maqui ngayon kaya naman hindi rin siya handa sa sasabihin niya. Pero ang plano lang naman niya ang pwede niya panghawakan. "Mas iintindihin ko kasi Maq na ayusin yung kompanya namin." Simula pa ni Julie. At bago pa makasalita si Maqui ay inunahan na niya ito. "At saka, wala naman kasi sa plano ko talaga na maging kami ni Elmo pagkabalik ko dito diba? Ang iniisip ko langmagt-trabaho ako. Nangyari lang ang lahat ng ito kasi gusto ako ipakasal ni Daddy sa kanya para mag-merge yung assets nung companies." "Alam ko na ang lahat niyan beshy!" "E kasi nga..." Tila nahihirapan na sabi ni Julie. "After ko maisalba ulit ang kompanya, hahayaan ko na si Elmo sa kung ano talaga ang gusto niya. Para hindi na namin kailangan ikasal." Inikot ni Maqui ang mga mata sa gawi niya. "Gaga ka talaga. E ikaw ang gusto ni Elmo!" "You don't know that. Malay mo...libog lang." Ani Julie. She hated using the word but it was what she was thinking. At kagaya ng kanina ay napaikot nanaman ang mga mata ni Maqui sa kanya. "Ikaw ang pinakatangang matalino na kilala ko." "Grabe ka sa akin Maq." "Eh kasi beshy. Libog lang ba yun e possessive yung lalaki sayo? Saka kung libog lang edi sana kinuha na niya sa ibang babae although I doubt makukuha niya ang same na alindong sa katawan mo...pero ayun nga. Edi sana pumunta yun ng bahay laspagan para makipagsex sa ibang babae." "Argh don't say that. Ayoko naiimagine na ginagawa yun ni Elmo sa ibang babae. He's mine." Simangot ni Julie. Nanlaki saglit ang mga mata ni Maqui bago pa ito tuluyan na natawa. "O edi sayong sayo na! Claim it!" Tawa pa ni Maqui. "Gaga ka kasi tanungin mo muna kung ano ang estado ninyong dalawa." "Iipon muna ako..." "Bakit? Kailangan ba ng pera non? Saka yaman yaman mo eh!" "Magiipon ako ng lakas ng loob!" Iling ni Julie at napainom mula sa kanyang kape. Kung alak lang ito eh. Nung nasa ibang bansa kasi siya ay mas naging open siya sa pag inom ng alak. Lalo na at yun at yun lang din naman ang gusto gawin ng mga kaibigan niya doon. "Maiba nga tayo ng usapan kailan mo ipapakilala sa akin si George?" Ani Julie kay Maqui na ngumiti nang marinig ang pangalan ng kasintahan. "Soon bes soon! Parang pelikula lang. Basta busy pa siya eh. Kapag nakabalaik na siya mula sa business ventures niya double date tayo nila Elmo o diba bongga." Julie laughed at that. Ang sarap talaga ng pakiramdam na kasama niya muli ang pinakamatalik na kaibigan. Kaya naman nagkwentuhan sila hanggang sa naka-ilang oras na ata sila sa cafe na iyon at ilang beses na rin silang nakabili ng kung ano anong pagkain. "Asan nga pala si Elmo?" Tanong sa kanya ni Maqui. "Mabuti nung natikman ka pinakawalan ka pa." Muling napailing si Julie sa pinagsasabi ng kaibigan. "Nandon sa penthouse. Nagwowork out nung umalis ako eh." "Nagpaalam ka naman ba?" "Oo naman." Ani Julie. "Kasi kung hindi magwawala nanaman yon." "Eeeeeeeeeh. Kilig si acqouh." Sabi pa ni Maqui na kunwari ay hinahampas hampas pa si Julie Anne. Umismid si Julie para din itago ang kilig niya. "Saan ba tayo after? Kasi susunduin daw niya ako--" "Tags!" "Te may GPS ka ata sa kanya." Lumingon silang dalawa sa pinaggalingan ng boses at nakitang papalapit sa kanila si Elmo. He wasn't in his usual business suit since there wasn't work today. Imbis ay nakabihis ito ng puting T-shirt na tinernuhan lamang ng itim na shorts at boat shoes. Maligalig ang ngiti na lumapit si Elmo sa kanilang dalawa at umupo sa tabi ni Julie para halikan ang pisngit nito.  "Nahiya ka pa Elmo, sige higupin mo na labi ng best friend ko kunwari wala ako dito." Pangaalaska ni Maqui at umakto pang tinatakpan ang mga mata.  "Maq." Saway ni Julie sa kaibigan na bumwelta nanaman ng tao bago binalingan ng tignin si Elmo na preskong nakaupo sa tabi ni Julie at nakaikot pa ang braso sa balikat ng huli.  "E teka Magalona bakit ka ba nandito?" Tanong pa ni Maqui na nakataas ang kilay sa gawi ni Elmo. "Alam mo bang quality time namin ito ni Julie?" "E wala ako kasama sa penthouse eh." Simpleng sabi ni Elmo na para bang okay na iyong dahilan para manggulo siya sa date ng magbest friend. "Asus! Wala ka bang friends? Napaka loser mo." "Harsh mo naman kay Tags, Maq." Ani Julie dahilan para mapangiti si Elmo at malambing na inamoy amoy ang buhok niya.  "Ang lalandiiiii." Ikot mata na sabi ni Maqui. "Para masaya kami, ikaw na magbayad nito Moe."  "Di pa ba kayo nakakabayad? Sige wait--" Sinimulang ilabas ni Elmo ang wallet sa bulsa pero mabilis itong pinigil ni Julie.  "What? No Tags. You don't have to pay. Kaya ko naman." "Hayaan mo na bes libre na nga eh."  "Ako na bahala Tags." Sabi naman ni Elmo at tumawag ng waiter para sa bill. Saka naman ito bumulong sa tainga ni Julie. "Sa ibang paraan mo na lang ako bayaran mamaya." "Ya'll need Jesus!" Singit pa muli ni Maqui sa usapan. Tumawa lang si Elmo at hinalikan ang sentido ni Julie bago sila tumayo na matapos bayaran ang kinain nila. "Tangina nagmumuhka akong third wheel dito." Ani Maqui habang naglalakad sila dahil masyado mahigpit ang paghawak ng kamay ni Elmo sa kay Julie. At talaga namang nakapulupot pa ang mga daliri sa isa't isa. "Bibili lang din kasi ako ng bagong sapatos." Sabi naman ni Elmo. Pero yung totoo gusto lang talaga nito makasama kayla Julie sa mall. "O sige. Hanap ka ng sapatos mo tapos mag shopping kami ni Julie." Ani Maqui. Sinimangutan ni Elmo ang babae na natawa lang biglang sagot. Pumasok sila sa isang mamahaling shop na para sa lahat. Kaagad na tumingin ng mga dress si Julie at si Maqui habang si Elmo ay dumeretso sa mga sapatos na para sa lalaki.  "Bes ang ganda ng style nito o!" Ani Maqui at inilapit pa sa kanya ang hawak hawak na damit.  "Dali dali i-fit mo!" Excited din naman na sabi ni Julie Anne at dinala si Maqui papunta sa may mga dressing room. Hayaan na lang niyang magikot ikot muna si Elmo. Medyo malaki kasi ang store na iyon kaya naman pwede talaga sila magkandawalaan. Pinapasok niya si Maqui sa may fitting rooms at siya naman ay natira sa labas kung saan sakto nandoon ang mga bra.  Kinuha na rin niya ang pagkakataon at tumingin tingin ng underwear.  "Yes ma'am?" Lapit naman ng isang sales attendant.  "Ah meron pa ba kayo nung ganitong style?" Tanong ni Julie habang hawak ang isang uri ng bra. Tiningnan ito ng attendant bago ibalik ang tingin sa kanya.  "Mam, maliit po ata yan sa inyo. Parang mas malaki po ang size ng boobs niyo."  "Ah..." Hindi kaagad nakasalita si Julie at masayang ngumiti naman sa kanya ang sales attendant.  "Wait lang po mam hanapan ko po kayo nung tamang size." At iniwan siya ng attendant.  Bakit kaya ang tagal ni Maqui? Saka naalala ni Julie na hindi nga lang pala isang damit ang dala nito sa loob. She sighed and kept looking around when she noticed from her peripheral that someone was looking at her. Nag-angat siya ng tingin at nakita kung sino iyon. "Ehra." Sambit niya sa gulat. Muhkang mag-isa din si Ehra na nagiikot at naghahanap ng underwear. Mahinang ngumiti ito sa kanya. "Hi Julie..." She smiled back, albeit awkwardly. "Shopping day din?" Tanging nasabi niya para lamang may mapagusapan silang dalawa. Tumango naman si Ehra habang hawak ang basket ng mga pinamili. "M-mag-isa ka lang?" Tanong naman nito. "Uhm..." "Tags, look marami ako nabili na sapatos and I think you'd like this dress--" Julie bit her lip. She knew that voice and knew that owner of said voice was standing behind her.  Lumingon siya at nakitang gulat na nakatingin si Elmo kay Ehra. "Ehra..." Sambit ng lalaki. "Hi Elmo..." Sagot naman ni Ehra. At nasaktan si Julie para sa babae. Dahil nakita niya na nahihirapan itong makita na magkasama sila ni Elmo. Kung siguro ay mahal mo talaga ang isang tao ay tiyak na mahirap makitang may kasama itong iba. "Ah...s-sige una na ako." Ani Ehra at hindi nito naitago ang pagtulo ng isang butil ng luha bago nagmamadali na naglakad palayo. Tahimik na nagkatinginan si Julie at si Elmo. At hindi alam ni Julie kung bakit nabitawan niya ang mga salitang; "Go after her..." "What?" Tila naguguluhan din na sabi ni Elmo. Julie looked back at him and quietly shook her head. Sakto naman ay lumabas na si Maqui mula sa dressing room. "Bes ang ganda ganda ng mga damit!" Pero natigilan ito nang mapansin na iba ang itsura ngayon ng dalawa niyang kasama. "Ui. Ano nangyari? Okay lang ba kayo?" Tanong pa ni Maqui. Julie shook her head in answer. Sana kasi e may masagot kaagad si Elmo. Kaso wala. So alam niyang hindi pa rin nito alam ang gagawin sa sitwasyon nila. "Maq, medyo sumama pakiramdam ko." "Huh? Okay ka lang? Anong masakit?" Nagaalala na tanong ni Maqui. "You're coming with me." Mabilis na sabi ni Elmo but Julie shook her head. "My car is here." "Leave it. Babalikan natin." Sabi pa ni Elmo at hindi na pinasalita pa si Julie. Hinawakan nito ang kamay ng babae bago balingan ng tingin si Maqui. "Maq, may kotse ka naman diba?" "Ah... Oo." Tumango na si Elmo. Julie looked apologetically at her best friend and kissed her cheek goodbye. "Itext na lang kita mamaya." Ani Julie kay Maqui at alam na kaagad ni Maqui na hindi naman siya mahuhuli sa balita. Muli ay hinawakan ni Elmo ang kamay ni Julie Anne pero ang huli ang unang bumitaw dito. Elmo looked at her painfully but she just proceeded to walk away hanggang sa makarating sila sa parking area. Alam naman na ni Julie kung ano ang kotse ng lalaki at mabilis na sumakay nang buksan ni Elmo ang mga pinto. Tahimik si Julie buong byahe. At talagang nakapasak sa tainga niya ang earpods para hindi mapakinggan si Elmo.  Hanggang sa paakyat sa penthouse ay walang usapan na namamagitan sa kanila. "Julie ano ba..." Sabi ni Elmo at hinagis ang mga susi sa maliit na lamesa sa may receiving area. Kunot ang noo na tiningnan ni Julie ang lalaki. "What?" "Talk to me Julie! Hindi yung parang bata na hindi ka magsasalita dyan!" Elmo said frustratedly. Binaba ni Julie ang bag at pinatong iyon sa coffee table sa kanilang living room banda. She tiredly sat down on the couch, her arms together. Kumalma naman ang muhka ni Elmo bago ito tumabi sa kanya sa sofa. "I'm sorry Tags." Nahihirapan na sabi ni Julie. Nagtatakang tiningnan naman siya ni Elmo. Iniisip kung bakit humihingi siya ng paumanhin. "What are you talking about?" "This stupid engagement dad is talking about." Sabi ni Julie. Napahilot siya sa noo. Parang totoong nahihilo siya sa iniisip. "What brought this up?" Ani Elmo. "Is this about Ehra? Tags, wala na kami." Julie looked at him in a pained expression. "Wala na kayo dahil sa business deal na ito diba?" Elmo sighed as he looked at her. He cradled her face in his hands and moved to kiss her forehead. "Matagal na kaming wala. Bago pa ang lahat ng ito." "Pero bakit--" Kring! Kring! They stopped talking when Elmo's phone started ringing. Napatingin sila pareho sa tumatawag. And it was Ehra... Nanlamig nanaman ang dugo ni Julie sa nakita. "Tags...hindi ko sasagu--" "Answer it." Sabi pa ni Julie. Elmo looked back at her with a questioning look. "Baka importante." Ani Julie. "Hindi siya tatawag nang walang dahilan." Elmo sighed as he finally answered the call. Pinanuod ni Julie na lumaki ang mga mata ng lalaki. Kung ano man ang sinasabi sa kanya sa kabilang linya ay hindi niya alam. "Papunta na ako dyan!" Sinara ni Elmo ang tawag bago hinarap si Julie. "Tags, I have to go I'm sorry..." Kahit naguguluhan ay napatango naman si Julie Anne. "Go...she needs you." Elmo looked torn as ever. "I'll explain when I get back." He moved to kiss her forehead before grabbing his keys and walking out of the penthouse. =•=•=•=•=•=•=•=•=•=•=•=•=•=•=•=•=•=•=•= AN: Ano na po kaya nangyayari mga kaibigan? Gusto niyo malaman? Boto na! Ahahaha! Yung pagbasa niyo sana may kasamang boto at comment na din please wahahaha thank you!!!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD