Kanina pa hindi mapakali sa penthouse si Julie Anne. Gustong gusto niya tawagan si Elmo at kamustahin ito. O kung ano man ang nangyari kay Ehra.
Ayaw din naman niya i-contact si Elmo. Kung may sasabihin man ito sa kanya ay hahayaan niya na ito ang unang magsabi.
Ayaw niyang lumabas na hinihintay niya kung ano man ang ginagawa ni Elmo kasama si Ehra.
She closed her eyes. Ang sakit pala isipin na may kasama na iba si Elmo.
Humilata siya sa kama at muli ay binalingan ng tingin ang kanyang telepono.
Wala. Ni ha ni ho.
She sighed and rested back on the bed. It was beginning to get late in the night and Elmo still hadn't contacted her.
Ayaw niya ng pakiramdam na ito pero bigla parang siyang naiiyak. Pakiramdam niya kasi ay wala lang talaga siya kay Elmo. Or sa sobrang busy ng lalaki kay Ehra hindi man lang siya maalala na tawagan o i-text man lang.
A stray rolled down her face and she blinked her eyes to stop anymore from flowing down.
She had to stop thinking negative thoughts. Bumangon siya mula sa kama at nagbihis ng simpleng shirt at pantalon.
Natuto siyang mamuhay mag-isa sa California. So she was very independent. But being with Elmo almost seemed as if her walls were bringing her down.
"Table for one po?"
Julie smiled slightly at the usherette. "Yes."
Oo mag-isa siyang kumakain sa isang restaurant. Hindi niya alam kung bakit pero nakakalama siya sa kanyang ginagawa.
You could say she was trying to take her mind off of things.
Pero wala din. Naiisip pa rin niya kung nasaan nga ba si Elmo. Masisiraan na ata siya ng bait.
Hindi pa rin siya nangangalahati sa kinakain nang mapansin na may dalawang tao na kakilala niyang papasok sa loob ng restaurant.
Pasimple siyang hindi tumitingin pero muhkang nakita din naman talaga siya ng dalawang iyon.
"Julie!"
"Hi." Bati ni Julie sa taong papalapit.
Malaki ang ngiti ni Nadine na nakatingin sa kanya. Sa likod ng babae ay si James na gulat naman na nakatingin sa kanya.
She offered the both of them a gentle smile while the couple stood in front of her. But she wasn't sure if they were really a couple or not.
"Where's Elmo?" Tanong sa kanya ni James na para bang automatic na dapat ay kasama niya si Elmo.
She shook her head slowly, a smile still evident on her face. "Ahh. May pinuntahan siya eh. Tinamad ako magluto kaya sabi ko sa labas ako kakain."
Saka niya inilipat ang usapan sa kanilang dalawa. "Date night niyo?"
Saktong nagkatinginan si James at si Nadine.
Bahagyang natawa si Julie. "I caught you two already. Wag na kayo magdeny. O sige na. Enjoy your date."
Pero naupo si Nadine sa may table at hinila palapit si James. Nagtatakang tiningan ni Julie ang dalawa.
"Julie. Alam ko hindi pa tayo ganun ka-close but something is bothering you." Ani Nadine. Kita ang gulat sa muhka ni Julie Anne kaya naman kaagad na ipinaliwanag ni Nadine ang sinasabi. "You seemed upset."
"What?" Sinubukan pa itago ni Julie ang lahat pero hindi ito tumalab kay Nadine at kay James.
"We saw you Julie. And...I mean, we are going to be project mates." Sabi pa ni James. "You can tell us anything."
Maiging tiningnan ni Julie ang dalawang tao sa harap niya. They were eagerly looking at her. Na para bang antay na antay itong dalawa sa sasabihin niya.
Might as well. Sasabog na rin naman kasi ang damdamin niya. She was so used to keeping things to herself that it was hard for her to actually open up to anybody other than Maqui. "Well, since magiging magkasama naman tayo, I might as well tell you...hindi talaga kami ni Elmo."
Sabay na nanlaki ang mata ni James at Nadine. It was actually cute to see. At least these two had love to share.
"Anong hindi kayo ni Elmo?" Nalilito na sabi ni Nadine.
Pati si James ay nakakunot ang noo at hindi pa rin makapaniwala na nakatingin kay Julie Anne. "What are you talking about?"
"Hindi pormal ang relasyon namin ni Elmo." Sagot naman muli ni Julie Anne.
At hindi pa rin tumitigil ang pagkagulat sa muhka ng dalawa niyang kasama.
"Panong hindi promal? Hindi talaga kayo?" Tanong muli ni Nadine.
Julie nodded her head. "Yes. Kaya lang sinasabi na ikakasal kami ay gusto isalba ni Daddy ang San Jose by me marrying Elmo."
"But Elmo loves you." Mabilis na bungad ni James.
Sabay na napatingin sa kanya si Julie at si Nadine.
"How do you know?" Hamon pa ni Julie.
And James smirked in answer. "We guys know when other guys love someone." He glanced slowly to Nadine and smiled before turning back to Julie. "You see, when I look at Nadine is the same way he looks at you."
=•=•=•=•=•=•=•=•=•=•=•=•=•=•=•=•=•=•=•=
Natagpuan ni Julie ang sarili na naglalakad lakad sa Makati. Mabuti na lamang at hindi ganun ka-humid ang panahon.
The evening was breezy. She was happy to walk all alone at night. Muli ay napatingin siya sa kanyang orasan. Wala pa rin mensahe sa kanya si Elmo.
She sighed and continued walking, not minding the cold breeze cutting the skin of her face.
Gustong gusto na talaga niya tawagan ang lalaki pero ayaw niyang mang nag.
After talking to James and Nadine, she bid them goodbye.
She didn't doubt that Elmo had feelings for her. Like what James said. But in the back of her mind, she'd always wonder if all of it was real. If he wasn't just going with the flow since he'd wanted to help their family.
Naiinis na rin siya sa sarili but she just wanted some assurance. And sometimes with how things were happening, there was no sign of assurance.
Nasa kalagitnaan siya ng paglalakad nang may makita nanaman siyang pamilyar na mga muhka, ilang metro lang sa kanya.
She stopped when she saw what was happening.
It was Elmo with Ehra.
May dalang mga paper bag si Elmo habang si Ehra ay may dalang duffel bag.
Naguusap ang dalawa habang naglalakad. But they stopped and Julie watched as Ehra reached out and gave Elmo a hug.
And Elmo reached out to hug Ehra back, also kissing the top of the woman's head.
Marahil ibang tao ay gusto na umalis kapag ganitong eksena ang nakikita. Pero hindi alam ni Julie kung bakit tuloy pa rin niyang pinapanuod ito.
Gusto lang niya mapukpok ang lahat ng ito sa kanyang utak.
Malayo ang kinatatayuan niya kaya ligtas naman na hindi siya makikita ni Elmo at Ehra.
After pulling away, the two started walking off at pumasok sila sa isang building. Doon ba sila dati ni Ehra nakatira?
Kung hindi ba dahil sa kanya ay magkasama pa rin sila?
She breathed in and was able to prevent herself from tearing up.
Ang mga Pilipino pa naman; tsismoso at tsismosa. Kapag nakita ng mga ito na naiiyak e gagawan na ng kwento sa mga sari-sariling utak. O di kaya isipin ay nabaliw na talaga siya.
Masisiraan na siya ng bait sa kakaisip kung ano ang ginagawa ngayon ni Elmo at ni Ehra.
Kaya naman natagpuan niya ang sarili na pumapasok sa isang bar.
It wasn't a sleazy type of bar.
It had class and looked safe.
Deretso siyang umupo sa isang stool.
"Anything for the beautiful lady?" The bartender asked her.
She smiled at the bartender's way bago umorder ng alak.
The bartender went on to make her drink and placed it in front of her. Magpapaantok lang naman siya. Wala naman siyang balak maglasing.
But to be on the safe side...
It was a long shot pero sinubukan naman niya.
And after only 15 minutes ay nakita na niya ang best friend niya na pumapasok sa bar.
"Bes!"
"Hi Maq!" Ani Julie na may nakahandang ngiti sa muhka niya. She knew everything about that smile was fake but she just wanted to assure her friend that everything was alright.
"Bes...anong ginagawa mo dito? Buti na lang tinawagan mo ako. Halika uwi na tayo." Sabi ni Maqui sa nagaalalang tono.
Pero siyempre ay ayaw pa umuwi ni Julie.
"What? Bes kadadating ko pa lang eh." Sabi naman ni Julie Anne.
"O ano? Gusto mo maglasing? Aba hindi pwede yan Julie!" Saway ni Maqui sa kaibigan pero tumawa lang naman si Julie Anne.
"Bes hindi naman ako maglalasing. Gusto ko lang uminom. E ang lonely kapag mag-isa lang ako diba? In fair ang sarap nitong vodka na ito." She said as she downed one shot and ordered another from the bartender.
And Maqui was too weak to stop her.
"Ang ganda ganda talaga ng best friend koooooo." Julie said.
Yup. She was drunk off her ass. Nakaupo na sila ngayon sa isang booth kaya solo nila ang lugar na iyon.
"Bes...dapat kanina ko pa ito tinanong eh pero ano ba problema."
"Problema? Wala naman. Ay! Pero naalala mo yung sinabi ko kaninang umaga?"
"Ano don?" Tanong ni Maqui habang binabantayan kung gaano karami ang iniinom ni Julie Anne.
"Yung pangaangkin ko kay Elmo? Yung pag-d-drama ko na 'He's mine?'"
"O...what about it."
"It's totally not true beshy. Because he's not mine. Nope nope nope." Julie said and drank from her glass again. She smiled at Maqui's way and shook her head. "I mean...sabihin natin na mayroon ngang nararamdaman para sa akin si Elmo...circumstances pushed him to 'like' me."
"Gaga. Mahal ka nga ni Elmo. Pakabulag mo lang talaga."
"Gusto ko yung buong buo!" Ani Julie Anne at hindi napigilan ang bahagyang mapaluha. "Gusto ko mamahalin niya ako nang hindi niya na iisipin pa ang ibang bagay. E asan siya ngayon Maq? Kasama si Ehra! I saw them a while ago getting all cozy...and I don't blame him for that. Sabi niya matagal na silang hiwalay ni Ehra. Pusta kaya lang siya talaga nakipaghiwalay ay dahil gusto ni daddy. And he just adapted...you know, he gave himself a chance to love me. Ayoko na mahalin niya ako dahil kailangan niya ako mahalin. Gusto ko mahalin niya ako dahil hindi niya mapigilan ang sarili niya na mahalin ako."
Nawalan ata siya ng hininga sa haba ng sinabi niya.
Wala na iba pa nasabi si Maqui. Pero lumapit ito at yinakap siya ng mahigpit.
"I'm breaking the engagement off." Bulong ni Julie.
She thanked her best friend and headed on home, opting for a Grab car than to walk.
Hindi pa naman kasi siya lasing perk siyempre ay delikado dahil nakainom siya.
Gusto sana siya ihatid ni Maqui but it would be in the way and she didn't want that.
Ayaw niya makagulo sa kaibigan niya. Ginulo na nga niya dahil sa pagd-drama eh.
Gusto sana niya icheck kung muli ay tumawag ba sa kanya si Elmo. Nagtext o nagmessage online. Pero nandoon yung pakiramdam na alam naman niyang mabibigo lamang siya kaya hindi na lang tinuloy ang gagawin.
Ligtas naman siyang nakauwi sa penthouse.
Naligo siya sa malamig na tubig para mahimasmasan ang mainit na katawan nang dahil sa ininom na alak.
Sabi nila ay napapaisip ka kapag nasa ilalim ng shower. At ito nga siya at dahan dahan na nabubuo ang desisyon sa utak.
This was so impulsive but she was going to do it anyway.
Matapos maligo ay nagbihis siya ng shirt at jeans. Saka siya dumeretso sa closet at isa isang binunot ang mga damit para ilagay sa loob ng maleta.
Hindi naman ganun karami ang dala niyang damit simula nang lumipat sila ni Elmo sa penthouse.
May malapit na hotel sa mismong opisina. Doon niya plano mag check in para sa gabing iyon.
She was looking at her phone, reading features about the hotel when the elevator finally arrived.
She was so busy looking at her phone that she almost collided with the person getting off of it.
"Tags!" Ani Elmo nang saluhin siya nito dahil muntik na siya matapilok pabalik sa hawak na bagahe.
Kumunot ang noo ni Elmo nang mapagtanto kung ano ang nasa likod ni Julie.
He gripped her arms tight and looked at her.
"Saan ka pupunta?"
Shit. Julie wasn't ready for this! Hindi nga niya inaasahang uuwi si Elmo tapos ito ngayon kung kailan lalayas siya e saka ito magpapakita?
"You are not running away again." Ani Elmo.
"H-hindi ako lalayas! Sasabihin ko naman sayo eh." Tanging nasabi ni Julie.
Kunot noo na nakatingin pa rin sa kanya si Elmo. He held her hands in his and she gasped as she tried to pull away.
"Talaga? Bakit? Saan ka pupunta? Hindi ka nagsabi."
Doon na tuluyang kumulo ang dugo niya. "Ay sorry. Hindi ako informed na obligado tayong dalawa magpaalam. Tutal hindi ko naman naramdaman sayo iyon eh."
"J-Julie..." Sambit ni Elmo nang mapagtanto ang ginawa niya. O di kaya, ang hindi niya ginawa.
Saka naman kumalma si Julie. Pinapaalala niya ang sinabi niya sa sarili niya; Elmo's not mine.
"I'm sorry. But I'm calling the engagement off. For real." Julie said. Baka dala nung tubig na pinangligo niya basta pakiramdam niya ang strong niya ngayon.
"What?? No. Akala ko ba--"
"Well I changed my mind..." Nakuhang pumiglas ni Julie kay Elmo at mabilis na naglakad sa may elevator.
But Elmo was able to stop it with his hand.
"Tags...look. I can explain but please don't do this..."
Julie smiled somberly at him. She'll remember his face for the night. Kahit iyon lang muna.
"I'm doing this because I love you..."
=•=•=•=•=•=•=•=•=•=•=•=•=•=•=•=•=•=•=•=
AN: isa ata ito sa pinakamahirap na chap na sinulat ko. Sorry na kung pangit kinalabasan. I did my best huhu! Usapang malala sa susunod na kabanata! Pengeng votes and comments! HAHAHA! Thanks for reading!