CHAPTER 21

2876 Words
Inayos ni Julie ang kanyang mga gamit dahil kikitain ng team nila si Mr. Lim sa isang malapit na restaurant sa SJH building. Mabuti na lang talaga at may trabaho dahil nababaling ang atensyon niya sa ibang bagay. Iniisip pa kasi niya kung paano niya sasabihin sa daddy niya na wala talaga siyang balak pakasalan si Elmo. That's why she asked her father out to dinner. Hindi pa niya muli nakikita si Elmo simula nang umalis siya sa penthouse. It's only been a day or so. Mabuti na lang at hindi naman siya nito hinanap, then again she didn't expect him to. "Hi Julie." Nag-angat siya ng tingin pagkalabas pa lamang niya ng kanyang opisina at nakita si Aaron na papalabas din ng sariling office room. Simula nang nagising eksensa sa restaurant nung nakaraang gabi ay medyo naglie-low na si Aaron sa pagkikire sa kanya. And he was actually a nice guy once he got rid of his player advances. "Car mo daw ang gagamitin?" Tanong ni Julie kay Aaron nang makapasok sila sa elevator. "Yep, nasa baba na din si James saka si Nadine." Simpleng sagot ni Aaron. The two of them remained silent inside the elevator. Bumukas ito at halos mapatalon si Julie nang makita si Elmo na nasa lobby. He was in a business suit and was sitting at one on the waiting couches. Tumingin si Aaron sa kanya na para bang naintindihan ang kaganapan. "Uh hintayin ka na lang ba namin don sa resto--" "Wait Aaron...no." Ani Julie at mabilis na hinawakan ang braso ni Aaron. Umigting ang panga ni Elmo sa nakita at tumayo. "Tags." Tawag ni Elmo kay Julie nang ilang metro na lamang ang layo nito sa kanila. "Elmo papunta kami sa isang meeting. I'm sorry mamaya na tayo magusap." Tiim bagang na tiningnan siya ni Elmo bago ito tumango at napabuntong hininga. "Sige maghihintay ako sa labas ng restuarant. Susundan ko kotse niyo." "What?" Gulat na sabi ni Julie pero wala siya nagawa nang nagsimula na maglakad palayo si Elmo. "May LQ ba kayo ni Magalona?" Tanong ni Aaron. Julie sighed and shook her head. "Wala naman." At natawa pa si Aaron. "Eh bakit ganyan kayong dalawa?" "Basta." Sagot na lang ni Julie. Dumeretso silang dalawa sa kotse ni Aaron kung saan nakapasok na sa loob si James at si Nadine. Mula sa pwesto niya sa may tabi ng sinasabing kotse ay nakita niya ang kotse ni Elmo na nakaantabay na sa kung saan man pupunta ang kotse ni Aaron. Napapagod siyang napapaikit at napailing. Bahala na. Sumakay na siya sa loob ng kotse ni Aaron kung saan binati din siya ni James at ni Nadine. She gave them a small smile and Aaron proceeded to drive on. "Is that Elmo's car?" Tanong pa ni James na lumingon sa likod nila at nakitang sinusundan nga sila ng sasakyan ni Elmo. Lumingon din si Julie at muli ay napaupo na lamang sa kanyang upuan. "Oo baliw yan eh." Sagot pa niya. "Baliw sayo siguro." Natatawa pa na sabi ni Nadine. James laughed while Julie shook her head and Aaron continued driving. Nakarating sila sa isang Chinese restaurant. Inalalayan pa ni Aaron pababa ng kotse si Julie at nakita naman ng huli si Elmo na pababa din ng sariling sasakyan. Hinagod nito ang bahagyang humahaba nang buhok at tumingin muli kay Julie Anne. Nag-iwas ng tingin ang huli bago binalingan ng tingin ang mga ka-team. "T-tara na sa loob? Nandoon na ba si Mr. Lim?" "Yeah. He's inside na." Sagot naman ni Aaron at binalik ang telepono sa loob ng bulsa. Pasimpleng lumingon si Julie Anne kay Elmo at nakitang hinihintay lang sila nito pumasok. Talaga bang sasama ito sa kanila papasok sa loob ng restaurant?! Wala ba itong sariling trabaho?! At akala ba niya busy ito masyado kay Ehra?! "Julie okay ka lang ba?" Tanong pa muli ni Nadine. "Yeah, I'm alright!" Julie smiled back before walking inside. Sumensyas kaagad sa kanila ang isang matandang intsik na nakaupo na sa lamesa sa gitna gn buong restaurant. "Good mornign po Mr.Lim." Bati ni Julie at nakipagkamay sa matanda. Isang banayad na ngiti ang binigay nito sa kanila. Para bang lolo na lolo ang dating. Nakipagkamay din sila James at si Nadine pati na si Aaron. Umupo silang lahat sa round table at nagsimula ang matanda. "Ang babata niyo lahat ano? O siya. Kain muna tayo bago natin pagusapan ang hinihiling kong plano." Bumukas muli ang pinto ng restaurant at napasulyap dito si Julie para lang makita si Elmo na dumeretso sa isang lamesa sa likod lamang nila banda. Kinabahan tuloy siya. Pakiramdam niya ay binubutas ang likod ng ulo niya sa pagkatitig ng lalaki. But she tried to compose herself. Kailangan maganda ang image nila sa kliyente. They ate and then Mr. Lim started talking to them about the project. "Ipapadevelop ko kasi ang Osia resorts." ani Mr. Lim tungkol sa kanyang nakatayo na na resort. "Naging stagnant na kasi ang design and I want something new. Mr San Jose tells me that Julie here is a brilliant interior designer." "Her work is amazing sir." Puri pa ni Aaron at ngumiti kay Julie. Nakarinig sila nang pagkabasag mula sa likod. "Ah sorry miss. Nabitawan ko." ani Elmo habang linilinis ang baso ng tubig na kanina ay gamit. Tinulungan naman ito ng isa sa mga waitress sa restaurant na iyon. "Isn't that Elmo Magalona of Chavez Industries?" Tanong bigla ni Mr. Lim. Hindi nakasagot kaagad ang buong team nila Julie hanggang sa tumingin sa gawi nila si Elmo. Most proper way to say is that he looked at Julie. Binaling naman muli ni Mr. Lim ang tingin kay Julie Anne. " Isn't he your finace?" Saka ito muling napatingin kay Elmo na ngumingiti ngayon sa direksyon nila. Parang nakikita na ni Julie kung ano ang gagawin ni Mr. Lim Please don't...please don't. "Mr. Magalona!" Shit. '"It it alright if you sit here with us?" At siyempre ay hindi naman umangal ang lalaki at talagang tumayo mula sa kinauupuan. Pinadala pa nito ang pagkain at talaga namang sa tabi ni Julie umupo. Nanigas sa kinauupuan si Julie at nakangiti naman na hinarap sila ni Mr. Lim. "Kailan nga pala ang kasal niyo?" Tila excited na tanong sa kanila ng matandang intsik. "Sa malapit na panahon na po." Nakangiti na sagot ni Elmo. Julie remained speechless throughout everything. Hayop talaga ito si Elmo! What part of her calling off the engagement did he not get? "Maganda ang tandem niyong asawa." Nakangiti na sabi ni Mr. Lim. "Hindi ka ba kasama sa team na ito Mr. Magalona?" "Ah no sir. Sa kanila po ang project." Magalang na sagot ni Elmo. "Ah siya. I trust na imbitado ako sa kasal?" "Defninitely sir--" "Ehem. Ah. Mr. Lim wouldn't it be better if we talked about the project more?" Magalang na tanong ni Julie kahit alam naman niya na gusto pa rin pag-usapan ni Mr. Lim ang kasal nila. And so they started talking about the project. Si Mr. Lim lang naman ang nagsasalita habang nakikinig silang lahat. Muntik na masipa ni Julie ang ilalim ng lamesa nang maramdaman na hinawalakn ni Elmo ang hita niya. And the man actually had the balls to act like he wasn't really doing anything. Sinubukan niyiang tanggalin ang talipandas na kamay nito mula sa kanyang hita but he just gripped her hand. "Any more questions?" "We'll work on the development Mr. Lim and give you a presentation after." Ngiti ni Aaron kay Mr. Lim at nakipagkamay pa dito. Pati si James at Nadine ay nakipagkamay na rin dito, sunod ay si Julie at si Elmo na asungot sa lahat ng iyon. "It was nice seeing you again Mr. Magalona." Ani Mr. Lim. "And again, I'll be waiting for your wedding invitation." "Thank you Mr. Lim." Maligalig pa na sagot ni Elmo. Nauna na ang matanda sa kanilang lahat kaya naman naiwan sila sa loob ng restaurant. There was an awkward silence as Julie picked up her things. "Guys tara na." "No Julie. We will talk." Demanda pa ni Elmo. At dahil matalino silang lahat ay alam nilang hindi dapat sila gumitna pa ay hinayaan nila Nadine, James at Aaron na magusap sila. "See you later Jules." Ani Nadine. Kaya hayun at naiwan si Julie na kasama si Elmo. Hindi niya mapigilan na simangutan ang lalaki. "What gives Elmo!? Kailangan ba sabihin kay Mr. Lim ang about sa engagement?" "Nakalimutan mo ba na ic-call off ko nga?" Sabi muli ni Julie nang makaupo na siya sa isang lamesa restaurant na iyon. "You will not call of the engagement." Elmo stated and sat beside her. She challengingly looked back at him. "Bakit ba? Ayaw mo non? Libre na kayo magsama ni Ehra." "Ehra and I are not together." Elmo simply stated, his eyebrows furrowing. "Ah. Kaya pala buong gabi mo kasama kagabi tapos hindi mo man lang ako matawagan?" Elmo sighed. "Tags---" "Don't you Tags me!" Mabuti na lang at nasa isang booth sila kaya mas private ang usapan. "Nakita ko kayo." And she chuckled lightly. "Hayop ka. Selos na selos ako pero wala ako magawa kasi ano nga ba karapatan ko? Ano ba ang label ng putanginang relationship na ito? Ano ba ako Elmo? f**k buddy lang talaga? Magaling ba ako sa kama ha? Magaling ako sa shower? Ano? O courtesy call ako sa tatay ko? Kung si Ehra, si Ehra! Wag mo na ako idamay! At wag ka magpakamartir dahil may utang na loob ka sa tatay ko!" Hinihingal siya sa lahat ng sinabi at mabilis na tumayo mula sa upuan. "Tags! Tags wait!" Tawag ni Elmo pero dinaan ni Julie sa takbo hanggang sa nagulat siyang makita na nandoon pa rin ang kotse ni Aaron. "Need a ride?" Tanong ng lalaki. Lumingon si Julie at saktong nakita na nakasunod na sa kanya si Elmo. She turned back to Aaron and nodded her head. "Yeah." She got inside and so did Aaron. Saka lang nakaabot si Elmo nang naisara na ng maigi ni Julie ang pinto. "JULIE! JULIE magusap tayo!" Muli ay sigaw ni Elmo at hinampas pa ang bintana. "s**t he's going to wreck my car!" Galit na sabi ni Aaron. "Just drive please!" Sabi pa ni Julie. At pinaandar na nga ni Aaron ang kotse. Pasimpleng liningon ni Julie si Elmo na nakita niyang isnubukan pa habulin ang kotse pero nanlulumo na tumigil nang alam na hindi na ito mahahabol pa. "Nagusap ba kayo?" Tanong ni Aaron sa kanya. Julie shook her head in answer. "Wala ako sa mood na kausapin muna siya. Please drive." Hindi na nagsalita pa si Aaron at tinuloy na nga lamang ang pagmaneho. =o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o= Buong araw ay binuhos ni Julie ang sarili sa pagt-trabaho. Tinintingnan pa rin niya ang accounts ng ibang projects. Pinatay din niya ang kanyang telepono dahil hindi siya tinitigilan tawagan ni Elmo. But ultimately she had to open her phone. Mamayang gabi na kasi ang dinner niya kasama ang kanyang daddy. Hindi na siya nagulat na sunod sunod pumasok ang mga meshae ni Elmo para sa kanya pero hindi niya na binasa ito. Her brain was too muddled to properly decipher whatever Elmo was telling her in his messages. She was able to call her dad though. "Daddy?" "Anak...kanina pa ako cinocontact ni Elmo, nag-away ba kayo?" Napabuntong hininga si Julie sa sinabi ng ama. Siyempre ay wala ito alam pero baka nagsumbong na ang prodigal son nito. "N-no daddy, hindi po kami nag-away." "He went to Ehra because her father had a stroke." Biglang sabi ng tatay niya. Natigilan doon si Julie. A few seconds literally passed before she was able to speak again. "W-What?" "Nagkastroke si Edgardo Chavez. He's still in the hospital. Elmo helped Ehra to with the things she needed dahil siya ang nagbantay sa tatay niya." Nanahimik muli si Julie. She felt like a big b***h. But she felt an even bigger b***h since Elmo had to worry about her childishness instead of being with Ehra right now. "Kamusta na po si tito?" Tanging natanong na lamang niya sa kanyang tatay. "He's alright now." Sagot naman ni Art. "He's still in the hospital because he needs to be observed." "Ah. That's good." Tanging nasabi ni Julie Anne. Mas desidido tuloy siyang itigil na ang engagement. So Elmo can stop worrying about her and her foolishness. Masyado siya naging selfish. Puro paawa sa sarili ang ginagawa niya. "Daddy, tuloy po ba ang dinner natin?" There was a slight pause before she heard Art sigh on the other line. "Yes princess tuloy tayo. Ipapasundo na lang kita ha..." "Okay po daddy." Binaba na ni Julie ang tawag. She stared at her phone for a while before grabbing it to text Elmo. To Tags: I'm sorry. She then fixed her things and outlined her part of the report for their presentation to Mr. Lim. Pagkatingin niya ay gabi na. Sakto lang para sa dinner nila ng daddy niya. She gathered her thoughts on how to tell her dad about the engagement being called off. Lumabas na siya sa may lobby ng kanilang opisina. Madilim na sa labas at kakaunti lang ang taong dumadaan. Her dad texted her that Kuya Gerald would be the one picking her up. She was in the middle of texting when she felt a presence behind her. Sinubukuan niya lumingon pero ang huling natandaan ay ang amoy ng isang kemikal hanggang sa nawalan siya ng malay. =o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o= Asan ako? Dahan dahan na binuksan ni Julie ang kanyang mga mata. Where was she? Wait. She knew this room. Kwarto niya ito sa resthouse nila sa Tagaytay. Gumalaw siya pero nalaman na hindi pwede. She pulled on her wrists and saw that they were tied together to the headboard above her. At doon lang din niya napansin na nakabusal siya. Shit! Was she kidnapped?! Hindi ito pwede! She tried pulling harder on her restraints. Hindi naman siya pwede sumigaw. At napansin niyang iba na rin ang damit niya. Isang pulang negligee na ang suot niya. Ayaw niya isipin pero alam niyang may nagbihis sa kanya. She closed her eyes and mustered all her strength to escape from her restraints but the rope was too tight. Bakit naman siya kikidnappin?! Ubos na nga pera ng kompanya diba?! s**t hindi ito pwede. Kailangan niya lumaban. Luminga linga siya sa paligid at naghanap ng bagay na pwede makatulong sa kanya nang marinig niyang bumukas ang pinto ng kanyang kwarto. Nanlaki ang mata niya nang makita si Elmo. He was on his phone but stopped when he realized she was awake. "Tags..." Ani Elmo. Sinubukan magsalita ni Julie. She was relieved to see Elmo there but her gag made her voice muffled. Pero bakit si Elmo? D-did he kidnap her or something? But why? Elmo was in a button down shirts and jeans. Pero nakabukas ang butones ng damit nito, pinapakita ang matipuno nitong dibdib. Ikaw lang Julie ang kinidnap na manyak. She tried talking again but it came out muffled. Lumapit si Elmo sa kanya at umupo sa kanyang gilid. "Hindi sana kita bubusalan pero alam ko magsasalita ka nanaman eh." Ani Elmo. He moved close and cupped her chin. "Ako muna ang magsasalita okay?" Bahagyang kinabahan si Julie Anne. Her eyes were wide as she looked at him. "I love you." So ayon. Mas lumaki pa ang pagkabuka ng mata niya. "I, Elmo Magalona, love you, Julie Anne San Jose--soon to be--Magalona." Ngiti ni Elmo sa kanya. He moved and kissed her forehead, then her eyes then her nose before planting his forehead on hers. "You are the most stubborn, most strong, most smart, most beautiful woman I've ever had the pleasure of growing up with and I love you very much." He continued talking, simultaneously kissing her face. "It was my fault for not being too vocal. E alam ko pa naman na masyadong overthinker yung babaeng mahal ko. By not wanting you to overthink, I actually made you overthink." He kissed her neck then subtly got on top of her before caressing her face. "I wanted you to think that this wasn't all real. But it's not just your dad who wants me to marry you. I want to marry you too. I want to make it real." Sa pagkakataon na ito ay tinanggal na ni Elmo ang busal ni Julie. At maluha luhang tiningnan ni Julie ang lalaki. "Mahal mo ako? Talaga lang ah..." Elmo chuckled and caressed her face yet again. "Talagang talaga..." "But why?" Tanong pa ni Julie. Nakagapos pa rin ang mga braso niya pero wala siya pake. Parang nagiinformation overload siya pero ang naririnig lang niya ay gusto siya pakasalan ni Elmo. "Why do I love you? I don't have reasons. I just do." Ngiti ni Elmo. They smiled at each other, their noses brushing against each other. At kahit nakagapos ay inangat ni Julie ang sarili para saluhin ang halik ni Elmo sa kanya. Binuhos niya ang emosyong napupuno at linaliman ang paghalik. Knock knock knock! "Mga anak mamaya na yan! Lumalamig na yung pagkain! Elmo wag mo uubusin prinsesa ko babarilin kita!" =o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o= AN: Happy JuliElmo day mga tanga! HAHAHA proud tanga here! Mwah mwah! Thank you for reading! Comments? Votes? Please? Kasi may dadating next chapter huehueheuheuheuheuehuehuehuehuehuehuehueheuh!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD