Tahimik lang si Julie habang si Elmo ay nagmamaneho papunta sa pinakamalapit na mall sa SJH.
She was silent the whole time. From the moment Elmo kissed her in front of everyone at the lobby.
Ikaw ba hindi matutala kung bigla ka na lang hahalikan ng ganun? At sa harap pa talaga ng maraming tao!
Though she wouldn't deny that she enjoyed the kiss because Elmo was one heck of a good kisser.
"Tags baba ka na magpark lang muna ako." Sabi ni Elmo nang dumating na sila sa harap ng mall.
"Alright." Sabi naman ni Julie Anne at dinala na ang sariling bag bago naglakad papasok ng mall.
Hindi niya piniling maglakad lakad at bagkus ay nanatili na lamang sa may bandang entrance. Baka magkandawalaan pa kasi sila ni Elmo.
O bakit Julie Anne? Bakit bigla ka nagiging clingy.
She shook her head awake. Dapat hindi na kasi siya nagpapaapekto.
She crossed her arms and just looked at her phone.
Kahit hindi niya masyado pansinin ay nakikita niya mula sa kanyang peripheral vision na ang daming tumitingin sa kanya. She was used to this.
Nung kabataan siya ay hindi naman siya masyado napapansing tao.
But she worked hard for how she looked. Kahit papaano ay nakakauplift ng self esteem na napapatingin ulit ang mga tao sa kanya.
Kahit hindi siya ganun na nagagandahan sa sarili ay alam niya kung paano magdala. Idagdag pa ang kanyang height.
She gasped when she suddenly felt an arm circling around her waist. She then found herself being pushed up against a strong chest.
She glanced up and saw Elmo pulling her close. He had a stoic look on his face and he was actually looking at the people around them.
"What are you doing?" Julie whispered.
"Nothing, let's go." Sabi naman ni Elmo. He wrapped one arm around her shoulders and led her away.
Bakit biglang ang possessive bigla nito?
"What's wrong?" Tanong pa muli ni Julie Anne.
Elmo stayed quiet and only let his fingers travel. So from her shoulders, his hands went down until he was entangling his fingers with hers.
"Hmm? Nothing of the matter." He answered simply and absent mindedly brought her hand up before kissing the back of her hand.
Bahagyang kumunot ang noo ni Julie pero hinayaan na lang niya ang lalaki na mahigpit pa rin na nakahawak sa kanyang mga kamay.
Parang natural na natural para dito na hawakan na lang ng ganun ang kanyang kamay. Na para bang may relasyon silang tunay gayong hindi naman totoo ang lahat ng ito.
But she went with it. She didn't know why but she just went with it.
Kaya kung kanina ay maraming nakatingin sa kanya ngayon naman ay mas rumami pa. Dahil ngayon ay kasama na niya si Elmo.
Kumikinang ba sila o ano? Or something along the lines of that? Kasi wala siya naiisip na dahilan sa kung bakit ganun na lang sila tingnan ng mga tao.
"Nakakainis na itong mga ito ah." Bulong pa ni Elmo.
Kaya naman napatingin si Julie sa lalaki. "Huh? Bakit? Ano ba pinuputok ng butsi mo dyan?"
"E tingin kasi ng tingin tong mga lalaki na ito eh." Tila naiinis talaga na sabi ni Elmo.
Pasimple na sinulyapan ni Julie ang mga tao sa paligid nila. Meron kasing grupo ng lalaki na naglalakad lakad din at masama ang tingin sa legs niya.
Napatingin si Julie sa pinakamatangkad sa mga ito at talaga namang kinindatan pa si Julie Anne.
"Aba tangina."
"Tags. No." Mabilis na sabi ni Julie at hinila pa pabalik si Elmo na muhkang susugod na talaga.
Nanlaki naman ang mga mata ng lalaki at tumigil sa pagbubulungan nang makita na nanlilisik na ang mata ni Elmo. Takot lang nila dahil kahit mas matangkad pa ang iba kay Elmo e malaki naman ang katawan ng huli kumpara sa mga ito.
"Hey..." Tawag pansin pa ni Julie at pinaharap sa kanya si Elmo.
Medyo mabigat pa rin ang paghinga ng lalaki. She caressed his arms and made him look at her. "Hey hey look at me... They won't get to me okay? And so should you."
After a while Elmo nodded his head. "Yeah. I won't let them get to you." He said fiercely. Then he moved to kiss her forehead. "Becuase you're mine." He whispered before pulling her forward. He wrapped one arm around her shoulders na para bang hinaharang siya mula sa mga lalaki.
"Maganda yung mga kama sa Our Home." Sabi pa ni Elmo habang patuloy ang paglakad nila sa mall na iyon.
Dumeretso naman sila sa sinasabing furniture shop.
"Good morning po!" Bati pa ng mga sales assistant nang makita sila. Kakaunti lang naman kasi ang tao na pumapasok sa shop nila dahil nga medyo mahal ang mga gamit.
"Newlyweds po?" Sabi ng lalaking attendant. "May bago po kaming bed dito na malaki po at komportable. Pareho pa naman po kayong matangkad kaya baka nahihirapan kayo maghanap ng kama." Nakangiti pa na sabi ng lalaki.
Hindi kaagad nakasagot si Julie at si Elmo dahil na din sa gulat.
"Uhm..." Paano ba sasabihin ni Julie na kaya nga siya bibili ay dahil gusto niya hiwalay na kama sila ni Elmo tapos ngayon naman ay binibigyan sila ng kama na malaki?! Ano nga ba naman ang tadhana na ito o.
"Patingin kami sir." Pangunguna la ni Elmo dahilan para lalong mairita si Julie kaso wala naman na siya nagawa lalo na nang hilain na siya ni Elmo palapit sa mga kama na nandoon.
It was a large four poster bed with a mocha colored design using mahogany wood.
"Sige mam, sir, tingan niyo po." Sabi ng sales assistant.
Julie ran her hands around the whole bed. Ang ganda nga tingnan ng mismong kama.
Elmo also ran his hands along the posts and gave a nice slap. "Muhka namang matibay eh."
Nanlaki ang mata ng lalaking sales assistant at si Julie naman ay sinimangutan si Elmo.
But Elmo was unfazed and was innocently looking back at Julie Anne. "What? Malikot ka kasi matulog diba?"
"Uhm...opo sir matibay po yan!" Sabi na lang ng sales assistant. "Saka yung kahoy po niyan hindi madaling ma-worn out."
"It looks good Tags." Sabi pa ni Elmo kay Julie Anne na maliit lamang na nakangiti.
"Pwede patingin pa ng iba?" Sabi pa nj Julie.
"Sige mam ano po ba hanap niyo?" Sabi naman ng sales assistant.
Julie smiled kindly in reply. "Actually okay lang na kami muna ang mag-ikot ikot?"
"Opo mam sige." Nakangiti pa rin na sabi ng sales assistant. Kawawa naman. Para kasing nakaplaster na ang ngiti sa muhka nito.
Iniwan sila nito dahil kahit papaano ay kita naman sila sa kung saan nakatambay ang sangkatauhan.
Naiwan na silang dalawa at kaagad naman binalingan ng tingin ni Julie si Elmo.
"What gives Tags?" Inis na sabi niya sa lalaki.
But Elmo still had that innocent look on his face. "Why? What's wrong?"
"Hindi naman pandalawahan ang hinahanap ko!"
Elmo smirked at her and even walked closer so that their faces were only inches apart. "Tags...hindi tayo kakasya kapag pangisahan lang."
Sinimangutan ni Julie ang lalaki. "Kapal ng muhka mo. Hiwalay tayo matutulog."
Elmo said nothing but had that same smile on his face.
Naglakad ito papunta sa isang kama na mas maliit sa unang pinakita aa kanila pero kakasya pa rin naman ang dalawang tao.
"Hindi ka pwede dito." Sabi ni Elmo at nagulat na lang si Julie nang bigla itong humiga sa kama na iyon. "Masyadong curved ang sides. Mahilig ka pa naman gumulong kapag tulog."
Pero hindi pinansin ni Julie ang sinasabi ng lalaki. She was a bit too worried that people might see that he was lying down!
"What?" Elmo said, not at all worried. "Bibili naman tayo eh. Magalala ka kung di naman talaga tayo bibili." Preskong presko pa itong nakahiga bago bumangon.
Napailing na lang si Julie habang sinusundan ito na naglalakad papunta sa susunod na kama. This one was just as large as the four poster bed but was just a normal king size bed.
"This is better than the last one." Sabi naman ni Elmo at mahinang hinampas hampas pa ulit ang kahoy bago nakangisi na tumingin sa kanya. "Muhkang matibay din."
"Bakit ba yung katibayan nung kama ang problema mo?" Sabi pa ni Julie. "At dapat nga hindi mo na pinoproblema ang kama dahil ako naman ang matutulog dyan."
"I'll pay for it."
"No." Mabilis na angal ni Julie Anne. "Ako ang magbabayad."
"It's my condo."
"It's our condo."
That was so not the right words to say. Dahil ngayon ay malaki na ang ngiti sa muhka ni Elmo.
Bakit ba pilit na pilit itong ipamuhka sa tao na ikakasal talaga sila? Para mas madali sa investors?!
Julie just rolled her eyes in answer.
They got to another bed which was very spacious and had a majestic looking headboard.
Sabay pa silang nagkatinginan ni Elmo. It was as if the bed was calling to them. Without another word, Elmo planted himself on the said bed.
"Tags!" Saway pa ni Julie at napatingin nanaman sa mga tao sa harap ng shop. They were too busy gossiping with each other to even see what she and Elmo were doing.
"What? Come on, try it." Sabi naman ni Elmo. He patted the bed's surface.
Julie looked incredulously at the guy. But she kept glancing at the people in front. With a sigh, she sat first on the bed before laying herself on the soft surface.
It really was soft!
Parang kinakain na siya ng sheets. At sakto lang sa likod niya ang pakiramdam ng kama.
"It feels good right?" Sabi ni Elmo habang nakapikit na din. "Gusto mo pa naman na parang kinakain ka nung sheets."
Julie turned her head to him. "How do you know that?"
Elmo opened his eyes and also turned his face to hers. "Kahit nung mga bata pa tayo ganun naman yung gusto mo. Yung feeling na laging may nakayakap sayo."
Julie blinked in answer. He knew so many things about her.
"You're my best friend." Elmo said with a simple shrug as if reading what was on her mind. "I know things."
"Ma'am? Sir?"
They stilled at the voice and saw the male sales assistant smiling down at them while they lied down on the bed.
"Uhmm..." s**t nakakahiya. "Kukunin na namin." Tanging nasabi ni Julie. Sa nahuli na silang nakahiga eh. Saka gusto naman na talaga niya ang kama. Dahil hindi mali si Elmo. Gusto niya kung gaano kalambot ang kama na ito.
=•=•=•=•=•=•=•=•=•=•=•=•=•=•=•=•=•=•=•=
"Dito na lang po kuya." Ani Julie.
It was that same night that they had the bed delivered. Inayos na din ni Julie ang kabilang kwarto para doon na lahat ng gamit niya. At hindi lang kama ang binili! Pati mga cabinet at kung ano ano pa ang pwede bilhin.
Napahilot na lang ng sariling ilong si Elmo habang pinapanuod ang pagpasok ng samu't saring gamit sa kanilang pent house apartment.
Hinayaan na lang niya si Julie na turuan ang mga mover kung saan ilalagay ang mga gamit at kung ano ano pa.
Tahimik naman na nagluluto ng dinner si Elmo sa may kusina nang narinig niyang nagpapaalam na si Julie sa mga mover.
And after a few seconds the woman came padding in.
Parang ito pa ang napagod e nag direct lang naman ito sa mga mover kung saan ilalagay ang mga gamit.
"What'd you cook?" Tanong ni Julie kay Elmo na nasa harap pa din ng stove.
Hindi naman nito hinintay ang sasabihin ng lalaki dahil ito na mismo ang sumilip sa stove kung saan hinahalo na ni Elmo ang linutong karne.
She placed herself behind Elmo and started sniffing, not realizing that her face was close to his neck.
Bahagyang nanigas sa kinatatayuan si Elmo nang maramdaman sa likod niya si Julie. Mabuti na lamang at umalis ito para ihanda ang hapag.
"Nagbigay ka ba ng tip sa movers?" Tanong ni Elmo.
Tumango naman si Julie habang naglalapag ng mga plato sa kanilang dining table. "Oo. Sabi ko nga dito na sila kumain pero bawal daw sa kanila yon kasi meron naman silang meal allowance."
She sat down and watched just as Elmo placed the bowl of food and rice on the table.
"Teka magtimpla lang ako ng juice." Ani Julie at tumayo muli mula sa hapag at dumeretso sa pantry para kumuha ng juice packet tapos ay sa fridge para kumuha ng isang pitsil ng tubig.
Nakatayo siya at nasa kalagitnaan ng pagtitimpla nang mapansin na nakatingin sa kanya si Elmo.
She raised an eyebrow at him in question. "What?" Sabi pa niya dito.
Elmo quickly shook his head. "Hmm? Wala naman."
But it wasn(t wala lang. Paano magiging wala lang kung bigla bigla na lang siyang ngingiti nang ganun?
Pero wala din sa mood si Julie na magatanong kaya naman nanahimik na lamang at umupo matapos makapagtimpla ng juice.
Tahimik lamang silang dalawa na kumakain. It was civil.
"Ang sarap ng timpla mo dito ah." Ani Julie.
"Si Ehra ang nagturo." Wala sa sarili na sabi ni Elmo. It was too late for him to realize what he'd just said.
Julie didn't say anything though and just nodded her head. Magaling kasi siya magtago ng nararamdaman. "Masarap ah. Sakto lang ang timpla ng sauce."
"J-Julie." Ani Elmo.
Tumingin naman si Julie Anne sa lalaki na parang nagtatanong. "Hmm? Bakit?" She willed herself not to show any emotion. E ano ngayon kasi kung si Ehra ang nagturo kay Elmo? Good for him. "Masarap talaga. Lahat ata tayo ready na mag-asawa." Natatawa na lang niyang sabi.
Saka niya na-realize. Ganito rin ba si Ehra at si Elmo noon? Yung sa iisang bubong tumitira? It wasn't that far fetched to think about it.
Bakit ba kasi nalugi ang San Jose Holdings. Edi sana hindi nagsasakripisyo si Elmo ngayon. Sana sila pa rin ni Ehra. Sana hindi nito tinitiis ang lahat.
She determinedly looked at Elmo. "Promise Tags. I'll straighten things out. Gagawa ako ng paraan para hindi na kami malugi." That way you won't have to do all of these things for me. That way you can be with Ehra again.
Mabuti na lamang at tapos na siya kumain. Pati si Elmo ay wala nang laman ang plato. Usually ay grabe ito kumain pero parang biglang nawalan ng gana ang lalaki.
"Ako na maghuhugas." She said. She didn't let one word get out from Elmo.
"Tags about the engagement..." Pero siyempre ay mapili pa din ang lalaki kaya naman nakapagsalita pa rin ito.
She slightly turned to him. "Di bale. Papahabain ko ang engagement. Just to secure some investors. Pero once na nahanapan ko ng paraan ang lahat ng ito, we'll call it off so...things can go back to the way they were."
Hindi sumagot si Elmo kaya naman tinuloy na lang ni Julie ang paghugas. She swore he was staring at her but when she glanced his way, he was already making his way up the stairs.
She sighed and finished with what she was doing. Mabuti na lamang at nakabili na talaga siya ng kama.
Humihikab siyang pumasok sa loob ng kwarto nang muntik na siyang mapasigaw nang makita na nandoon si Elmo.
At nakahiga ito sa bagong bili niyang kama!
"Elmo ano nanaman ginagawa mo dito?!"
Elmo innocently looked at her. Naka boxers lang ito at naksandal sa headboard ng kama niya habang nakalapat ang gamit na laptop sa hita nito.
"May tinatapos lang ako na e-mail."
"I mean here in my room! Bakit hindi mo tapusin yung email na yan sa kwarto mo?"
"Mas masarap kama mo eh."
Kaunti na lang ay huhugutin na ni Julie ang sariling buhok. "Haay ewan. Paglabas ko ng banyo wala ka na dyan ah." And she proceeded to grab some clothes before going inside the bathroom.
Baliw na ata iyon si Elmo.
It took her almost half an hour to finish what she was doing. She walked out of the bathroom and sighed when she saw Elmo already peacefully sleeping on her bed.
Nagmatigas talaga at ayaw bumalik sa sariling kwarto!
Pwes magmamatigas din siya.
Walang sabi sabi na nahiga din siya sa tabi nito. Hindi ata siya papayag na hindi niya magagamit ang bagong bili niyang kama!
At para lang mangasar ay kinuha niya ang gamit na kumot ni Elmo at ibinalot iyon sa sarili.
Manigas si Elmo sa lamig dyan. Naka full blast pa man din ang aircon. At siguro ay napagod na din siya kaya naman kaagad nakatulog.
Nagising na lang siya sa gitna ng gabi nang maramdaman ang ihip ng malamig na hangin na buga ng air con.
She rubbed her legs together when she felt some warmth beside her.
Napabukas nanaman ang kanyang mga mata nang makita na nasa ilalim na din ng kumot si Elmo at nakayakap ng mahigpit sa kanya.
He had his face buried between her neck and her shoulder and had his strong legs wrapped around hers. It was also here that she noticed that she was using one of his arms for a pillow.
Ang dami daming unan tapos nagsisiksik sila sa isa?!
"Elmo..." Tawag niya.
"Mmm..." Sagot lang ng lalaki. "Tulog ka na Tags." He said huskily before kissing the skin of her neck. And then he passed out to sleep yet again.
Napabuntong hininga si Julie. Paano siya mags-survive nito? Ang hirap!!
=•=•=•=•=•=•=•=•=•=•=•=•=•=•=•=•=•=•=•=
AN: Ops! Hehehe pampabitin muna! Pero in fair natuwa ako kasi mabilis ang mga boto at comment! Tuloy lang ang pagganun para mabilis din ang update haha di niyo ba alam na the more comments ay the more energy ako? HAHAHA! Thanks for reading!!! Mwah!