CHAPTER 17

3590 Words
AN: Maghanda... Inayos ni Julie lahat ng gamit niya sa kanyang desk. It was her first day working for San Jose Holdings. Flexible ang projects na ihahandle niya. Depende din kung ano ang project ng kanilang team na makikilala niya mamaya. So habang wala pa ginagawa ay nagsimula na siya sa pagiimbestiga sa kung ano man ang meron sa revenue ng kompanya. "Hi Jen!" Bati niya sa kaibigan na nasa accounting department ng kanilang kompanya. Ke aga aga ay nakapag-gala na siya. Malaki ang ngiti ni Jen na binati siya. "Hi Julie! Anong sa atin?" "Hihingi lang sana ako ng accounts sa project na ito." At pinakita naman ni Julie ang mga papeles na nakuha na niya. Seryoso kasi siya sa ideyang pagpapabangon muli sa kanilang kompanya. "Teka aayusin ko lang." Sabi naman sa kanya ni Jen. Iniwan siya nitong nakaupo sa harap ng desk. Other people were too busy with the work they were doing and thus hadn't noticed her. Tahimik lang si Julie habang naghahanap si Jen ng mga papeles na kailangan niya. May posisyon naman siya para hingiin iyon dahil anak siya ng may-ari. Saka niya naalala na ipapakilala siya mamaya ng kanyang ama sa mga employee. At sa totoo lang ah wala siya sa mood dahil nahihiya siya. Kailangan pa ba talaga siyang ipakilala? "Gurl ito o. Matagal na itong project, bakit kailangan mo pa tingnan?" Tanong pa sa kanya ni Jen. She only smiled back in answer. "May kailangan lang ko i-check." She took the papers and checked before smiling back at Jen. "Salamat! Balik na muna ako cubicle ko." "O sige. Kapag may kailangan ka ha. Sabihin mo lang." Sabi naman ni Jen at bumalik na sa pagtrabaho. Julie kept the files close to her before walking back to her desk. It wasn't a cubicle because it was actually an office. Ang ganda nga ng view niya e dahil floor to ceiling ang kanyang bintana. She walked back to her desk and remover her blazer leaving her in a modest sleeveless blouse. She still had her glasses now but she let her hair down in waves. Matagal niyang binabasa ang mga accounts ng isang project ng kanilang kompanya. Ang daminh discrepancy. Hindi makikita ito kung hindi kikilatisin.a t kung hindi naman discrepancy ay may mga nawawalang value at papeles. Napahilot si Julie sa kanyang sentido. She needed a cup of coffee to clear her head. Lumabas siya mula sa kanyang office room. Medyo marami pa rin ang tao na humahabol ng pasok dahil medyo maaga pa naman ang araw. Naglakad siya palapit sa coffee machine nang may napansin siyang kasabay na naglalakad. Maliit pa naman ang pantry kaya sigurado siyang hindi sila kasya nang kung sino man ang kasabay niya. She stopped and lifted her head when she noticed that whoever was beside her had also stopped to give her space. Napatingala siya dahil may katangkaran ang kung sino man iyon at nakita na isa itong lalaking kasing tanda siguro niya. Nung una ay nakakunot pa ang noo nito na tila pagsasabihan siya sa kanyang tigil pero nawala ang kunot nang makita ang muhka niya. At hayun at napangiti ang lalaki sa kanya. "Hi..." Sabi nito. "Uh...hi." Sagot ni Julie at maikling ngumiti. Dahil hinahayaan na siya ng lalaki ay dumeretso na siya papunta sa sinasabing pantry. She was busy preparing herself a cup of coffee when she saw the same guy from her peripheral view. "Oh sorry. I'll be quick." Paghihingi niya nang paumanhin. Pero hindi nagsalita ang lalaki at bagkus ay ngumiti lamang. Though weirded out, Julie tried not to show how her eyebrows creased at that. Ano naman ang problema ng lalaki na ito? Bakit kasi bigla bigla na lamang ito ngingiti ng ganoon lamang? Kaya naman binilisan na niya ang pagtitimpla ng kanyang kape nang sa wakas ay tumigil sa pagngiti ang lalaki at ngayon ay nagsalita na. "Sorry but...you're Julie Anne right?" Sabi naman nito. Hindi kaagad nakasagot si Julie Anne. She was still looking back at the guy. Kakilala ba niya ito? Kasi siya kilala nito. And she didn't want to be rude because she had no idea who this guy was. "Uhm, yes. I'm Julie but sorry do I know you?" Tanong pa niya. Kanina pa kasi niya pinipilit ang sarili na tandaan ang lalaki pero hindi niya kasi ito talaga kakilala. At bilang sagot ay ngumisi lamang ang lalaki. What is it with guys smirking around her?! "My name is Aaron Remoquillo." Pagpapakilala nito at linahad pa ang kamay para tanggapin ni Julie Anne. Though hesitant, Julie reached out and gave her hand which she thought Aaron was going to shake. But he didn't. Instead, he softly grasped it in his hands and kissed her knuckles. Surprised, Julie stayed quiet and watched as Aaron smiled her way. Dito lang nakita ni Julie na gwapo ang lalaki. Mapungay ang mga mata nito at medyo manipis ang labi. May katangusan ang ilong at katamtaman lang ang kapal ng kilay. "Mabuti na at ngayon tayo nagkakilala dahil mapapadalas tayong magkasama." Sabi ni Aaron. And that caught Julie's interest. What was this guy saying? As if proud that she was confused, Aaron grabbed a muffin from the pantry basket and gave Julie one last smile before walking away. Hindi kaagad nakaimik si Julie Anne. What the heck was that all about? She shook her head and finished making herself a cup of coffee. Speaking of. Hindi sila masyado nakapag breakfast kaninang umaga dahil parehong nagmamadali para makaabot sa trabaho. Inilabas niya ang telepono para sana tawagan ang lalaki nang mapansin na meron pala siyang mensahe mula dito. From Tags: Hey Tags. Kumain ka ba ulit ng breakfast? Kain ka ulit diyan ha. Hindi tayo masyado nakakain kanina. May kape din naman dyan magtimpla ka na at uminom ha. She found herself smiling as she read the text. Who knew that Elmo could be so thoughtful? Matagal mo na alam iyon Julie Anne. Kaya ka nga nain-love dyan diba? Haay. She shook her head before typing a quick answer then putting her phone back in her pocket. Lumabas na siya sa may pantry area at bumalik sa opisina. Tinapos lang niyang basahin ang ibang reports at sakto ay tumunog ang telepono niya. "Hello?" "Ma'am Julie? Ma'am pinapatawag lang po kayo ni sir Art sa conference room." "Okay salamat Shane." Ani Julie sa sekreterya ng kanyang ama bago binaba ang telepono. Nagayos muna siya ng sarili at tiningnan ang sarili sa salamin. She looked presentable enough. She grabbed some of her things, mostly her iPad. Baka kasi isa itong meeting at kailangan niya mag jot down ng notes. Napansin niya na may nakakasabay din siyang mga employee ng kumapanya nila. Ang iba ay nginingitian siya ang iba naman ay nakatingin lamang habang siya ay naglalakad. She pushed the door open to the conference room at bumungad ang kanyang ama na nakatayo sa harap ng kwarto. "Ah! Julie, there you are. Please, come here." Tawag pa nito sa kanya at mahinang kumaway. Sa pagtawag ng ama ay napatingin ang ibang empleyado at mas lalo lamang naconscious si Julie. Parang ang haba ng lakad na kanyang ginawa papunta sa harap sa kadahilanang ang dami din nakatingin sa kanya. She finally made it up front and smiled widely at the people in front of her. Art smiled back at his loyal employees. Bago proud na napatingin sa kanyang unica hija. Halatang malaki ang adorasyon ng lalaki para sa sariling anak. Everyone stood up since this wasn't a formal meeting or anything. "Good morning everyone." Bati muli ni Art sa kanyang mga tauhan na nagaantabay ng kanyang sasabihin kahit na alam naman ng mga ito na tungkol ito kay Julie. "You all know that I'm getting older. Siyempre kahit ganito ako kagwapo ay hindi na ako babata pa muli." Nagtawanan ang tao bago tinuloy ni Art ang sasabihin. "And I know that San Jose Holdings isn't up to par with what is happening now. And that is why I've brought my daughter here today." Kaagad na napatingin ang lahat kay Julie na tahimik lang na nakangiti sa kanilang lahat. "Everyone. I would like to introduce to you, my pride and glory, my daughter, Julie Anne San Jose." Nagpalakpakan ang mga empleyado. Ang iba ay hindi alam kung papalakpak nga sila ang iba naman ay tunay na nakangiti kay Julie. Art didn't need to say anything bit Julie knew her father wanted her to say a few words. "Good morning everyone." Sabi niya sa mga tao. Lahat ay nakatingin sa kanya ngayon but she wasn't one to get nervous or anything like that. "I know I'm new here but I promise you that I'll give my all to this company. With your help we'll rebuild and make San Jose Holdings great again." Mas lalong nagpalakpakan ang mga tao sa sinabi niya. Napangiti siya dahil kahit na simple lang naman ang mga salitang binitaw niya ay nakitaan niya ng pag-asa sa mga mata ang mga empleyado. Masayang ngumiti si Art at pinalakpak ang mga kamay para kunin ang atensyon ng mga empleyado. "And I will be announcing that Julie here will marry--" "Daddy." Mabilis na pigil ni Julie sa ama. Natigilan na tiningnan ni Art ang anak. Julie had this nervous smile on her face as she gently held her dad's arm and whispered in his ear. "Dad, pwede wag muna bigla biglaan yung pagsabi ng kasal namin ni Elmo?" "Oh..." Kahit tila naguguluhan ay tumango tango si Art at ngumiti. Saka ito bumulong ulit kay Julie Anne. "Sige pagdating na lamang nung mismong engagement party niyo." Julie had to nod at that even though she didn't wasn't to go on with the engagement. And so Art clapped his hands together to get everyone's attention. "Well anyways! I hope you all work well with my daughter. At wag kayo magalala wala namang special treatment yan." Nagtawanan pa ang ibang empleyado at pati si Julie ay maikling ngumiti lamang. Art dismissed everyone though with the exception of 3 other people. At dito napansin ni Julie na nandito nanaman si Aaron. So he was the one her father was talking about. Along with Aaron were two other people who looked to be about Julie's age. One was a guy who looked a little foreign and a girl with rounded eyes, a cute button nose and a small smile. "Princess this will be your team for the mean time." Sabi ni Art at iminuwestra si Julie Anne palapit sa tatlong tao. Preskong nakangiti si Aaron kay Julie Anne at mahinang ngisi ang sagot ni Julie na para bang hinahamon ang lalaki. "Guys, this is Julie. Princess this is Aaron Remoquillo, one of our top engineers here." "We've met..." Sabi naman ni Julie Anne. And Aaron smirked back in answer before turning to Art. "Yes Tito. Kanina nagkasalubong kami sa pantry." Ani Aaron. "And I couldn't resist not introducing myself to a beautiful face." "Ay mag-ingat ka Aaron at kay Elmo na ang anak ko." Tawa ni Art. Saka nito hinarap ang dalawa pa na tao na nandoon. "And this is James Reid. He's also one of SJH's engineers. And this is Nadine Lustre. One of our best architects." "Hello Julie. Nice to meet you." Sabi naman ni Nadine at nakipagkamay kay Julie. Sunod ay si James. "James, Julie. Glad to meet you." "Hi nice to meet you guys." Ani Julie Anne. Art smiled. Looking happy at the scene happening before him. "Well I guess it's time you all get to know each other. May project na ipapagawa si Mr. Lim. Ayun ang i-aassign ko sa inyo. Aaron will head this project though." Art left them after a few moments. "Nasa akin yung details ng project. Aayusin ko lang muna." Ani Nadine habang hawak hawak ang files sa isang folder. "Come on Nadz you can give it to me first." Sabi ni Aaron at inilahad la ang kamay. Nadine looked weary for a second before sighing and giving the folder to Aaron. James looked at them with a weary eye before also sighing. "Can we have a separate meeting first? Doon tayo magusap usap." "Shouldn't we all have details of the project first?" Sabi naman ni Julie Anne. Aaron smiled her way. "We can go back to my office. I'll talk about the project details to you." Napataas ng kilay si Julie Anne. Parang kanina pa siya hinahamon ng lalaki. And she loved a challenge. "We'll talk about it in my office." Mahinang natawa si James. "I think it's the first time I've heard you shut up." Anito kay Aaron. Julie turned to Nadine who gave a small thumbs up. Akala kasi siguro ni Aaron ay magpapatalo siya. Kaya naman sabay silang naglakad pabalik sa opisina ni Julie. Pinuwesto ni Julie ang sarili sa likod ng desk at si Aaron naman ay umupo sa mismong ibabaw nito. Tinaasan ng kilay ni Julie ang lalaki? Confident ah? "Akala ko ba paguusapan natin yung project." "For us to work together, we need to get to know each other first. Lunch tayo sa labas mamaya." Sabi pa ni Aaron. Muli ay napataas ng kilay si Julie Anne. "Teka teka. Diba dapat kasama si James at si Nadine?" "They can take care of themselves." Ani pa Aaron. Malapit na ang lunch kaya napatingin pa ito sa suot na relo. "See? 15 minutes na lang at lunch time na. May malapit na restaurant dito masarap ang pasta nila. You want to try?" Hindi kaagad nakasagot si Julie. Sabagay she needed to get close to her team mates. Kahit na si Aaron na muna. Kaya hayun at natagpuan niya ang sarili na kasama si Aaron sa isang restaurant sa building din mismo ng SJH. "About the project--" "I can talk to Mr. Lim first." Biglang sabi ni Aaron. Kumakain na kasi sila sa isang lamesa nang i-open ni Julie ang usapan na ito. "We can help too you know." Laban pa ni Julie. Aaron gave her a soft smile. Parang bigla na lang nawala ang angas nito. "I know. And after I talk to him we can start planning. Kwento ka muna about yourself." Julie looked at the man in front of her. Napailing na lamang siya at nagsimula magkwento. =•=•=•=•=•=•=•=•=•=•=•=•=•=•=•=•=•=•=•= Julie returned to her desk just as she and Aaron finished eating. Nagulat siya nang may makita na isang paper bag na may lamang styro na nakapatong sa kanyang desk. Napalinga linga pa siya sa paligid bago lumabas at nakita ang katrabahong si Fia na nakaupo sa cubicle nito. "Uhm Fia..."Nagangat ng tingin ang babae at ngumiti pa sa kanya. "Sino nagiwan ng food sa desk ko?" "Ah! Si sir Elmo mam! Tinatanong ka nga niya kung nasaan ka. Sosorpresahin ka ata sana e sabi ko bumaba ka kasama si sir Aaron. Ayun iniwan na lang dyan yung food mo." Julie stilled at that. "Ah sige salamat." Tanging nasabi niya kay Fia bago bumalik sa kanyang desk. Hindi niya alam bakit kinakabahan siyang nakita sila ni Aaron ni Elmo. Wala naman siyang ginagawang masama diba?? Gabi na rin nang makauwi siya mula sa trabaho. Kahit na wala pa naman siya masyadmasyado aasikasuhin ay iniimbesitgahan pa din niya ang accounts ng kompanya. Natigilan siya nang makita ang mga susi ni Elmo na nasa hook sa may foyer ng penthouse. So he was home. Gusto niya kausapin ito. Pumunta siya sa kwarto ng lalaki pero hindi nakita ni anino nito. She was going to wonder where the heck he was when she heard music coming from the rec room. Dahan dahan lang ang kanyang apak upang makasilip at nakita na nagwowork out si Elmo. His music was on full blast while he did some sit ups. Julie then turned away. Pagkatapos na lang siguro nito mag work out niya kakausapin. She cooked dinner for them, noticing that she made an extra effort. Ano ba problema mo Julie wala ka naman kasalanan diba? Bakit ka ba kabang kaba? She was in the middle of plating up the food when she heard the elevator ding. What? Hinabol niya ang pagbaba nito pero nakitang nakapasok na si Elmo. He was busy texting on his phone to notice her. Aalis ang lalaki. Saan naman ito pupunta? Kakatapos pa lamang mag work out at may lakad na kaagad? She went back to the kitchen and grabbed her phone, typing in a quick text asking Elmo where he was going. From Tags: Sa labas ako kakain. Ganun kasimple. Ganun lamang ang text nito sa kanya. Hindi nga niya alam na alam pala ng lalaki na nakauwi na pala siya. Defeated, she sat down on the couch. Parang nawalan din siya ng gana kainin ang linuto niyang dinner. At makakalbo na ata siya sa kaiisip kung ano problema ni Elmo. Siguro naman ay hindi ito galit dahil kumain siya ng lunch kasama si Aaron? Wala naman masama sa ganun hindi ba? Kung hindi makakalbo ay puputi naman ang buhok niya sa lalaki. "Argh!" She said in a frustrated tone, running her hands through her hair. She rested back on the couch, thinking to herself. Buong gabi ay nag-aalala siya. Naka-ilang text at tawag siya kay Elmo pero hindi naman ito sumasagot sa text at cancelled naman lagi ang kanyang tawag. Kung ano ano ang ginawa niya sa pent house. Nakapaglinis na siya at lahat at kung ano ano pa. Huling tingin niya sa orasan ay ala una na ng umaga. At hanggang ngayon ay wala pa rin si Elmo! Parang bata na napaingit siya at napaupo sa couch bago napaluha. She was so frustrated with everything that she barely heard the dell of the elevator. Mabilis siyang napaangat ng tingin at nakita si Elmo na naglalakad palabas dito. Mapungay na ang mga mata ng lalaki pero nanlaki ang mga ito nang makita siya doon. They stood 10 feet from each other on the foyer. "Julie...bakit gising ka pa?" Ani Elmo. Pero hindi ito sinagot ni Julie Anne. Imbis ay gigil itong nagsalita. "Anong oras na Elmo?!" Elmo ignored her and started walking inside, taking his jacket off in the process. Sumunod naman si Julie na napahalukipkip habang pinapanuod ang lalaki na hinuhubad ang sapatos. "Ala una na at ngayon ka pa lang umuwi?!" "Alam mo naman pala ang oras, tinanong mo pa ako." Elmo grumbled, finally taking his shoes off before standing up. Julie incredulously looked at him. "Ano ba problema mo? Lasing ka ba?" "Nakainom lang." Sagot naman ng lalaki at napakamot sa likod ng ulo. "Pwede ba Julie, pagod ako, gusto ko na magpahinga." "E gago ka pala eh." Balik ni Julie habang nakahalukipkip. "Pagod ka pala pero magwowork out ka. Pagod ka pala pero magiinom ka? Papahirapan mo sarili mo tapos magrereklamo ka? Ikaw itong bigla bigla na lang hindi mangangausap. Iiwan iwan mo yung pagkain sa desk ko, hindi ka man lang nagpakita." "Ayun nga Tags eh! Gusto ko sana!" Tila nahihirapan na sabi ni Elmo na hinaluan pa ng gigil sa pagsalita. "Pumunta ako SJH kasi gusto ko sorpresahin ka ng lunch tapos wala ka pala sa opisina mo! Tapos ayun, kasama mo pala si Remoquillo! Hindi mo alam ang ugali ng lalaking iyon! Alam mo bang sobrang sipsip non kay daddy?!" Julie stilled at that. Parang nawala saglit ang tapang niya. Napaupo siya sa couch at napatingala kay Elmo na nakatayo sa harap niya. "We went out to lunch! What's so wrong with that? At ano ngayon kung sipsip siya!? Problema na niya iyon! Galit ka na kasi kinakaibigan ko ang lalaking yon?" "f**k. Tangina." Mahinang mura ni Elmo na napahilot pa sa sentido bago umupo sa tabi ni Julie.  Kunot noo na tiningnan ni Julie ang kababata. "Elmo what is wrong with you! Hindi normal yang pagkagalit--" "Galit ako kasi nagseselos ako!" Julie stopped, looking at the man beside her. There was so much rage in his eyes. And something else. "Elmo--" "Tingnan ka pa lang niya selos na selos na ako! f**k!" Julie couldn't utter a word. She was running out of them. Or pwede din natuyo ang utak niya sa sinabi ng lalaki. Elmo was breathing so hard right now that he looked like he just ran a marathon. They sat there just looking at each other until the dam broke and Elmo moved forward, cupping Julie's face in his hands before harshly capturing her lips with his. Julie gasped and held on to Elmo's forearms, closing her eyes as she answered his ministrations. Elmo breathed in as he softly bit her lips causing her to gasp. He pushed his tongue inside her mouth and almost sucked the life out of her. Then he softly pushed her to lie down on the couch and continued kissing her until they were almost out of breath. "Elmo..." Julie panted when she was able to pull away. Elmo loomed over her, his whole body covering hers. His face was so close that Julie could see her own reflection in his eyes. "Nagseselos ako. Your smile is mine. Your stare, your time. It's mine." He panted. "Ako lang dapat." He uttered before capturing her lips yet again in a fervent kiss. And Julie kissed back, her tongue battling with his as they sunk further unto the couch. =o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o= AN:....*peeks*.... hi friends! Wanna know what happens next? Ako din gusto ko malaman hahaha! Charot! Pahingi naman ng votes and comments! I promise the more, mas mabilis ang update mwah mwah thanks for reading!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD