"Kuya Ted, h'wag n'yo na lang po akong hintayin. Hindi ako sigurado kung anong oras ako matatapos," bilin ko kay kuya Ted ang family driver namin.
"Sige, seniorita."
Bumaba ako sa kilalululanan na kotse sa tapat ng Blackbird fancy restaurant. Suot ang kulay itim na bodycon dress na hanggang kalahati ng hita ay nagtuloy tuloy na akong pumasok sa loob.
Hindi ko alintana ang iilang mga matang nakatunghay sa'kin. Nilinga ako ang leeg nakita ko agad si Dylan sa isang sulok.
He is looking handsome in his grey suit. Malapad ang ngiti niya na tumayo nang tuluyan akong makalapit. "Good evening, Violet."
Ngumiti ako at binati rin ang lalaki. Inusad niya ang upuan. "Thank you." Mabini na umupo ako na nilapag ang mamahalin na dala ko na purse sa ibabaw ng mesa.
Dylan tries his best to be a gentleman. We ordered fancy cuisine. We ate and engaged in small talk.
Nasa kalagitnaan kami ng aming usapan nang may napansin akong pamilyar na bulto na papasok sa loob ng restaurant. Napinto ko ang kopita na may lamang wine sa ere habang sinundan ko ng tingin ang isang sweet na pares na naglalakad hanggang sa nilampasan ang mesa na kina-uupuan ko.
Napahigpit ko pagkakahawak sa baso na ibig ko na lang durugin iyon. Hindi ko mailugar ang sarili. Nanginginig ang aking kalamnan na gusto ko na lang sumabog.
I was really uneasy. Nangingislap ang aking mga mata na gustong bumalong aking luha sa nasaksihan.
Daddy!
"Violet, are you alright?" tanong ni Dylan nang hindi ko pinupuna ang mga sinasabi niya.
Tila ba nabibingi ako't wala akong marinig maliban sa malakas na pintig ng puso ko. Nakatuon lang ang mga mata ko kay daddy sa di-kalayuan na may kasamang ibang babae na may malalaking ngiti sa labi. He is so alive. Buhay na buhay na kailanman ay hindi ko nasilayan sa tuwing kasama niya si mommy.
"Violet-"
"I am sorry!" Tumayo ako mula sa pagkaka-upo. Hinagip ko ang purse na nasa tabi. "I am sorry, Dylan. Let's continue our date some other time!"
Hindi ko na binigyan si Dylan ng pagkakataon na makapagsalita. Kusa ko siyang iniwan. Malalaki ang aking hakbang na gusto ko na lang liparin ang pasilyo. Ibig ko na lang maglaho sa malupit na mundo.
Lakad-takbo ang aking mga hakbang. Hindi ko na binigyang pansin ang mga tao sa paligid. Lumalabo at nagaulap na aking mga mata sanhi ng nagbabantang luha na kanina ko pa pinigilan. Hindi ko napansin ang waiter sa unahan at nabunggo ko ito. Hindi sinasadyang nawalan ako ng panimbang at sumimplang sa sahig.
Lahat ng mga mata ay nakatanaw sa direksiyon ko. Hindi ko alam kung paano paunlakan ang sitwasyon. Naninigas na lang ako na hindi alam ang gagawin.
"Are you alright?"
Pagkadinig ko sa boses hindi ko napigilang bumalong ang aking mga luha sa mata. Tumambad sa paningin ko si Henrick Russell. Mas lalo kong pinakawala ang mahinang hagulhol.
Why is it that he, among everyone else, is always the one who comes to my rescue when I am in need?
"Cover me, Mr. President," pagsusumamo ko na mas lalong pinakawala ang mga luha. Tumalima ang lalaki.
He rescued me, shielding me from the gaze of onlookers, and guided me to the exit.
"You have my shoulder to cry on, Miss Ramirez," mungkahi niya nang marating namin ang malawak na espasyo sa labas ng gusali. Giniya niya ako at pinasandal sa kanyang motorsiklo.
"Am I allowed to?" may pag-atubiling turan ko.
Umungol lang siya. Lumapit siya sa akin. Kinabig niya ang batok ko't pinagpahinga niya ang noo ko sa matigas niyang dibdib. "Cry 'til you get tired, Violet."
Mas lalo akong napasingot. Malaya ko na pinakawala ang aking panibugho sa buhay hanggang kusang tumila ang aking mga luha.
"Hintayin mo 'ko magpapalit lang ako ng damit," paalam niya na tumalikod at muling pumasok sa restaurant. Pagkabalik niya napalitan na niya ang kanyang uniform ng simpleng maong na jacket na pinailaliman ng t-shirt at maong na pantalon.
Walang namutawing salita sa kanyang labi. Kinuha niya ang helmet. Kusa niyang sinuot sa akin.
"Tapos na ba ang shift mo?" nakukuryusong tanong ko. "Baka pagalitan ka ng boss mo-"
"My relatives own the place."
"Ah." Tumango ako.
"Hop in!" imbita niya na binuhay ang makina ng motorsiklo.
Hindi ko natagpuan ang sariling tumutol sa halip ay kusa ako na sumampa sa likuran. Without knowing where we are going all I know I feel alright when I am with him.
"Hold tight, Violet!" babala niya bago pinasibad ng takbo ang motorsiklo.
Hindi ko man kayang ipaliwanag pero lahat na hinanakit na nadarama ko ay unti-unting napawi dahil sa presensiya niya.
Makalipas ang mahabang biyahe ay natagpuan na lang namin na sumilong sa isang maliit na shed. Umiiyak ang kawalan sa kalagitnaan ng aming biyahe.
Pinagpag ni Henrick ang bakanteng upuan saka na-upo. "Maupo ka, hihintayin nating tumila ang ulan."
Ngumiti ako na tumabi sa kanya. Naka-upo lang kami roon. Nakamasid at pinanood ang bawat butil ng tubig na tumagas mula sa malungkot na kawalan.
Hindi sinasadyang napayakap ako sa sarili dahil sa malamig na dampi ng hangin.
"You always show too much skin," reklamo niyang nakatuon ang mata sa suot ko na spaghetti strap bodycon dress. "Hindi ko talaga maintindihan bakit gustong gusto ninyong magsuot ng damit na kinulang sa tela." He took off his jacket and covered me with it.
Natagpuan ko na lang na suot-suot ang jacket ni Henrick. "It's a new trend."
Umungol lang siya na muling pinanood ang patak ng ulan. Tanging ang maliit na sinag ng bombilya mula sa streetlight ang nagsisilbing tanglaw sa aming kinaroroonan.
Habang palalim nang palalim ang gabi. Ay tila palakas nang palakas din ang t***k ng puso ko sa sandaling ito na hindi ko mawari. Dinaig nito ang ingay ng ulan sa paligid.
Nakatuon ang mata ko sa kanya. Ngayon ko lang din napansin na hindi niya suot ang salamin niya sa mata. Nababanaag ko ang gwapo niyang hitsura.
"You're not wearing your glasses today, huh?" Tumagilid ako upang mas masuyod ko siya.
"Hindi ako nagsusuot ng salamin kapag nasa duty ako."
"So, you're wearing contact lenses?"
"Yes."
Tumango-tango ako. "I don't want you to wear contact lenses at school." Deklara ko na hindi nag-iisip. It's just that I don't want people to see his bare face.
Napalingon siya sa direksyon ko't nagtatanong na titig ang pinukol niya sa akin. "Why?"
"Wala lang."
Tumango-tango lang siya at muling tinuon ang mata sa kawalan na walang tigil sa pag-iyak.
"Salamat, Mr. President," mahina ko na wika na tama lang na marinig niya.
Nilingon niya ako. "Call me Henrick, Violet."
"Thank you for being my rescue, Henrick."
Isang tipid na ngiti ang gumuhit sa kanyang labi. Tumayo siya bigla. "Halika." Nilahad niya ang palad sa harap ko.
Kusa ko iyong tinanggap. Sumunod akong tumayo. Kinuha niya ang purse ko't nilapag sa kinauupuan namin.
"Let's have some fun, Violet."
"Anong plano mo-"
Hindi ko na natapos ang sasabihin. Dinala niya ako sa gitna ng umiiyak na kawalan. "Laro muna tayo!" Malapad ang ngiti niya. "Run, Violet!"
Tumakbo ako ng tumakbo. Hinayaan ko ang sariling damhin at kalimutan muna pansamantala ang puot ko sa mundo. Naghahabulan kami sa gitna ng kalsada.
Hanggang naabotan niya ako't kinabig ang beywang ko payakap. "Naabotan din kita!" paanas niyang sabi.
Napakurap-kurap ako. Dama ko ang mainit niyang balat kahit na ba kapwa kami basang basa. Tinambol ang puso ko na halos mabingi ako. Ang hindi ko maintidihan kung bakit tila bumagal ang takbo ng oras sa sandaling ito.
"Masaya ka na?" tanong niyang nakatitig sa akin. Hindi niya ako pinakawalan at nanatili niyang yakap-yakap ang beywang ko.
Umungol ako na nakipagtagisan ng titig sa kanya.
"Glad to hear that, Violet." Pinakawalan niya ang beywang ko. "Sometimes in order to feel at ease is to forget those worries even just in a while." Dinipa niya ang bisig. Nakapikit na dinama ang ulan.
"I couldn't agree more, Mr. President." Ginaya ko ang ginawa niya. Pikit matang hinihintay ko ang bawat patak ng ulan.
"Forget the worries!" Ulit niya.
"Forget the f*****g worries!" gigil na sigaw ko sa gitna ng ulan.
"Yes, kalimutan ang tang-inang hinanakit!" sumigaw rin siya.
"Oo, tang-ina!"
Kapwa kami natigilan pagkatapos. Hanggang kusang bumigay at kapwa kami gumawa ng tunog. Napahalakhak kami ng tuluyan. Halakhak, tawa at ngiti na hindi pinipigilan.
Whenever I am with him I become another person. Violet is more open with her feelings.