Buong paghanga na nakatuon ang aking paningin kay Henrick na nasa itaas ng entablado. Nasa kalagitnaan ito ng pagtatalumpati. Henrick has received one of the highest honors in our class.
"Class of 2024, the responsibility to effect change rests with you. Strive to earn the respect and admiration of others, and leave a lasting impression of perseverance and self-belief..." si Henrick.
"OMG, he is perfect, isn't he?" mahinang sambit ng kaklase namin sa likuran ko. Pati si Dinah hindi maikubli ang paghanga na nakatuon ang paningin kay Henrick. He's not wearing his old-fashioned glasses.
"Class of 2024, best wishes on your journey ahead! Remember that graduation is not the end; it's the start of a thrilling new chapter in your lives," wakas ni Hernick sa kanyang talumpati.
Masigabong palakpakan ang pumainlang sa buong stadium kung saan ginanap ang aming pagtatapos.
"Congratulations class of 2024!"
Lahat ay naghiyawan. Pawang masayang ngiti ang makikita sa pagdaraos na iyon. Namataan ko agad ang mga kaibigan ko na papalapit sa akin na may ngiti sa labi.
"Group hug, beh!" hiyaw ni Dinah na niyakap kaming dalawa ni Mia. "Congtulations to us."
"Parang kailan lang, beh. H'wag kayong makalimot sa'kin, ha?" Nangingislap ang mata ni Mia. "Violet, ibalita mo lahat sa'min anong nangyayari sa'yo. Minsan kasi hindi mo sinasabi sa'min na may problema ka pala."
"Oo na, beh." Pilit ko na pinigilan ko na maiyak. Hangga't maaari ay hindi ko ipinapakita sa mga kaibigan ko ang aking kahinaan.
Magkaharap kaming tatlo nang mahagip ni Mia si Henrick na papalapit. Nakatalikod ako sa banda niya. Hindi ko agad napansin ang lalaki.
"Dinah, si Mr. President!" mahinang bulong ni Mia na kinurot si Dinah sa tagiliran.
Maarte naman na hinawi ni Dinah ang buhok na nakatuon ang paningin sa likuran ko.
Nagdalawang-isip ako kung haharap ba ako pero nanaig ang aking intrusive thoughts. Nang bumalikwas ako paharap nakita ko si Henrick na papalapit sa amin.
My pulse races when our gazes meet. Sobrang gwapo niya na suot ang aming kulay asul na graduation gown. Kampanteng naglakad siya na tila ba pag-aari ang buong lugar at oras. Nang binaba ko ang mata ay tumama ang paningin ko sa hawak niya na kumpol na mga violets and roses.
"Hi," mahinang bati niya nang tuluyang makalapit sa amin na hindi hiniwalay ang titig sa mata ko.
I stunned upon looking at him. Nablangko ako na nakakatitig lang sa kanya. Tila ba nabingi ako sa tinding kabog ng puso ko.
"Mr. President." Ngumiti si Mia.
Tumango si Henrick at tipid na ngumiti ta's binalik niya ang titig sa akin.
"Hi, Henrick," bati ni Dinah na tinititigan ang binata ng malagkit. Tumama ang mata niya sa hawak ng binata na bulaklak. "F-For me?"
Napalunok ako na nakatingin kay Henrick. May matamis siya na ngiti sa labi na mataman pa rin na nakatingin sa akin na hindi binigyan diin si Dinah.
"F-For me?" ulit ni Dinah na kapwa kinaagaw ng aming atensiyon.
"Y-Yeah, for you, Dinah congratulations." Nilahad ni Henrick ang bulaklak kay Dinah na nanatili ang mata sa akin. He addressed her casually, not by her last name as he used to, but by her nickname 'Dinah'.
Ngumiti ako pero hindi iyon umabot sa aking mga mata. Hindi ko maintindihan pero may kaunting kirot ang puso ko. Yumuko ako upang ikubli ang mapait na ngiti.
"Wow, thank you, Henrick." Abot tainga ang ngiti ni Dinah na sinuyod ng tingin ang kumpol ng bulaklak saka inamoy.
Hindi ko inaasahan ang sumunod na ginawa ng binata. Yumuko siya upang hagkan ang pisngi ng kaibigan ko. Dali ko na iniwas ang mata sa kanila. Pansin ko rin si Mia na kanina pa pinagsisiko ang tagiliran ko sa sobrang kilig.
"Beh, hawakan mo 'ko't baka mahimatay ako," pasimpleng bulong ni Mia.
Nginitian ko lang si Mia kahit na gusto ko na bumusangot sa nakikita. Palihim ko lang na sinulyapan ang dalawa.
Dinah and Henrick talk casually. May pahampas pa si Dinah sa bisig ng binata. Magkahalong kirot at saya ang nadarama ko sa pagkakataong ito. Masaya ako para sa kaibigan ko pero kumikirot ang puso ko. Kahit na ba maging makasarili ako, makukuha ko ba siya ng buo?
Umatras ako't hinayaan namin ni Mia ang dalawa. Hindi ko natagalan at sadyang iniwan ko sila. Gumawi ako sa b****a ng lugar kung saan makikita ko ang mga taong labas masok sa loob.
Isang buntong hininga ang pinakawala ko na nakamasid sa ibang mga estudyante na masayang nakipag-usap sa kani-kanilang pamilya. Nandoon lang ako nakatayo na pinagsawa ang mga mata sa mga panauhin.
"Congratulations, iha Violet." Bungad ni nana Koretta sa likuran ko. Niyakap ako't hinalikan sa pisngi. Bukod kay nana ay wala ng ibang dumalo sa graduation ko.
"Thank you, na."
Hindi ko maipwesto ang sarili. Kanina ko pa nilinga ang leeg. Hindi ko maiwasang mainggit sa mga kaklase ko... sa mga kaibigan ko. Nilinga ko pa ang leeg umaasa pa rin ako na magpapakita si daddy sa mahalagang ganap ng buhay ko. I'm eagerly looking forward to the moment when he will be proud of me... for my achievement.
"Iha Violet, 'san mo gusto maghaponan mamaya?" tanong ni nana na hindi ko masyadong pinagtuonan ng pansin. Lumapit ako sa kabilang entrance ng stadium baka sakali may darating pa.
"Sandali lang po, nana baka darating si daddy." Nilinga ko ang leeg. Nagbabakasakali lang naman. Wala naman masama di ba? Anak din naman niya ako.
Tikom ang labi ay pinigil ko ang luha na tumakas.
Ang sugat na sadyang binaon ko sa limot ay muling nanumbalik. I am waiting for him to arrive and to be proud of me. Kanina ko pa sinusulyapan ang entrance kung darating ba si daddy para sa akin. Nandoon naman si nana Koretta pero iba pa rin kapag nandito ito. Umaasa na naman ako na magpapakita siya. Umaasa ako na darating si daddy.
"Violet iha."
"Na, pupunta si daddy di ba?" nangangatal ang boses ko dahil sa nais sumabog na emosyon.
"Iha," bakas sa boses ni nana ang dismayado. Hindi kumbinsido.
"I know, darating si daddy, na," pagpumilit ko. Sadyang lumabas ako sa loob. Tumakbo ako sa gawi ng parking space baka nandoon lang si daddy. Nilinga ko na naman ang leeg sa paligid pilit hinanap ng mata ko ang panauhin na hindi ako sigurado kung lilitaw.
"Iha, Violet. Tumigil ka na!" pigil ni nana na nilingon ang loob ng stadium na unti-unti nang nauubos ang mga tao. "Violet anak-"
Hindi ko napigilan ang luha at kusa ko na iyong pinakawala. Pinaniwala ko na naman ang sarili na may pakialam siya sa 'kin.
Naging mabilis ang kilos ni nana na saluhin ako't niyakap ng mahigpit. "Tahan na nandito naman ako para sa'yo, anak."
Mas lalo ko na binaon ang mukha sa bisig ni nana. Pinakawala ko ang hinagpis at lumbay na nadarama ko sa sandaling ito.
Kalap ang tapang ay umalis ako. Iniwan ko si nana roon. I hurried to my dad's place, still wearing my graduation gown. Hindi ko inintindi ang kumalat na make-up. Napumilit akong pumasok sa gate.
"Miss, baka pagalitan kami nina Senior Emmanuel at Senyora Veronica kapag hahayaan ka namin," pigil ng guwardiya sa malaking mansion na pag-aari ng daddy ko.
"I am his daughter! Putang ina! Tumabi ka!" taboy ko sa guwardiya. Pwersahan ko itong tinulak upang mabigyan ako ng daan.
Pinilit ko ang sariling pumasok sa automated gate ng mansion. Tumakbo ako sa mahabang lane patungo sa napakalawak na bakuran. Hinahabol ako ng dalawang guwardiya pero nagmatigas ako't binilisan ko ang takbo. Hinubad at iniwan ko ang mamahaling sapatos hanggang narating ko ang malaking pinto.
"Daddy! Buksan n'yo 'to!" sigaw ko sa labas. Hindi ko napigilan ang luha na bumalong sa aking pisngi. Malakas ko iyong kinatok. "Daddy!"
Sa inaasahan ay nagbukas ang pinto ng bahay. Pagkabukas niyon ay tumambad sa mata ko ang malawak na espasyo. Magara at glamoroso.
"Ano ba ang nangyayari?" pukaw ng boses babae. Ang boses nito ay malumanay at kalmado.
"Senyora, sabi niya anak daw siya ng senior," dahilan ng guwardiya sa likuran ko.
Inangat ko ang mata. Tumama ang paningin ko sa isang magandang babae na sa tantiya ko ay nasa early forties ang edad. Elegante at sopistikada. Nakasuot ng kulay itim na bestida na hanggang binti. Nakatali ang mahabang buhok ngunit mas lalong lumitaw ang magandang hugis ng kanyang mukha. Nakatayo sa ikalawang palapag ng mansion na nakatunghay sa akin.
"Iha, anong maipaglilingkod ko?" Nagsimula itong humakbang pababa sa matayog na hagdanan.
Habang pababa siya ay unti-unting naging malinaw sa aking isipan. Ang babae ay ang kasama ni daddy sa restaurant noon. Ang babae na nagpapangiti kay daddy.
"Iha? May problema ba?" muli niyang tanong nang makababa ng tuluyan.
Naglakbay ang kanyang mga mata sa kabuuan ko. Tumama ang paningin niya sa paa ko na madungis at mga galos. Lumapit siya sa akin at tinititigan ang mukha ko. Akma niyang hawiin ang nagulo ko na buhok pero agad kong iniwas ang sarili.
Napa-atras ako. "S-Sino ka?" Nanginginig ang boses na tanong ko.
Sa halip na sagutin ako ay tumalikod ito. Pagkabalik ay may dala na itong batya na may tubig at kahon ng pangunahing panlunas.
"Halika iha, linisin muna natin ang sugat mo't baka maimpeksyon." Ginagap niya ang palad ko. Giniya niya ako papaupo sa mahabang sofa.
Hindi ko natagpuan ang sariling nagprotesta kusa akong sumunod. Sumisingot man ay umupo ako. Hinayaan ko siyang linisin ang paa ko. Her fingers were so gentle that they somehow brought peace to me. Hindi ko alam pero gumaan ang loob ko.
"Graduation mo pala ngayon?" tanong niya. Maingat niyang dinampi-dampi ang bulak na may betadine sa galos ng aking paa. "Congratulations, iha. Nakakaproud naman," dagdag niya nang tumama ang paningin sa suot ko na medalya. Nginitian niya ako.
Hindi ko man sinasadya pero hinayaan ko ang luha na umagos mula sa aking mga mata. Why of all people? Sa kanya ko pa narinig ang salitang iyon?
"Tamang tama, may inihanda akong kaunting salu-salo para sana sa anak ko kaso hindi pa siya dumating. Dito ka muna e-celebrate rin natin ang tagumpay mo—"
"No! Hindi ko kailangan ang awa mo!" singhal ko. "Hindi mo kailangan magbait-baitan sa harapan ko!" Mabilis akong tumayo. Humakbang ako't nilampasan siya. Nagtuloy tuloy akong lumabas.
"Teka, sandali, iha," pigil niya sa likuran ko. Malaki ang hakbang niya na lumapit sa'kin. "Heto, isuot mo 'to." Inabot niya ang isang signature walking shoes.
"I don't need that!" Marahas ko iyong dinaklot at tinapon sa kung saan.
The woman remained calm, her eyes brimming with sincerity. Tumalikod ako. Iniwan ko ito na nakasunod tanaw sa akin. Tuluyang lumabas ako ng mansion na nakapaa.
Pagkalabas ko ay may bumungad sa 'kin na pamilyar na bulto. Nakatayo sa isang madilim na bahagi ng kanto hawak ang pares ng sapatos ko. Nang makilala ko, agad ko na tinakbo ang kinaroroonan nito.
"Violet!"
Tuluyan akong ngumawa ng iyak sa harapan ni Henrick. Sa inaasahan ay kinabig niya ako ng yakap. Henrick who's always my hero.