April 29, 2024
Nakasunod kina Mia at Dinah na binaybay namin ang pasilyo papalabas ng gusali. Alas kwatro na ng hapon at oras na ng uwian.
"Dalawang araw na lang at graduation na natin, beh." Nasa himig ni Mia ang saya na may halong lungkot.
"Oo nga, eh," segunda ni Dinah na pinagpatuloy ang paghakbang.
"Violet, ano na beh? Ano nang plano mo?" Sadyang sumabay si Dinah sa aking mga hakbang. "Sabi ni Mia na gusto niya mag-aral siya ng medical sa ibang bansa," may halong pagmamalaki ang boses ni Dinah na sinulyapan si Mia.
Kimi-kimi naman na ngumiti si Mia. "Oo nga, beh ano na? Saan ka mag-aaral?" Sumabay na rin si Mia sa hakbang namin ni Dinah.
Napatikhim ako. Ilang gabi ko na rin iniisip kung ano ang gusto ko pero wala akong mahanap sa puso ko kung ano ba talaga ang gusto ko. Madami naman na pagpipilian. Kung tutuusin ay may utak din naman ako nasa pangatlo sa top student list ako. May talento rin ako. Alam ko kung paano magpinta, sumayaw at kumanta o kaya umarte pero wala sa mga iyon ang gusto ko. Naguguluhan pa ako.
"Wala pa akong ma-isip, eh," sagot ko sa kanila.
"Ha? Wala? Eh halos magaling ka sa lahat, Violet. May hitsura ka, maganda ang katawan mo... baka gusto mo mag-artista? I can help you. We own the renowned entertainment industry, just in case you forgot, beh!" pasaring ni Dinah.
Indeed, Dinah's father is among the pioneers who established the vast entertainment sector in the country.
Ngumuso ako. "No, ayoko sa mga gan'yan." Nagkibit-balikat na pinagpatuloy ko ang hakbang.
"Kung ayaw mo sa gan'yan, ano naman ang gusto mo? Maging loving mother? Mag-asawa agad?" saad ni Mia na ikinapinto ng hakbang ko.
"Mag-asawa?" mahina ko na ulit sa sinabi ni Mia.
"Beh, huwag mong sabihin gusto mo mag-asawa agad?" Halos magkasabay sila na humiyaw. Huminto sila sa hakbang at binalingan ako.
"B-Bakit?" Naasiwa ako sa mga titig na binato nila sa akin. "M-May problema ba sa pag-aasawa?"
Umungol si Mia. Pinilig niya ang ulo at pinasadahan ako ng tingin mula ulo hanggang paa. Inabot niya ang sariling baba at tila nag-iisip. "Violet, you are damn gorgeous I am not gonna lie. Kapag nag-asawa ka agad you're kiffy isn't giving, beh."
"Bakit naman?"
"Isa lang makinabang n'yan," biro ni Mia. "'To naman parang di nag-grade two. Siyempre kailangan nating sulitin ang buhay natin ta's mag-asawa agad? Ano 'yan, beh!"
"Eh, ano naman ang masama kapag nag-aasawa—"
"Violet!" tili ni Mia na kinatigil ko. "Ibig sabihin gusto mo na mag-asawa agad?"
"Oo nga? Don't tell us, Violet you're thinking about getting married?" Halos lumugwa ang eyesball ni Dinah.
Napatikom ko ang labi sa tanong ni Mia. Ang pinagtataka ko ay lumutang sa diwa ko si Henrick! Why? No way!
"Sagutin mo kami, Violet!" singhal ni Dinah. Tinititigan nila ako ng mataman na naghihintay ng aking sagot.
"H-Ha? No way! Ang bata ko pa para mag-asawa. Tang-ina ni'yo! At saka sino naman ang magiging asawa ko?" Ngumiti ako ng pilit pagkatapos.
"Kaya nga tinatanong ka namin, tang-ina mo rin. Bilang magkakaibigan kailangan natin maging isang strong independent woman. Hindi iyon iaasa na lang natin sa lalaki ang lahat. Nakuha n'yo!" pangaral ni Mia. "Dapat kahit walang lalaki sa buhay natin eh masaya pa rin tayo."
"Korek ka d'yan, beh."
Tumango-tango rin ako bilang sang-ayon.
"Dinah, tuloy na ba ang plano mo na sa abroad ipagpapatuloy ang pag-aaral?" pag-iiba ni Mia ng paksa.
Umungol si Dinah saglit. "Parang nagbago ang isip ko, beh."
"Bakit?"
"Hindi rin siya matutuloy sa abroad eh."
Napinto ko uli ang hakbang sa narinig. Sigurado ako na ang tinutukoy ni Dinah ay si Henrick. Napakuyom ko ang palad.
"Ganoon?" Mia glared at Dinah. "Ganoon mo talaga siya kagusto at gusto mo na lang sumunod kung saan siya pumunta?"
Nahihiyang hinawi ni Dinah ang buhok at sinukbit sa tainga. "Hindi lang naman gusto, beh pero siya ang pangarap ko," matapang na pag-amin niya.
Huminto ako sa paghakbang. Nagpakawala ako ng malalim na buntong hininga. Is it worth it to compete? Must I prioritize my own interests? Hindi ko na alam.
"Parang tanga! Parang di ka nag-grade, beh!" Kinilig na kinurot ni Mia ang tagiliran ni Dinah. Naghaharutan sila. Pilit akong ngumiti na nakatuon sa kanila nang may humablot sa braso ko mula sa likuran. Ibig ko sanang tumili nang tinakpan nang kung sino ang bibig ko.
Pagkamulat ko ay nasa loob na ako ng tahimik at bakanteng silid-aralan. Bumalaga sa mata ko si Henrick.
"Anong—"
Tinakpan niya ang labi ko. "Shh, Violet."
Narinig ko pa sina Mia at Dinah na tinawag ako ngunit dapit huli sumuko rin ang dalawa at tuluyang lumabas ng gusali. Dama ko ang pagvibrate ang phone ko sa bulsa sigurado ako sina Mia iyon pero hindi ko binigyang pansin.
"They're gone now," sabi ni Henrick na napabuga ng maluwag na hininga.
Nagsalubong ang kilay na binato ko ng titig ang binata. "Mr. President, ano ba ang problema mo't basta ka na lang sumusulpot?"
Ngumiti si Henrick. Lumutang ang mga ngipin niya na wala nang braces. I was so mesmerized by it that I smiled without realizing it. "Y-Your teeth."
"What about my teeth?"
"Your braces—"
"Ha?"
"Wala na ang braces mo."
"So?"
"You became...
"Became what?"
"Y-You became more attractive—"
Nabitin ko ang salita. Henrick abruptly brushed his lips to mine. It was fast yet sweet that sent me into paralysis for a second.
He let go of me. Suot pa rin niya ang matamis na ngiti sa labi.
"W-What was that for?"
"An energizer?"
"Gago!" Natampal ko ang kanyang dibdib na may kasama rin na matamis na ngiti sa labi.
"Uuwi ka na?" tanong niya na may dinukot sa bulsa.
"Sana... pero dumating ka, eh."
Umungol siya. Tumambad sa aking mata ang isang maliit na jewelry box na galing sa isang mamahaling brand. Binuksan niya iyon. I was surprised by a white gold necklace with a violet flower pendant and a tiny blue diamond at the center.
Kinuha niya iyon. Umikot sa likuran ko at hinawi ang mahaba ko na buhok. Kusa niya na sinuot sa 'kin.
"A-Ano 'to?" nabubulol ako pero nakuha ko pa rin na magtanong.
"For you," bulong niya na sadyang tinapat ang labi sa puno ng tainga ko na kinatayo ng aking balahibo sa batok.
"Oo nga, pero bakit mo ko binibigyan ng—"
"Happy birthday, my Violet," he whispered to my ear. Mas lalong nagwawala ang puso ko kung paano niya ako ina-address.
Nang marinig ko iyon tila ba hinaplos ang puso ko. Maliban kina Dinah, Mia at Nana Korreta si Henrick ang panghuling tao na bumati sa akin at sobrang natutuwa ang puso ko.
Hindi ko namamalayan ang ilang luha na tumakas sa gilid ng aking mga mata. Hindi ko naikubli ang pagsingot ko. Dinama ko ang pendant ng kwentas na nasa aking dibdib. I cannot find the words to express my gratitude today.
"Thank you, Henrick." Hinarap ko siya. Kusa akong tumingkayad upang matitigan lalo ang kanyang gwapong mukha. "You made this day more special, thank you."
Naging mabilis ang kilos niyang hapitin ang beywang ko. Yumuko siya. Sa likod ng salamin ay namumungay ang kanyang mga mata na pinakatitigan ako. Inabot niya ang aking pisngi at tinuyo iyon.
"Violets are blue, that's the vision I have whenever I'm with you, my Violet." Hinagkan niya ako sa noo. Sadyang kinabig niya ako ng yakap. Kusa ko na sinuksok ang mukha sa bisig niya.
Habang tumatagal ay mas lalo akong nahihirapan pakawalan siya. Lalo akong nagiging makasarili. His presence in my life has made me feel complete. Sadyang kusa ko nakakalimutan ang iba ko pang isipin.
***
Nang makauwi ako ay bumungad sa akin ang iba't ibang mga kahon mula sa mga mamahaling signature brands. Bags, shoes and even dresses. All of it came from my dad.
Isang buntong hininga ang pinakawala ko. Dinampot ko ang isa sa mga iyon. Nakita ko ang isang latest Stuart Weitzman 'The Nearlynude'. Dad spoiled me with rotten expensive stuffs.
I should be grateful. Hindi ko natatandaang nakalimutan nito ang kaarawan ko. He may often be absent, but he's always there to pamper me with material things. Kahit na sa ganoon hindi naman niya ako hinahayaan na magutom.
"Thank you, Emmanuel."