Ilang araw nalang ay babalik na ako ng Maynila. Sa paglipas ng panahon ay nasasanay na din ako sa buhay dito sa rancho. Maaga silang nagigising kaya't maaga din matutulog. Mabilis din akong makatulog dito dahil tahimik ang paligid, pero iba ngayong gabi. Hanggang ngayon kasi ay naiisip ko pa din ang mukha ni Kuya Gaven noong isang araw na iniwan ko siya sa burol. Hindi ko kasi talaga maisip kung bakit kailangan niyang sabihin sa akin na pag aari niya ako. Oo, aaminin ko na kinikilig ako sa mga oras na yun. Sino ba ang hindi kikiligin kung isang Gaven Villacruz ang magmamay ari sayo? Ipokrita ako kung sabihin kong hindi ko siya gusto. Sa kabila ng ginagawa at sinasabi niya sa akin, gusto ko pa din siya. Pero magaling lang talaga akong magtago ng tunay na nararamdaman. No one knows, kung

