Hindi ko naisip na ganito pala ang pakiramdam ng nililigawan. Yung tipong ibibigay sayo ang ulap at mga bituin. Akala ko kasi, literal na bituin ang sinasabi nila yun pala ay iba. Ang ulap pala ay nagrerepresent ng panahon, ibibigay niya ang buong panahon sa iyo hangga't kaya niya. Minsan nga kahit sobrang abala niya sa negosyo nila ay hindi niya pa din nakaligtaan ang puntahan ako. Tulad ng ulap, minsan akala natin wala silang pakialam sa ating mga tao pero ang totoo andyan lang sila pagkailangan mo, na nag papaalala sayo kung may darating na ulan o maganda ang panahon. At ang bituin naman, ito ay nagpapakita na kahit gaano man ito kaliit sa paningin nagbibigay liwanag parin, parang effort lang. Minsan hindi natin maappreciate dahil di natin ito nakikita pero kung pahalagahan pala natin

