"Are you sure na tutuloy tayo sa loob?" hinawakan ni Alden ang braso ko. Bumaling ako sa kanya, puno ng pag aalala ang kanyang mata. I tapped his shoulder. "It will be fine, Alden. Hindi naman siguro nangangagat ang kuya mo di ba?" ngumiti ako sa kanya, kahit na ang totoo ay kinakabahan din akong makaharap si Gaven. "Pero-" "Don't worry. Ayaw mo ba akong pakainin? Alam kong concern ka sa akin but I will be fine, really?" I assured him. Bumuntong hininga ito at naunang naglakad papasok sa isang single storey ranch-style house. Magkaiba ang kanilang rancho sa kanilang hacienda. Kung baga ito yung second property nila. Ang alam ko dito daw halos lahat ng kanilang mga alagang hayop. Pero hindi ko alam kung anong mga hayop ang meron sila. Kaya nga sumama ako dahil gusto kong makita. Sumuno

