Tahimik lang kami habang pauwi, hanggat maaari ay ayokong pag usapan ang tungkol sa amin ni Gaven. Hindi ko maintindihan ang sarili ko bakit sumisikip ang dibdib ko dahil sa nangyari. "May gusto ka sa Kuya ko." napalingon ako sa gawi ni Alden. Hindi siya nagtatanong, kundi nagkoconclude. Napatanga lang ako, hindi ko alam kung anong sasabihin ko. "H-Hindi-" "You can lie to me but I know better, Syd. Your eyes speaks it all, you don't have to deny it." may bahid na pait ang kanyang salita. Hindi ko alam kung anong sasabihin ko, dahil sa totoo lang naguguluhan ako. Ito ang unang beses na nakaramdam ako ng ganito kaya hindi ko alam kung may gusto ba ako sa kanya. Pero kung ang paglakas ng t***k ang basihan ng tinatawag na pagkagusto, siguro nga ay gusto ko siya. Ito ang kauna-unahang pagk

