Hindi ko na nakita ang presensya ni Gaven after ng outbrust niya. Hinanap ko siya sa mga nagtatrabaho sa orange farm nila, pero hindi na daw nila ito nakita.
Medyo nalungkot ako, syempre siya ang nag aya sa akin na lumabas pero iiwan niya din pala ako sa ere. Para niya din akong pinaasa, sinabi pa niyang magiging masaya ang araw na 'to pero, yun naman pala iiwanan niya lang pala ako.
"Sydney!" napalingon ako mula sa kinauupuan kong bench habang kumakain ng orange na binigay sa akin ng isang babae kaninang nagtatrabaho dito sa farm.
"Ate Alyssa?" tumayo ako at tinabi ang orange. May dala siyang basket na sa tingin ko ay may lamang pagkain. Malaki ang ngiti niya at binaba ang dala nito bago ako halikan.
"Ano pong ginagawa niyo dito?" tanong ko at sumilip sa likod niya, baka kasama niya si Kuya Dave.
"Ako dapat ang magtatanong niyan sayo? Anong ginagawa mo dito at sinong kasama mo?" tanong niya at parang may hinahagilap sa paligid.
Kinagat ko ang labi ko at malungkot na bumaling sa kanya. "Si Gaven-"
"Gaven's here? Akala ko ba may appointment siya today?" nagtatakang tanong nito sa akin. Nakakunot ang kanyang noo.
"Babe!"
Dumating si Kuya Dave na may dalang picnic cloth. Humalik ito kay Ate Alyssa. Napangiti ako sa sarili habang pinapanood silang dalawa. Sana darating din ang araw na may magmamahal sa akin tulad ng pagmamahal ni Kuya Dave kay Ate Alyss. Bigla kong naaalala si Gaven. No. Hindi dapat siya ang naiisip ko.
"Sydney? Sinong kasama mong pumunta dito?" baling nito sa akin. Ngumiti ako sa kanya, hindi ko alam kung anong isasagot ko. Mukhang di naman kasi nila alam na magkasama kami ni Gaven.
Siguro ay magtataka talaga sila paano kami naging magkaibigan o close ni Gaven eh ngayon lang kami nagkakilala. Hindi ko tuloy alam kung paano babawiin kay Ate Alyssa ang sinabi ko.
"Sabi niya si Gaven daw ang kasama niya. Pero di ba sabi ni Gav, may maaga siyang appointment today kaya nga siya kanina nagmamadaling umalis ng bahay niyo." ani Ate Alyssa.
Nag iwas ako ng tingin ng tiningnan ako ni Kuya Dave na parang may mali ba sa akin. Napalunok ako at ngumiti ng pilit sa kanilang dalawa. "Don't tell me, kaya nagmamadali kanina si Kuya.." nagkatinginan silang dalawa.
Hindi ko alam bakit nahihiya akong aminin sa kanila na magkasama kami kanina tapos bigla niya nalang akong iniwan. "Teka nga, kailan pa kayo naging magkaibigan ng Kuya Gaven ko? Wala naman kasi siyang naikwento sa akin. Pero siguro kung si Alden, pede pa. Eh lagi kang bukang bibig noon eh."
"At kailan pa nagkukwento si Gaven sayo pagdating sa affair niya?" nakangusong bulalas ni Ate Alyss dito. Bumaling ito sa akin, nagtatanong ang kanyang mga mata.
"Uhm. Kasi ano, nagkita na kami noong araw na maliligo sana ako sa batis, tapos yun." napalunok ako.
Naningkit ang mga mata ni Kuya Dave. "Kailan pa naging friendly si Kuya? Ang alam ko ang pinakaayaw niya yung mga intruder pero bakit ka niya kinaibigan pagkatapos ka niyang mahuli sa batis. Weird. Hindi ganun ang pagkakilala ko sa kanya." he says more to himself.
"Why don't you ask him, later? Sa ngayon ilatag mo muna yang cloth para maisaayos ko na itong dala natin." bumaling siya sa akin.
"Dahil nandito ka na din, sumama ka nalang sa picnic namin." ngiti nito sa akin.
"Dito lang? Doon na tayo sa dulo mas maganda ang view don." Tanong ni Kuya Dave.
"Okay lang po ba? Baka naman makadisturbo lang ako sa date niyo. Tapos isa pa, hindi pa kasi ako nakakaligo. Di nga ako nakapagbihis dahil hinila lang ako ni Gaven papunta dito."
Nagkatinginan na naman silang dalawa. Silang dalawa lang talaga ang nagkakaintindihan, para kasi silang may sariling body language. Mata lang nila ang nag uusap pero kuha na nila ang isa't isa. Ganun ba talaga ang nagmamahalan, nagkakaintidihan through actions?
"Paano ka uuwi? Wala na si Kuya Gav." tanong ni Kuya Dave sa akin. Actually, yan din po ang tanong ko. Paano ako makakauwi kung di ko alam kung paano umuwi. Not unless kung ihahatid ako, pero ayoko namang makasagabal sa date nilang dalawa.
"Ako na ang maghahatid sa kanya, Kuya." sabay kaming napalingon. Nakatayo mula sa di kalayuan si Alden habang may dalang bag na sa tingin ko ay mga gamit para sa mga hayop.
"Alden, tapos na ba yung ginawang paggamot mo kay Mosby?" tanong ni Dave dito. Pero nasa akin ang tingin ni Alden, hindi siya nakangiti pero hindi din naman siya mukhang galit. Seryoso lang talaga ang kanyang mga mata.
"Hindi naman kritikal ang kaso kay Mosby, Kuya. Kaya naagapan kaagad." baling nito sa kanyang kuya at binalik ang tingin sa gawi ko. Bigla tuloy akong nailang, sa klase ng paninitig nito sa akin.
"Mabuti naman kung ganun. So, paano Syd?" bumaling siya sa akin. Napatanga ako sa kanya.
"Po?"
"Gusto mo na bang umuwi? Pagpasensyahan mo na si Kuya ha. Mukhang may appointment nga siya ngayon, dahil kung wala hindi ka naman niya siguro iiwan dito nang nag iisa. Hindi naman ganun ang Kuya. Pero as of now, kung gusto mo nang umuwi, pwede kang ihatid ni Alden." bumaling ito sa kapatid.
"Okay lang ba sayo, Den?"
Agad namang tumango ang huli. "Of course. Wala na din naman kasi akong pupuntahan ngayon. Nabisita ko na ang mga alaga ko sa rancho. Ang tanong, ayos lang ba sayo Syd?"
Agad akong sumang ayon. "Walang problema sa akin. Kaya lang baka maabala pa kita." sagot ko. Umiling ito at ngumiti tulad ng lagi niyang binibigay sa akin. Isang kaaya-ayang ngiti, ang cute niya talaga lalong nadepina ang dimple nito.
"So, tara na." aya nito sa akin. Tumango ako at kinuha ang orange na bigay sa akin. Sayang naman kasi kung iiwanan ko siya. Tumulong kaya akong mamitas niyan dahil hindi naman matataas ang puno ng orange.
"Paano po, mauuna na ako sa inyo." bumaling ako sa magsyotang nakaabang lang sa susunod na mangyayari. Nakaakbay si Kuya Dave habang nakangiti.
"Sige lang. Mukhang gustong gusto mo nang umuwi. And by the way, mag iingat kayo. Alden, alam mo na."
Tanging tango lang ang sinagot ni Alden at naunang naglakad palabas ng orange farm. "Kasama mo pala ang Kuya Gav. Bakit ka naman niya iniwang mag isa?" tanong nito at lumingon sa akin.
"Huh?" wala sa sariling tanong ko. Hanggang ngayon kasi iniisip ko pa din bakit bigla nalang nawala si Gaven. Nakakatampo tuloy.
"Mukhang ang layo ng iniisip mo ah. Don't tell me, pagkatapos ka niyang pabayaan, siya pa din ang iniisip mo?" tanong nito.
"Nag aalala lang kasi ako, baka anong nangyari sa kanya. Bigla nalang kasi siyang nawala." sagot ko sa kanya.
"Wag mong alalahanin non, matanda na yun. Alam niya na ang pasikot-sikot dito sa buong farm. Ikaw dapat ang inaalala niya dahil ngayon ka lang nakapunta dito. Paano kung may mangyaring masama sayo?" medyo galit nitong bulalas.
"Pero-"
"Stop defending him, Syd. Kung anoman ang mangyari sayo, kasalanan niya yun dahil dinala ka niya dito. Hindi naman ganun kairresponsable si Kuya ah. Pero bakit ngayon parang nakalimutan niya ata ang dapat nyang gawin."
"What do you mean?"
"Hindi ka dapat hinahayaan ni Kuya. Responsibilidad niya ang welfare and safety mo dahil siya ang nagdala sayo dito, pero anong ginawa niya. He left you. Don't tell me mas gugustuhin mo ang lalaking irresponsible at iniiwan ka nalang ng ganun ganun nalang."
"Baka kasi nakalimutan niyang kasama niya pala ako." sagot ko. Hindi ko talaga alam bakit ko nga ba dinedefend ang part ni Gaven.
"That's a lame excuse. Dahil kung ako yun, hindi ko kakalimutan na kasama kita." parang biglang nagtaasan ang balahibo ko sa sinabi nito. Para kasing may double meaning, ewan, ayokong mag assume. At isa pa hindi ko dapat iniisip ang ganitong usapan. Bawal pa ako.
"Sana nga ikaw nalang." bulong ko. Napatigil ito at bumaling sa akin. "Ang ibig kong sabihin, ikaw nalang ang kasama ko, baka naenjoy ko pa ang araw na 'to." ngiti ko.
"Don't worry, kung gusto mo at kung pwede ka, bukas dadalhin ulit kita dito, mukhang di mo pa ata nalibot ang buong farm. Hindi mo tuloy nakita ang strawberry field na nasa dulo nito."
"May strawberry din kayo? Wow. Sige, bukas. Gusto kong makita ang field ng strawberry." excited kong sabi sa kanya.
"Okay. Susunduin kita bukas sa inyo mga around 9 am para makapaghanda ka." aniya at sumabay sa paglalakad sa akin. Habang papalabas kami ng gate ay nagtatawanan pa kami, we talked some random stuff.
"Nawala lang ako saglit, iba na naman ang kasama mo?" napatigil kaming dalawa ni Alden ng salubungin kami ni Gaven. Galit ang kanyang mga mata habang nakatingin sa akin.
"Kuya, ikaw ang nang iwan kay Sydney. Ni hindi ka nga nagpaalam sa kanya-"
"Shut up, Alden. I am not talking to you." galit nitong singhal sa kapatid. Biglang tumaas ang dugo ko sa kanyang inasal. Siya na nga itong nang iwan sa ere siya pa ngayon ang galit.
"Sino ba ang nang iwan sa ating dalawa. Pagkatapos mong sabihing gusto mo ako bigla mo nalang akong iniwan sa loob ng tanimang yun." narinig ko ang pagsinghap ni Alden pero nasa kay Gaven ang buong atensyon ko.
Sa totoo lang parang naiiyak na ako ngayon. Hindi ko alam kung sa galit, inis o sa tuwa dahil okay naman pala siya. Pero galit talaga ako, sino bang hindi magagalit na pagkatapos kang iwan ay parang ikaw pa ngayon ang may mali.
"I have my reasons, Sydney."
"Hell I care about your reasons. Sana man lang kung aalis ka nagpaalam ka nang maayos. Alam mo Kuya, parang ginawa... No ginawa mo akong tanga. Hindi ko nga alam bakit pa ako sumama sa'yo eh." pinahiran ko ang butil ng luha na lumandas sa pisngi ko.
Biglang nanikip ang dibdib ko na hindi ko maintindihan. Sa buong buhay ko ngayon lang ako nakaramdam ng ganito. Oo nakaramdam ako ng tampo sa parents ko pero hindi yung ganitong paninibugho na parang kay hirap tanggapin.
"You made me confused. Not just about the situation but also my feelings. Sa buong buhay ko ngayon lang ako nakaramdam ng ganito, tama ka, I'm only a kid but this kid is confuse. Ano ba talaga ako sayo? Bakit mo ba ginagawa sa akin 'to, Kuya?"
"Sydney?" he murmurs my name. Ngumiti ako ng mapait at bumaling kay Alden bago nagsalita.
"Tama si Alden, you're irresponsible. I can't trust you to be responsible, to me, for us. Excuse me." hinigit ko ang tahimik na si Alden.
Alam kong madami siyang gustong itanong dahil sa narinig, ako din madami din akong gustong itanong sa sarili ko. Bakit ko masabi ang ganitong mga bagay? Bakit ako nasasaktan habang tinitingnan ang bigong mata ni Gaven kanina? Possible bang may nararamdaman na din ako sa kanya sa ikli ng panahon naming magkakilala.
Hindi ko pa nga siya ganun kakilala. Bakit ba kasi kailangan niyang iparamdam sa akin ang mga bagay na hindi ko dapat maramdaman? Bakit lumalakas ang t***k ng puso ko pag naalala ko siya.