Kabanata 5

1412 Words
Nanlilisik ang kanyang mga mata habang papalapit sa kinatatayuan ko. Napaatras ako pero hindi ko magawang ilayo ang mata ko lalo na sa tubig na lumalandas mula sa dibdib nito pababa. "I am asking you missy, who are you and what are you doing here?" matigas ang bawat bagsak ng bawat salita. "Uhm. Kuya Dave told me na pwede akong maligo dito." nag iwas ako ng tingin. Mas lalong naningkit ang kanyang mga mata habang papalapit ng papalapit sa akin. "Really? At kailan pa nagkaroon ng kapatid na babae si Dave?" tumaas ang kilay nito. Ngayon kitang kita ko ang ang perpektong ukit ng abs nito lalong lalo na ang vline. Napalunok ako ng wala sa oras. My innocent eyes. Bigla akong nailang ng maglakbay ang mata nito mula sa mukha ko papunta sa dibdib ko pababa. Nanlaki ang mga mata ko at napatakip ako ng katawan. "A-anong tinitingin-tingin mo?" nauutal kong singhal sa kanya. Ngumisi ito ng nakaloloko halos mga isang metro nalang ang layo ko mula sa kanya. "Alam mo ba kung anong panganib ang pinapasok mo bata? Pumupunta ka ng nag iisa sa lugar na 'to nang nakatwo piece lang." "K-Kasi nandito ako para maligo, what do you expect to wear a coat and a pants?" "And now, you're being sarcastic, huh? Aren't you scared? Hindi ka ba natatakot, what if r****t pala ako?" biglang nagtaasan ang balahibo ko sa katawan. Bigla atang lumamig ang maligamgam na tubig na kinatatayuan ko ngayon. Umurong ako palayo sa kanya at mabilis na tumalikod para tumakbo ng hawakan niya ang braso ko. Mas lalong nanginginig ang katawan ko ng dumampi ang balat niya sa braso ko. Pakiramdam ko ay bigla akong nakaramdam ng kakaibang kuryente. "And where do you think you're going?" malamig niyang tanong sa akin. Bigla akong nakaramdam ng kakaibang takot. Takot na para bang anytime ay lalapain niya ako ng buhay. "K-kuya wag po. B-Bitawan niyo po ako. U-uuwi na po ako." naiiyak kong sabi sa kanya. Napangisi siya. "At sa tingin mo makakaalis ka dito ng ganun-ganun lang?" mas lalo akong naiyak, parang gusto ko tuloy pagsisisihan ang pag alis ng bahay ng walang kasama. "Maawa po kayo sa akin. Bitawan niyo po ako." lumapit siya sa akin at marahas akong iniharap sa kanya. He's staring at me with a playful smile. "Maawa? Bakit naman ako maaawa sa isang napakagandang babaeng katulad mo?" dahan-dahan niyang pinalandas ang daliri niya sa mukha ko pababa sa balikat ko. Nag iwas ako ng tingin, mas lalong nanginginig ang katawan ko. "What the f**k are you doing, Alden?" sabay kaming napalingon sa likod dahil sa malakas na sigaw. Biglang napabitaw si Alden sa akin at humarap sa lalaki. Kung gaano ka nakakatakot ang tingin ng Alden na 'to kanina sa akin, mas doble ang takot na nararamdaman ko sa nanlilisik na mga mata ng lalaking naka sando'ng hapit na hapit sa kanyang katawan at cargo shorts. So, this is the infamous Alden Villacruz beside me at sino naman ang lalaking sumigaw? Siya kaya si Gaven Villacruz? "Kuya?" bati niya dito. "How many times do I have to remind you that this is not a place for affection? Bakit nagdadala ka na naman ng babae dito?" galit niyang singhal dito pero sa akin nakatingin. Napayuko ako, ayokong salubungin ang galit na mata nito. Bakit naman parang sa akin pa siya nagagalit? Ako na nga itong nabastos ako pa ang pinapagalitan? "Hindi niya po ako babae." mahina kong sabi. "May sinasabi ka Miss?" tanong nito. Nag angat ako ng tingin at matapang na sinalubong ang mata nito na para bang nanghuhusga. "Ang sabi ko hindi niya ako babae-" "Are you kidding me? At anong tawag mo sa sarili mo, flavor of a week?" biglang uminit ang mukha ko. Nanlaki ang mata ko, gusto siyang lapitan at sampalin ng sobrang lakas pero nawawalan ako ng lakas. "I'm sorry, Kuya." bigla akong inakbayan ni Alden, napatingin ako sa braso niyang nakapatong sa balikat ko. Tapos bumalik ang mata ko sa lalaking nakatingin din pala dito. "Bitaw." matigas kong bulong sa lalaking pangahas na umakbay sa akin. Pero ngumisi lang ito. "Paano kung ayaw ko?" panunuya nito. "Aalisin mo ba yang braso mo o gusto mong lunurin kita sa batis na 'to?" hindi ko alam kung saan nanggaling ang tapang ko pero humalakhak lamang ito. "What are you two still doing? Get a room and get out from my sight." galit na galit na talaga itong mamang nasa harapan namin. Bigla naman akong hinila ng Alden paalis sa tubig. Ramdam na ramdam ko ang mainit na titig nang kuya niya sa akin kaya mas lalo akong naiilang. Muntik pa akong madapa ng nauntog ang paa ko sa isang malaking bato. "Aaaawts." sigaw ko at naupo sa bato, bumalik ang kirot ng paa ko dahil sa lakas ng impact ng pagkakauntog. Kung mamalasin ka nga naman. "What happened?" tanong ni Alden habang dinudungaw ako. "Nothing. I'm fine." sagot ko sa kanya at hinawakan ang paa kong kumikirot pa din. May biglang naglagay ng towel sa likod ko na para bang tinakpan ang katawan mo. "Really? Nothing ka pa sa lagay na yan? You're pale, Miss. Kung bakit kasi sa dinami-dami ng lugar na pwede kayong magdate dito pa sa batis?" galit na bulalas nito. "Alden, tingnan mo ang paa niya baka may naipit na ugat. Girlfriend mo ba talaga yan, bakit parang ayaw mong hawakan?" tumalima naman si Alden na umupo sa harapan ko at hinawakan ang paa ko. "Araaay!" sigaw ko ng mahawakan niya ang napuruhang ugat. "Wag mo kasing tingnan ang hita niya at magpukos ka sa paa. Alis. I'll take her home." tinulak niya si Alden at bigla akong kinarga. "Pero Kuya-" Gusto pa sanang magsalita ni Alden pero agad na tumalikod ang ekstraherong bumuhat sa akin. Nasa daan ang kanyang mga mata pero ramdam ko ang malalim na paghinga nito. Amoy na amoy ko ang panlalaking pabango nito. Pakiramdam ko ay isa akong bata habang nasa mga braso niya. Ang tigas-tigas din ng dibdib niyang nakadikit sa katawan ko. Nakapulupot ang braso ko sa leeg niya. Tiningnan ko ang perpektong mukha niya, siguro mga isang dangkal nalang ang layo ng mukha ko sa mukha niya kaya kitang kita ko kahit kaliit liitang detalye ng mukha niya. Mula sa patubong bigote sa perpektong panga niya. Tapos ang hahaba ng pilik mata niya. Yung ilong niya naman sobrang tangos. Para silang may lahing spanish na brazillian. Kuya brown ang kayang mata. "Don't you know that staring is rude?" bigla itong nagbaba ng tingin sa akin. Nag iwas ako ng tingin. "I'm sorry." Hindi ko maintindihan ang sarili ko kung bakit di naman ako natakot sa kanya ng buhatin niya ako at dalhin. Pakiramdam ko kasi ang gaan ng loob ko sa kanya pero syempre aminado akong nakakatakot talaga siyang tumingin. Pero hindi ko talaga siya nakikitaan na nasa panganib ang buhay ko. "Hindi mo ba alam na bawal ang tresspasser sa lupa namin?" "Po?" "I know that you're not Alden's girl." "Huh?" Tiningnan niya ako ng masama kaya nagbaba nalang ako ng tingin. "Ang pinaka ayaw ko sa lahat, ang aanga-anga. Kaya, kung pede wag ka nalang magsalita." "Sorry po." "And lastly, stop saying you're sorry. Naiinis ako." "I'm sorry." "Isa pang sorry at hahalikan na kita." banta nito. Bigla kong tinikom ang bibig ko. Akala ko kasi nagbibiro lang siya pero basi sa mukha niya, ay hindi. "Anong ginagawa mo sa lugar na yun?" tanong nito. "Maliligo sana ako-" "I know that you are about to swim, but my question is how did you know this place? Hindi ka taga San Lukas, where are you from?" "Sa Maynila po. Pero anak po ako ng may ari ng Rancho Del Rio." "You're Sean's daughter?" "Kilala niyo si Daddy?" "I asked you first? How old are you?" "I'm 17. Ayyy!" muntik niya kasi akong mabitawan kaya napasigaw ako. "Are you okay, kuya?" "Yeah. I'm okay." malamig niyang turan at biglang nananahimik na para bang may iniisip. "Pero sabi niyo kilala niyo po ang daddy ko." "Who wouldn't know your father? He is one of our stockholders." napatango-tango lang ako. Ang dami na ding palang kasosyo ang daddy. Hindi ko naman kasi kilala ang mga taong nakikilala ng daddy ko lalo na sa business world. Sorry naman pero wala kasi sa puso ko ang ganyang bagay. Wala sa business ang puso ko. "Eh, ano pong pangalan niyo kuya?" napangiwi ito sa huling sinabi ko. "Gaven. Ian Gaven Villacruz."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD