Dinala niya ako sa bahay na pinagdalhan din sa akin nina Dave at Ate Alyssa kahapon. Nilapag niya ako sa sofa at umalis din papunta sa isang kwarto.
Ngayon ako nabigyan ng pagkakataon para igala ang mga mata ko sa buong bahay. Mayroong mga nakasabit na family picture frame.
Gusto ko sanang tumayo para lapitan at tingnan ang mga pictures kung di lang dahil sa itsura ko. Nakatwo piece ako at tanging towel lang ang nakatakip sa katawan ko.
"Wear this, para hindi ka lamigin." may hinagis itong summer dress sa kandongan ko. Tiningnan ko ito pero di ko muna kinuha.
"Kay Alyssa yan, naiwan ata dito noong panahong nandito sila ni Dave. Don't worry walang body odor yun kung yan ang inaalala mo." malamig niyang turan at tumalikod na naman para pumunta ng kusina ata.
Agad kong kinuha ang damit at sinuot ito habang wala pa siya. Kulay peach ito at tamang tama lang ang sukat sa katawan ko. Kinuha ko ang towel na nakatakip sa akin at sinabit sa arm rest ng sofa.
Nang bumalik ito ay may dala na itong cold compress at tumabi sa akin. "Akin na yang paa mo." anya habang tinuturo ang paa kong namamaga na naman.
Napalunok ako at dahan-dahang inangat ang paa ko papunta sa hita niya. Bigla akong napapitlag ng hawakan niya ito. "Bakit ka hinahayaan ng papa mong gumalang mag isa. Hindi ka ba natatakot makidnap?" tanong nito habang hinahaplos ang paa ko gamit ang cold compress.
"Hindi naman kasi alam ni Dad na napupunta ako dito. Nasa manila kasi sila." sagot ko habang titig na titig sa nakayuko niyang mukha.
Tama nga si Myra napaka gwapo nga ng Gaven na 'to. Pero yun nga lang laging nakapoker face. Ang tanging ekspresyon niya na lagi kong nakikita ay ang pagkunot ng noo nito, tulad nalang ngayon.
Nakakunot ang noo niya habang dinadampi ang cold compress sa paa ko. Napangiwi ako pag nakakaramdam ako ng pangingilo pero gumagaan din kaagad dahil sa mabining haplos nito.
"You're alone here? Mabuti naman at hinahayaan ka na nilang malayo sa kanila, you're only 17 if I am not mistaken."
"I'm already 17 na po. Hindi na po ako bata para maging dependent sa kanila. And besides, San Lukas is not that far away." sagot ko naman sa kanya, habang titig na titig sa mukha niya.
Nag angat ito ng tingin at biglang lumakas kumabog ang dibdib ko ng magtama ang mga mata naming dalawa. Nagkatitigan kami na para bang wala ni isa sa amin balak mag iwas ng tingin.
"Why are you staring? May mali ba sa mukha ko?" tanong nito habang nakataas ang kaliwang kilay. Napalunok ako, wala namang mali sa mukha niyo eh, perpekto nga eh.
"W-Wala naman po."
"Okay. Then, who gave you a permission to swim at the river?" pag iiba niya ng usapan at binalik ang mata sa paa ko. Hanggang ngayon ay malakas pa din ang kabog ng dibdib ko.
"Kahapon, nakilala ko sina Kuya Dave at Ate Alyssa, uhm. Sinabi niyang pwede daw akong maligo doon." sagot ko. Binaba niya ang cold compress at marahang hinilot ang paa ko.
Ang sarap sa pakiramdam ng bawat galaw niya sa paa ko. "So, nakilala mo na pala ang dalawa? Paano naman kayo nagkakilala ni Alden?"
"H-Hindi ko po siya kilala." napalunok ako sa matalim na matang paninitig niya sa akin. Nakakailang, para akong sinisilaban sa klase ng pagtitig niya. Pakiramdam ko tuloy ay namumula na ako ngayon.
"He's about to kissed you awhile ago, then you'll tell me hindi mo siya kilala?" biglang tumaas ang boses nito dahilan para madiinan niya ang paghawak sa paa ko.
"Aray ko po." hiyaw ko at hinila ang paa ko mula sa kanya.
"Aish. Masakit ba?" tanong nito pero di ko man lang makitaan ng concern, mukha pa ngang galit eh.
"Nako, hindi po. Napapasigaw nga ako dahil di masakit." sarkastikong bulong ko.
"May sinasabi ka?"
"Wala po. Ang sabi ko po, ayos lang di naman ganun kasakit." ngumiti ako ng pilit. Parang gusto ko na tuloy umuwi ng bahay at wag nang bumalik.
Kung alam ko lang na ganito pala ang gagawin niya sa akin, sana pala di na ako sumama. Ni hindi nga nagsorry.
"Kasalanan mo din naman kasi. Bakit ka ba kasi naka two piece eh hindi mo naman kabisado ang lugar na 'to."
"Hindi ko naman kasi alam na may nauna na palang naligo sa akin. Akala ko kasi ako lang mag isa dahil private ang batis na yun." sagot ko. Parang gusto ko tuloy umirap. Parang biglang lumabas ang brat side ko.
"Tama ka, it's a private property but not to us, Villacruz. Makakaligo kami doon anytime na gusto namin."
Honestly, hindi ko alam kung bakit kami nag uusap na para bang matagal na kaming magkakilala where in fact ito ang unang kita namin.
"Oo nga pala, Kuya. Maraming salamat sa pagdala sa akin dito para gamotin ang paa ko pero kailangan ko na pong umuwi..." napatingin ako sa bintana at malapit na ding magdadapit hapon. "Baka kasi hinahanap na ako sa amin."
"Ihahatid na kita." suhestyon nito na agad ko namang tinutulan. Ayoko nang tumingin ng utang na loob. Puro na ata kabutihan ang pinapakita sa akin ng mga Villacruz na 'to. Kahit di naman palangiti itong Gaven na 'to ay mabait pa din naman.
"Nako kuya, wag na. Kaya ko na naman eh." tumayo na din ako at pinilit na wag ngumiwi para ipakitang okay na ako, kahit na ang totoo ay may kirot pa din.
"I insist. Dinala kita dito dapat lang naiuwi kita sa inyo. Malapit nang gumabi baka ano pa ang mangyari sa'yo sa daan." aniya at agad na pumasok sa isang kwarto.
Nang lumabas ay nakasuot na ito ng isang jacket at may susi na nakalagay sa kanyang daliri. Napatitig lang ako sa kanya, mas lalo siyang naging gwapo sa suot niya.
"Let's go." anya. Napatango ako nang wala sa sarili. Parang bigla akong nawala sa sarili ko. Na para bang kahit saan ako dalhin ng taong to ay hindi ako makahindi.
Dumaan siya sa harapan ko para maunang lumabas. Napapikit ako ng malanghap ko ang masculine scent nito na nanunuot pero hindi masakit sa ilong.
"What are you still doing? Let's go." sigaw nito mula sa pinto. Napapitlag ako at biglang bumalik sa katinuan.
"Andyan na po." patakbo akong sumunod kahit na masakit ay pinilit ko pa ding maglakad ng tuwid.
"Oo nga pala, Kuya. Nasaan na yung lalaki kaninang naliligo sa batis?" Tanong ko ng makarating ako sa tabi niya. Bigla nalang kasing di sumunod sa amin. Akala ko nga ay susunod yun pero ni anino ay hindi ko nasilayan.
"Bakit mo hinahanap?" taas kilay nitong tanong sa akin.
"Wala naman. N-Nagtataka lang kasi ako bakit di siya sumipot. Pero, hindi ko naman siya hinahanap." nag iwas ako ng tingin. Huminga ito ng malalim at hinila ang braso ko, akala ko kung anong gagawin niya pero pinatabi niya lang pala ako para isara ang pinto.
"Don't look for another man when you're with me." bulong niya at naunang lumapit sa nakaparadang owner type jeep. Hindi ko napansin yan kanina nang pagdating namin.
Pero ang nagpatigil talaga sa akin ay ang sinabi niya na para bang may double meaning. Pinilig ko ang ulo ko para itaboy ang anumang iisipin dahil sa sinabi ni Gaven.
"Nag aaral ka pa di ba? Bakit dito mo maisipang magbakasyon sa San Lukas? Di ba dapat pumupunta ka ng beach kesa sa bukid?" tanong nito habang nasa byahe kami.
"Aaay! Saglit lang po, kuya." napapreno naman ito ng bigla akong sumigaw. Kunot noo itong bumaling sa gawi ko.
"What?" singhal niya. Ngumiti ako ng tipid sabay peace sign. Namula ang kanyang pisngi na para bang galit na galit.
"Si Gabby nga po pala. Andun pa sa batis at yung iilang gamit ko." napalunok ako dahil ang sama ng tingin niya sa akin.
"Ano namang pakialam ko?"
"Hindi ko po siya pwedeng iwan doong mag isa." sagot ko sa kanya. Nagbuga ito ng hangin at pinaandar ang sasakyan. Pumihit ito paharap sa daan papuntang batis.
"Alam mo bang perwisyo ka?" aniya pero nasa unahan pa din ang mata. Napakagat nalang ako ng labi.
"H-hindi ko naman kasi sinabing dalhin mo ako sa bahay mo." bulong ko na narinig niya din pala.
"Eh anong gusto mong gawin ko pabayaan kita sa piling ng kapatid ko? Kilala ko si Alden, at base sa nakita ko kanina kung di pa ako dumating baka wala na."
"Anong wala na ang pinagsasabi mo?" tanong ko dito.
"Don't be naive... What's your name, again?"
"Sydney po."
"Don't be naive Sydney, sa panahon ngayon 14 palang naintindihan na ang gusto kong sabihin. Alden is capable of turning a tigress into a sheep."
"So, sinabi mong ganun akong klaseng babae? Excuse me Mr. Ian Gaven Villacruz, pero hindi ako pumapatol sa mga lalaking tulad ng kapatid mo."
"Tulad ng ano, Miss Del Rio?" bumaling ito sa akin gamit ang mapaglarong mata nito.
"Mga lalaking, hindi loyal sa minamahal." matapang sagot ko sa kanya at nag iwas ng tingin. He chuckled lightly.
"How about me? Anong tingin mo sa akin?" then he flashes his killer smile na kahit sinong babae magbabayad ng milyon masilayan lang ang ganitong ngiti.
"Huh?" I was caught off guard. Hindi ko alam kung anong isasagot ko. Bakit ganun ang klase ng tanong niya sa akin?
"Anong tingin mo sa mga tulad ko, Sydney Del Rio?" pag uulit niya pero sa pagkakataong ito ay seryoso ang kanyang mata habang nakatingin sa akin.
"H-Hindi ko po alam. Wala naman akong alam sa mga lalaki talaga." nauutal kong sagot sa kanya.
"Then, why are judging my brother kung wala ka naman palang ganung alam pagdating sa mga lalaki?" malamig na tanong nito. Naguguluhan na ako, bakit ganito ang taong 'to parang kanta ni Katy Perry na Hot n Cold.
"Eh?"
"We're here. Bumaba ka na." napatingin ako sa unahan. Gusto ko pa sanang magtanong pero parang bigla akong tinubuan ang hiya. Bigla nalang kasi itong nagsungit.
"Salamat po kuya." sabi ko ng makababa na ako.
"Stop calling me Kuya. Di tayo magkapatid." masungit niya pa ding turan at pinaandar ang sasakyan. Napa urong tuloy ako sa takot na mahagip ng sasakyan niya.
Napanguso ako ng umalis ito. Pinanood ko nalang ang sasakyan nito na unti-unting tatabunan ng mga puno. Huminga ako ng malalim at pumunta sa pinaglagyan ko ng bag ko. Thank God at wala namang may nawala sa gamit ko.
Agad kong tiningnan ang oras sa phone ko. Mag aalas cinco na ng hapon. Di pa naman nawawala ang liwanag ng araw kaya nagpicture muna ako bago pumunta sa pwesto ni Gabby.
Nagselfie ako na makikita ang talon. Mga ilang shots din ang nakuha ko bago nakapagdesisyong umuwi. Sayang lang talaga at hindi ako nakapaligo. Lagi nalang, kailan kaya ako mabigyan ng pagkakataon na hindi ako maabutan ng kahit isa sa kanila.
Better luck next time, Sydney.