Kabanata 7

1678 Words
"Senyorita Sydney?" napalingon ako mula sa binabasa kong libro. Andito ako ngayon nakahiga sa duyang gawa sa rattan habang nagpapalipas ng oras. Katatapos ko lang din kasing mag lunch, kaninang umaga ay sumama akong namitas ng prutas sa farm. Dahil na din sa pagod, kaya nagpapahinga muna ako. Sasama din kasi ako mamaya papuntang bayan para mamalengke. Gusto ko kasing makita kung gaano kafresh ang mga produkto ng mga Villacruz. "Ano yun, Myra?" tanong ko sa kanya habang umaayos ng upo. Tiniklop ko ang librong binabasa ko at hinarap ito. "May naghahanap po kasi sa inyo." excited na sabi nito at lumingon sa likod. Napatingin ako sa kanyang likuran at naningkit ang mata ko ng makita kong papalapit sa gawi namin si Alden. Anong ginagawa ng lalaking yan dito? Tumayo ako at inayos ang pagkakatali ng buhok ko. "Anong ginagawa mo dito?" salubong ko sa kanya ng makalapit ito sa amin. Ilang araw na din ang lumipas mula ng huli kaming nagkita. "Well, good afternoon din sayo, Miss Del Rio." nakangiting bati nito sa akin habang nakalahad ang kamay. Tumaas ang kilay ko sa tinuran nito pero tinanggap din ang kamay nitong nakalahad. "Gusto ko lang sanang humingi ng sorry sa inasta ko sa'yo, last time." anya pero hindi niya pa din binitawan ang palad ko. "It's okay. Wala na yun." sagot ko at dahan-dahang kinuha ang palad ko mula sa kanya. Ngumisi ito at nagkamot ng ulo. "So, ibig ba sabihin niyan, pede na tayong maging magkaibigan?" biglang tanong nito. Ngumiti ako pabalik sa kanya. "Let's see." sagot ko at bumaling kay Myra na nakikinig lang pala sa usapan naming dalawa. "Myra, pede bang magpakuha ng maiinom para sa bisita natin?" "Sure, senyorita." magiliw na sagot nito at bumaling kay Alden. "Excuse me Sir. Kukuha lang po ako ng maiinom ninyo." "Sige lang. Salamat." sagot naman ng huli. "Halika, maupo muna tayo doon sa bench." aya ko dito sa isang bench na malapit sa garden. Nauna akong naglakad at alam kung sumunod siya sa akin. "Paano mo nalaman na dito ako nakatira?" tanong ko dito at naupo. "I asked Kuya Gaven about you. Siya yung nagsabi sa akin na mag apologize ako sa'yo." sagot niya at naupo sa tabi ko. Bumaling ako sa kanya nasa mga bulaklak ang mga mata nito. "Ibig sabihin, hindi mo talaga kusang loob ang humingi ng sor-" "Of course not. I really want to say sorry kaya lang naunahan lang akong pagsabihan ni Kuya. And besides, di kita kilala at hindi ko alam kung paano kita ulit makikita." putol niya sa sasabihin ko. Lumingon siya sa akin nang nakangiti. Pati mata niya ay nakangiti rin. Isang klase ng ngiti na kahit sinong babae talaga ay mahuhulog dito. Aaminin ko, kung gwapo si Gaven, iba naman ang karisma nitong si Alden. Kung matulad sa isang Knight of shining armor si Gaven, isa namang prinsepe si Alden. Prince charming, kasi charming kasi ang personality niya. Para siyang si Kim Myung Soo ng Infinite, pareho din silang may dimple. "Kaya ka nandito after two days?" ngumiti ako sa kanya. "Wag mo nang isipin yun dahil tapos na yun, di ko na din naman naiisip yun." "Heto na po ang meryenda niyo, Sir." inabot ni Myra ang tray na may lamang cassava cake at dalawang basong dalandan juice. Kinuha ko ito at nilagay sa pagitan naming dalawa ni Alden. "Thanks." sabay naming sabi ni Alden. Nagkatinginan kami at mahinang nagtawanan. "You're very much welcome po. Enjoy your food." kinikilig na sabi nito sabay talikod. May kasama pang mahinang tili. "Bagay talaga kayo." anya at tumakbo pabalik ng kabahayan. "So, kamusta ka na?" biglang tanong nito pagkatapos isubo ang kinuhang cassava cake. "Okay naman ako." sagot ko sa kanya pero nasa mga tutubing lumulipad ang mata ko. Parang gusto ko tuloy'ng tumayo at lapitan ang tutubi para hulihin. "I heard you're a Manila girl. Nandito ka lang para magbakasyon. How old are you?" napalingon ako sa kanya at nahuli ko siyang matalim na nakatitig sa akin. Bigla akong nailang sa klase ng paninitig niya. "Yeah. Nakakasawa na din kasi'ng mag spent ng summer sa beach. I want something new naman. And about my age.... I'm 17." Umiwas ako ng tingin sa kanya. Ayokong salubungin ang mga mata niyang parang may mali sa akin kung makatitig. "Ibig sabihin lagi kang nagpupunta sa beach?" "Yep. Pero hindi ako laging nag iisa. Noong mga bata pa kami lagi kaming dinadala ng parents namin sa Bora, minsan a out-of-the-country din kami, pag hindi busy ang daddy. Pero noong nag 15 na ako ang kasama kong magbeach ay ang mga kaibigan ko. Ikaw ba hindi ka mahilig mag beach?" mahabang lintyana ko sa kanya. "Hindi masyado. Mas busy kasi pag summer dito sa San Lukas dahil mas madaming hayop ang nakakasakit kaya hindi ako makakaalis, dahil responsibilidad ko bilang personal veterinarian nila. At masaya naman ako sa ginagawa ko eh." sagot niya. Tumango-tango lang ako bilang pagsang ayon. Hindi ko talaga inaasahang dumating ang araw na 'to, na makipag usap ako sa bagong kakilala na para bang matagal na kaming magkaibigan. Kahit kanino naman ay ganito ako. "Dito ka na talaga lumaki? Pero pumupunta ka pa naman ng Maynila? San ka nag aral nang kolehiyo?" sunod-sunod kong tanong sa kanya. "Pumupunta din naman ako ng Maynila pag di ganun kabusy to unwind. Pero mas masaya kasi ako dito sa probinsya. Maaksaya sa pera kung nasa Maynila ka. Panandaliang kasiyahan lang din naman ang makukuha ko at hang over. Medyo nasulit ko na din naman kasi ang pagiging buhay binata ko noong nag aaral ako sa kolehiyo. Sa Maynila ako nakapagtapos." "Ibig sabihin, pede ka na palang mag asawa dahil nasulit mo na pala ang pagiging binata mo?" nakangiting sabi ko sa kanya. "You can say that. Pero ngayon ko lang kasi nakita ang babaeng gusto ko at higit sa lahat alam kong hindi pa siya handa para pumasok sa isang relasyon." bigla akong napatingin dahil sa seryosong sabi niya. Napalunok akong mataman niya akong tinitingnan. "A-anong ibig niyong sabihin?" natatawang tanong ko sa kanya. "I think, I like you, Syd." nalaglag ang panga ko. Teka, parang di ata nagprocess sa utak ko ang narinig ko ngayong tanghaling 'to. Tumawa ako ng pagak ng magsink in sa akin ang sinabi niya. "Hehe. Impossible naman po ata yang sinasabi niyo, Kuya. Noong isang araw mo lang ako nakita." "Hindi ko alam, pero yun kasi ang nararamdaman ko. Mula ng makita kita biglang tumibok ang puso ko-" "Baka naman ang puson mo ang tumibok, Alden?" sabay kaming napalingon sa gawi ng taong nagsalita. He's standing arrogantly while crossing his arms on his chest habang natingin sa amin. "Kuya? Anong ginagawa mo dito?" napatayo si Alden. Pabalik-balik ang tingin ko sa kanilang dalawa. Ang sama ng tingin ni Gaven sa kapatid niya. Teka, ano na naman ang problema ng mamang 'to. Bigla bigla nalang sumusulpot na parang kabute. "Ako dapat ang magtatanong niyan sayo? What are you doing here?" malamig na tanong ni Gaven dito na nasa akin ngayon ang matalim na mga mata. "You told me to apologized and I am here to say sorry-" "But that's not what I heard." anya at bumaling kay Alden. "Anong meron at anong ginagawa mo dito, Kuya Gaven?" inosenteng tanong ko at bumaling kay Gaven. Napunta ang tingin nila pareho sa gawi ko. Bigla nalang silang mag palitan ng salita sa harapan ko at parang ginawa akong tanga. "I am here para alamin kung totoong paghingi ng sorry ang ginawa nitong kapatid ko sayo pero base sa narinig ko ay napunta na sa walang kwentong bagay ang pinag uusapan niyo." "Wala ka bang tiwala sa kapatid mo, Kuya? Bakit kailangan mo pang alamin kung nag sosorry nga siya sa akin o wala?" "Dahil kilala ko ang kapatid ko." bumaling ito kay Alden. "And you, umuwi ka na dahil manganganak na ang isang baka. Kailangan ka doon." matigas nitong bulong sa kapatid pero narinig ko naman ng loud and clear. Bumulong pa siya. Naningkit ang mata ko habang pinapanood ang pagkamot ni Alden ng kanyang batok at bumaling sa akin. Bakit ganun, parang wala siyang magawa sa utos ng kuya niya? Ganun siya ka obedient? "So, paano Syd. Next time nalang siguro. Babalik nalang ako para ituloy yung nasimulan ko kanina." "Okay." maikling sagot ko. Kahit ang totoo ay hindi ko alam kung anong pinagsasabi niya. "Sige mauuna na ako. Salamat sa cassava cake, ang sarap." pumihit na ito. "Ikaw kuya di ka pa ba uuwi?" baling nito sa kapatid. "Susunod ako." pero sa akin nakatingin. Nakakailang tuloy. Bakit ba kasi kailangan niya pa akong titigan ng ganyan. Nang makaalis na ang kapatid niya ay pumwesto ito sa lugar na inalisan ng kapatid niya. Wow, ang kapal ni Kuya. Sa pagkaalala ko, hindi naging maganda ang paghihiwalay namin noong araw na yun pero kung umasta parang close na kami. Feeling close ang supldadong 'to ah. "Anong ginagawa mo dito?" tanong ko at humalukipkip habang nakatingin sa kanya. "Para bisitahin ka. Bakit may reklamo?" nanlaki ang mga mata ko. Kung makaasta naman ang kuyang 'to akala mo kung sino. "Meron. Anong karapatan mong bisitahin ako? Bakit friends ba tayo?" singhal ko sa kanya. "Eh di makipagfriend ako sayo para mabisita kita." he cockily says at nilantakan ang cassava cake na hinanda para kay Alden. Nanlaki ang mata ko lalo na nang kinuha niya ang basong ininoman ko at tinungga. "Paano kung ayaw ko?" "At sino ang gusto mong maging kaibigan? Yung kapatid ko?" iritadong sabi nito. "Bakit naman hindi? Hindi malayong maging magkaibigan kami dahil magkalapit ang edad namin." sagot ko sa kanya at nakipagsukatan sa kanya ng titig. "So, age does matter na pala ngayon ang makipagkaibigan?" taas kilay nitong tanong sa akin. He's staring at me intensely. "Parang ganun na nga." "Whether you like it or not. Magiging magkaibigan na tayo and you can't say no." naningkit ang mata ko. The nerve of this gurang. "NO!" kontra ko. "Yes dear. We're now friends and soon to be more than that." bulong niya at tumayo para umalis. The nerve.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD