Gumaan ang pakiramdam ko ng nakapag paalam ako kay Sir Damian. Ngunit hindi ko maitatatwa na may isang bahagi sa puso ko ang hindi masaya at nakaramdam ng lungkot at kirot. Alam kong hindi ko man aminin ay meron pa akong gustong marinig sa kanya. "Ano na, Ana Joy? Nakapag paalam ka na? Gising pa ba si Sir Damian? Anong sabi? Sinigawan ka ba? Pinagbintangan ka na naman ng mga kung anu-ano? Galit na naman ba?" sunod-sunod na mga tanong ni Tine na talaga pa lang inaabangan ang pagpasok ko sa silid ng triplets. Ngumiti ako at tumango. "Oo, Tine. Gising pa pala si Sir Damian. Mabuti na lang at bumaba ako ng bahay para uminom muna ng tubig at sakto nakita ko siya sa gilid ng pool at mag-isang umiinom ng alak." Sagot ko. "Baka nag-iisip at nakokonsensya na? Anong sabi? Sabihin mo na na at na

