"Bakit ang tabang ng sabaw? Ano bang klaseng ulam ito?" tanong ko at saka ibinagsak ang kutsara na ginamit ko sa ibabaw ng lamesa. Tumingin ako sa dalawang babae na kasambahay na ngayon ay mga nakayuko sa gilid ng dining area habang naghihintay kung may kailangan pa ba ako habang kumakain. Binabantayan nila ako na tulad isang bata na dapat pagsilbihan sa lahat ng bagay. "Narinig niyo ba ang tanong ko?!" asik ko sa kanilang dalawa na mga nagulat sa biglaan kong pagsigaw ngunit lalo lamang silang nagyuko ng mga ulo at walang kibo. "Sir, may problema ba?" kunot-noo tanong ng isang matandang babae na ngayon ay pumasok sa dining area. Si Manang Yolly na ang nagtanong. s Siya ang chef cook ng mansion kaya malamang na siya ang nagluto ng matabang na sabaw na aking hinihigop. Gustong -gusto ko

