"Boss, nasa hideout na ang doktor na pinahanap niyo." Imporma ng isa sa mga tauhan ko. Buong akala siguro ng taong iyon ay makakaligtas siya sa mga kamay ko. Pero walang lihim na hindi nabubunyag. Walang bulok na hindi sumisingaw. Simula ng magkausap kami ni Trevor at banggitin niya ang tungkol sa mga iniinom kong gamot para magka-anak kami ni Suzy ay hindi na ako pinatahimik ng loob ko. Maaaring tama ang hinala ng kaibigan ko na may sabwatan sa pagitan ni Jerwin at ang kaibigan niyang si Dr. Galvez. "Ang lakas ng loob niyang makipag sabwatan sa sira ulo kong kaibigan! Makilala niya ngayon kung sino si Damian Zarrate! Malalaman niya ang tunay na ibig sabihin ng salitang kapangyarihan! I want him to beg for his life!" gigil na gigil ako habang iniisip kung paano ko pahihirapan ng h

