Masakit ang halos buong katawan ko ng magising ako kinabukasan. "Aw!" Daing ko at sabay hawak sa aking likod. Masakit na parang binugbog ang parte ng aking hinawakan. Heto ang tumama sa doorknob g pintuan ng silid ni Sir Damian. Naglakad ako papuntang salamin sa bandang kanan ng aking kwarto. Umupo ako sa upuang katapat nito at saka ko sinipat ang aking mukha. Maga ang kaliwa kong pisngi, may itim, berde at medyo kulay violet. Sa lakas ba naman ng pagkakasampal sa akin. Natural lang namamaga at magkapasa. Ganun din ang parte ng aking leeg. Tumayo ako at tumalikod sa salamin. Itinaas ko ang pataas ang laylayan ng aking damit at saka ko lumingon sa salamin. Tama. Masama rin ang tama ng aking likuran. Kaya naman may malaking pasa ako sa likod. Nagdamit ako ng may kwelyo upang maitag

