"Doña Dorina, siguro po kayo ito?"
Sabay pakita kay Doña Dorina ng isang larawan ng kahawig na kahawig niya. Malamang na si Doñ Dorina noong kabataan niya. Habang naglilinis kasi ako ng mga kwarto ay nakakakita ako ng mga lumang photo album at dinala ko dito sa kwarto ng Donya at dito isa-isa kong tinitingnan ang mga larawan habang pinupunasan ng mga alikabok at inaayos.
May mga lumang-luma na base na rin sa itsura ng mga kupas na kulay ng photo album. May black and white pa nga ang background. Mayroon din namang bago at kailangan lang punasan.
Hindi syempre pamilyar ang mga mukha dahil si Doña Dorina at Sir Damian lang naman ang kakilala ko sa bahay na ito. Dahil boring naman tingnan ang mga lumang larawan ay kinuha ko ang isang malapad na puting album.
Damian & Suzy.
'Yun ang mga letrang nakalagay sa cover ng album at base sa kulay at design na puro puting bulaklak na maliliit at may dalawang ibon na may naka ipit na ribbon sa kanilang mga tuka.
Malamang na isa itong wedding photo album.
Ewan ngunit parang kumalabog ang dibdib ko ng makita pa lamang ang mga pangalan na nakalagay.
Suzy.
Naalala ko na 'yun ang pangalan ng asawa ni Sir Damian na binanggit ni Manong driver.
Unti-unti kong binuklat ang unang pahina.
Bumungad sa akin ang isang babaeng tila isang dyosa sa ganda. Matangos ang ilong at ang mga mata ay kumikinang sa galak habang todo ngiti na nakalabas ang perpekto at pantay-pantay na mga ngipin.
Magandang-maganda ito sa suot na kulay puting damit pangkasal na sa tabas pa lamang ay alam ko ng mamahalin.
Si Ma'am Suzy at sobrang ganda niya.
Nabaling agad ang aking atensyon sa lalaking katabi niya na todo ngiti rin gaya ng babaeng nasa larawan.
Tama ako.
Nasa kabila ng sunog na mukha ay nagtatago ang angking kakisigan na natabunan ng itim na peklat.
Parang ang nilinis kong chandelier.
Tinatakpan lamang ng alikabok at agiw ang taglay na kagandahan.
Hindi ko namalayan na kusa na pa lang umangat ang aking mga kamay papunta sa mukha ng lalaki at marahan itong hinahaplos.
Sir Damian.
"Napaka gwapo po pala ni Sir Damian, Doña Dorina." Nakangiti kong sabi sa Doña habang hindi maalis ang aking mga mata sa larawan ni Sir.
"Bakit po kaya hindi niya ipaayos ang mukha niya. Sigurado naman po ako na marami siyang pera at kayang-kayang magbayad ng isang plastic surgeon," wika ko sa Doña na hindi ko alam kung naririnig ba ako at naiintindihan.
Sa daming pera ni Sir Damian ay malamang na kahit ilang Doktor ay kaya niyang bayaran mabalik lang ang dati niyang mukha.
"Pero bakit kaya hindi niya ginawa?
Kuntento na ba siya sa mukha nya? O kaya naman ay-"
Napatingin ulit ako sa larawan ni Ma'am Suzy.
Ewan ko ba. Hindi ako ang tipo ng tao na naiinggit sa anuman ang meron sa iba o kaninuman.
Pero bakit tila nakakainggit si Ma'am Suzy?
"Ang ganda po pala ng asawa ni Sir Damian, Doña Dorina" sabi ko habang may mapait na ngiti sa aking labi.
"Sana all maganda," dugtong ko.
"Bakit ba tila ako naghihimutok?
Dahil ba maganda si Ma'am Suzy?"
tanong ko sa aking sarili.
"Pero bakit pinatay ka raw ng sarili mong asawa? Ni Sir Damian. Totoo ba 'yun? Bakit ka naman papatayin ni Sir Damian gayong siguradong mahal na mahal ka niya? Pinakasalan ka nga niya."
Base sa mga nakikita kong kuha ng mga larawan nila sa mismong kanilang kasal ay hindi nila naitatago ang kasiyahan.
Lahat ng larawan nila ay nakangiti.
Ngiting umabot sa kanilang mga mata. Iyong ngiting walang halong pagkukunwari.
"Kaya siguro ayaw ng magpa-opera ni Sir Damian ay dahil sa pagmamahal niya sayo Ma'am Suzy," nausal ko .
"Dahil siguro nawalan na rin siya ng gana sa buhay lalo ng mawala ka." Dugtong ko at nakatingin sa larawan nilang dalawa.
"Pero kung mahal ka niya bakit siya ang itinuturong pumatay daw sayo?"
Maraming mga katanungan sa aking isipan. Magulong mga katanungan na ewan kung malaman ko pa ba ang kasagutan.
"Saan mo nakuha ang mga yan?!"
Mabalasik na tanong mula sa aking likuran. Mabuti na lamang at hindi nagising si Doña Dorina ng aking lingunin na kapipikit pa lamang at wari ko ay ngayon pa lang nahihimbing.
Napatayo ako at tarantang nabitawan ang mga hawak kong larawan na akin na sanang inililigpit ngunit nagkalat sa sahig ng nagulat ako sa baritono n boses mula sa pintuan ng silid ni Doña Dorina.
Hindi ko nagawa na pulutin ang mga larawan dahil marahas akong hinawakan ni Sir Damian sa aking kanang braso at kinaladkad palabas ng silid ni Doña Dorina.
"Pakialamera!" lumagpak sa aking kaliwang pisngi ang kanyang malapad na palad.
Dahil sa lakas ng sampal ay tumama pa ang aking likod sa doorknob ng pinto ng kanyang silid kung saan kami huminto habang kaladkad ako.
"Hindi ba at ang sabi ko sayo ay ayoko ng pakialamera sa pamamahay ko?! " malakas niyang sigaw sa mukha ko. Amoy na amoy ko ang halimuyak at bagsik ng alak sa kanyang hininga habang nag-iigting ang panga at mga ugat sa leeg.
"S-sir, nagliligpit lamang po at inaayos ang mga pict-" hindi ko na naituloy ang aking pagdadahilan dahil lumapat sa aking leeg ang kanyang dalawang kamay at sinasakal ako.
"Sa lahat ng ayoko ay ang mga pakialamerang gaya mo!" nanlilisik ang mga mata niya habang mas lalong humihigpit ang pagkakasakal sa akin.
"Katapusan ko na ba? Lord, tulungan Niyo po ako," usal kong panalangin.
"Suzy?"
Narinig kong tawag ni Sir Damian at dali-daling inalis ang mga kamay sa aking leeg.
Ubo ako ng ubo at kuntodo habol sa aking hininga matapos niya akong bitawan.
"Suzy, sorry." At mula sa pag sakal ay niyakap niya naman ako ng mahigpit.
Nabigla ako.
Yakap ako ni Sir Damian at damang-dama ko ang init na nagmumula sa kanyang katawan. Dama ko rin ang pintig ng kanyang puso na nakikipagsabayan sa bilis din ng pintig ng puso ko.
Malamang dala ng kalasingan kaya niya ako napagkamalang si Ma'am Suzy.
Miss na miss na siguro ni Sir Damian ang kanyang yumaong asawa.
"Sorry, Suzy." Ulit niya at mas hinigpitan ang pagkakayakap sa akin.
Wala sa loob kong tinugon ang kanyang yakap at yumapos din ako sa kanyang likuran.
"Suzy, I miss you so much babe," bulong ni Sir Damian at saka ako pinatakan ng mabining halik sa aking leeg na naghahatid ng boltahe ng kuryente sa aking kaibuturan.
Pilit akong kumakawala sa kanyang pagkakayakap ngunit masyado siyang malakas. Pero parang hindi ko siya kayang sampalin gaya ng ginawa ko sa lalaking humawak sa aking puwet noong nasa club pa ako.
Mula sa aking leeg ay umakyat ang kanyang halik hanggang sa nasakop ang aking naka-awang na labi.
Ang kaninang mabining mga halik ay nagiging mapusok.
Mapaghanap. Sabik.
Hindi ko lubos maunawaan ang nangyayari.
Naguguluhan ako.
Napapikit ako sa paglapat ng mainit niyang labi sa aking balat.
Nakakapaso.
Samut-saring emosyon na ang nararamdaman ko.
Narinig ko ang pagbubukas at pagsasara ng pinto at at paglapat ng likuran ko sa malambot na higaan.
Ramdam ko ang buong bigat niya ng pumatong sa katawan ko.
"S-sir." Tawag ko sa kanya. Buhol-buhol na ang aking paghinga sa ekstrangherong pakiramdam na ngayon ko lamang nadama.
"Suzy, ummhh." Ungol ni Sir Damian habang walang tigil sa paghalik sa aking mukha at leeg.
Panay haplos na rin niya sa iba't-ibang bahagi ng aking katawan.
Nanlaki ang mata ko ng bigla niyanh ipinasok sa suot kong blusa ang kanyang kanang kamay at pinisil ang kanan kong dibdib.
"S-sir." Tawag kong muli.
Ngunit tila wala siya sa sarili at hindi naririnig ang aking pagtawag.
Ngunit natigil ang kanyang halik pati na rin ang kanyang mga haplos sa aking katawan.
Nakaramdam ako ng hindi na siya kumikilos.
Narinig ko ang kanyang mahinang paghilik.
"Sir."
Inalog-alog ko pa ang kanyang katawan. Hindi pa rin kumikilos.
At ng matantiya kong tulog na nga siya ay buong lakas at ingat ko siyang inalis mula sa pagkakapatong niya sa akin.
Mas maluwang ang kwarto niya kaysa sa inuukopahan ko. Kulay gray ang kabuuan ng silid. Lalaking-lalaki ang datingan ng kanyang silid. Iyong tipong walang gaanong mga naka display na palamuti. May malaking tv na nakaharap sa mismong kama. May dalawang pinto sa gawing kanan. Malamang na palikuran ang isa sa mga iyon samantalang ang isa ay hindi ako sigurado kung ano.
Binuksan ko ang aircon. Nilagyan ng unan ang kanyang ulo at kinumutan ko siya ng makapal na kulay puti at itim na comforter na terno ng bedsheet at punda ng unan.
Niluwangan ko ang kanyang necktie na nakasabit pa rin sa kanyang leeg at saka pigil-hininga na binuksan ng hanggang tatlong butones ang kanyang long sleeve na suot.
Inalis ko rin ang makintab na kulay itim na sapatos ng kanya pa rin suot maging ang itim na pares ng medyas.
Malaya kung pinagmamasdan si Sir Damian. Naka-awang ang mga maninipis na labi habang payapa nang natutulog. Napahawak tuloy ako sa aking sariling labi.
Hinalikan ako ni Sir. Hindi imahinasyon. Hindi panaginip.
Malamang dahil sa sobrang kalasingan kaya napagkamalan niya akong si Ma'am Suzy.
Mahal na mahal niya si Ma'am Suzy kahit patay na ito.
Napangiti ako ng mapait.
Hindi ko alam kung bakit para akong mas lalong nainggit kay Ma'am Suzy.
"Grabeh! Muntik na ako, Sir," nausal ko.
Kung iisipin ay muntik na kong ma-rape ni Sir Damian.
Isang sulyap muli ang aking ginawa kay Sir Damian.
"Goodnight, Sir."
At isang buntong-hininga muna ang aking pinakawalan bago ako dahan-dahan ng lumisan sa kanyang silid.