Sabik na sabik makauwi na ng mansyon si Drei. Talagang nagtatakbo siya agad sa silid nila ng kanyang mga kakambal dahil na miss niya na rin ang kanyang mga laruan na maayos niyang dinatnan sa kanyang sariling lalagyan dahil inayos lahat ni Duke. Samantalang hindi pa rin ako makapag move-on sa naging huling usapan kanina sa ospital. "Handa na ba akong ulit na mabuntis kung sakali?" tanong ko sa aking sarili dahil ng ipinanganak ko ang triplets ay hindi ko na nakita pa ang sarili ko na muling magluluwal ng bata dahil wala naman akong asawa. "Ana Joy, ano ba ang iniisip mo at kanina pa kita tinatawag ay hindi mo ako naririnig?" untag ni Tine na hindi ko namalayan na narito na pala sa tabi ko. "Pasensya na at may iniisip lang ako." Paliwanag ko. "Ano naman ang iniisip mo? Masyado yatang m

